Chapter 20

118K 2.8K 135
                                    


Lyka's POV


Pagkatapos naming mag-usap ni James ng kung anu-ano ay umakyat na ulit ako at akmang papasok na sa loob pero napatigil ako nang makita ko silang magkayakap. Tumalikod ako at naglakad muna sa hallway dahil ayaw kong maistorbo sila.

Napabuntong-hininga naman ako at biglang nasira ang mood ko. Naaawa talaga ako kay Dylan kahit na masama siya sa akin. He sincerely loves her and for her to use him like that . . . nakakainis.

Bigla namang bumukas ang pinto sa unit namin kaya napatago ako sa likod ng pader. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nagtatago. Tsk. Dinial ko naman ang number ni James at agad siyang sumagot.

"Pauwi na si Mei. Okay na? Sige, bye," saka ko in-end ang tawag. Nag-aalala kasi siya dahil baka gabihin siya. May curfew pa naman sa dorm na tinutuluyan niya.

Pinanood ko naman silang maglakad sa baba at naiwan ako rito sa hallway. Papasok na sana ako sa bahay pero pinatay pala ng lokong 'yon ang lahat ng ilaw. Hindi tuloy ako makapasok dahil natatakot ako. Ayoko pa naman sa ganitong sitwasyon dahil lagi kong naiisip na may multong bigla na lang susulpot sa harapan ko.

Pumunta muna ako sa hagdanan at doon ako tumambay kaso medyo madilim din dito kaya naglaro na lang ako sa phone ko para wala akong maisip na kahit ano. Bigla namang may kumalabog sa third floor kaya halos mapasigaw ako. Dahil natatakot na ako ay sinubukan kong tawagan ulit si James pero sa kamalas-malasang pagkakataon ay saka pa na-expire ang promo ko.

Napatigil ulit ako nang biglang humangin nang malakas at kinilabutan ako.

Cool ka lang, Lyka. Walang multo, paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko at pumikit na rin ako dahil ayaw kong makita ang paligid.

"Walang multo. Walang multo. Hindi sila totoo. Hindi sila totoo. Walang mul—"

Nanigas ang buong katawan ko nang biglang may naramdamaan akong kamay sa mga paa ko. Ang alam ko lang ay sobrang lakas ng sigaw ko at nanghina ang buong katawan ko sa takot.

"Gulat ka 'no?" rinig ko naman sa harapan ko sabay tawa niya.

Napadilat ako at tinignan ko siya nang masama pero imbes na magalit ay naiyak ako dahil sa sobrang takot. Bigla naman siyang lumuhod sa harapan ko at nagbago ang expression niya.

"Teka, bakit ka umiiyak? Huy, ayos ka lang?"

Hindi ko alam kung nagjojoke ba siya o ano kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tanga ba siya? Nakakainis! Gusto ko siyang sapakin pero nanginginig pa rin ang katawan ko.

"H-hindi ko naman alam na matatakot ka talaga," mahina niyang sabi. "Tara, uwi na tayo."

Nagulat naman ako nang bigla niyang hinila ang braso ko at inalalayan niya akong tumayo. Nanghihina pa rin ang katawan ko pero nagawa naman naming umuwi at pagdating namin sa bahay ay pinaupo niya agad ako. Dumiretso siya sa kusina at pagbalik niya ay may dala na siyang baso ng tubig.

Matatouch na sana ako kaso ang mokong, biglang tumawa nang malakas. Parang ang sarap tuloy ihagis sa kanya nitong baso.

"Huwag kang tumawa-tawa diyan, nakakainis ka!" sigaw ko nang medyo kumalma na ang katawan ko.

"Hindi kasi bagay. Malay ko bang matatakutin ka pala?"

"Ewan ko sa'yo!"

"Bakit kasi nasa labas ka? Bakit 'di ka pumasok dito sa loob?"

"Paano, may epal na nagpatay ng lahat ng ilaw. Sino kaya?"

"Pwede mo namang buksan?"

"Whatever. O, ito na baso mo!" bulyaw ko at saka ko nilagay ang baso sa kamay niya pero nagulat ako nang bigla na lang 'yong bumagsak sa sahig. "Oh my gosh!"

Pagtingin ko, nagdudugo na ang kamay niya kaya bigla akong na-guilty. Teka dahil ba sa baso 'yon? Hala!

"Hala, wait! Huwag kang gagalaw d'yan!" utos ko at agad akong tumakbo sa loob ng kwarto habang iniiwasan ang mga bubog sa sahig.

Kinuha ko ang first aid kit sa cabinet at nagmadali akong pumunta sa kanya.

"Akin na!" sabay kuha ko sa kamay niya at hinatak ko siya papunta sa upuan.

Pinunasan ko ang dugo sa kamay niya at doon ko nakita na may dalawang cut sa daliri niya. Kumalma na ako kanina pero kinabahan ulit ako dahil dito. Kainis na lalaki 'to, lagi na lang akong tinatakot!

"Teka, marunong ka ba? Baka lalong lumala!" reklamo niya kaya tinignan ko siya nang masama.

"Pwede ba? Tumahimik ka muna diyan at baka 'yang bibig mo ang lagyan ko ng benda."

Buti naman at tumahimik siya.

Nilinis ko ang sugat niya at saka ko nilagyan ng gauze. Pagkatapos no'n ay chineck ko pa ulit dahil baka mali ang ginawa ko pero mukhang wala namang problema.

"Ang talim kasi ng kutsilyo natin," bigla niyang sabi kaya naguluhan ako.

"Ha?"

"Nasugat ako kanina habang pinagluluto ko si Mei."

Hindi ko alam kung bakit pero nagpintig ang tenga ko sa narinig ko.

"Eh hindi ko naman pala kasalanan so bakit ko pa ginam—"

"Lalong dumugo dahil sa ginawa mo sa baso pero thank you," sabi niya at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

Teka . . . bakit ba hawak ko pa rin ang kamay niya?!

"Ouch! Bakit mo binitiwan?!" sigaw niya habang nakatingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"B-bakit?! Tapos na eh!"

"Sana sinabi mo. Ang sakit no'n ha."

"Arte mo! Ikaw na nga ginamot, ikaw pa galit? Bahala ka na nga! Matutulog na ako."

Nagmartsa ako papasok sa kwarto at agad kong sinara ang pinto. Dumiretso ako sa kama ko at mukhang kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon. Ano nang nangyayari sa akin?

God. I'm starting to hate this feeling.


***

7th UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon