Chapter 36

115K 2.8K 187
                                    

Dylan's POV


I was surprised when I saw her tearing up as she stared at me with those sad eyes. Naalala ko tuloy ang gabing umuwi siya sa unit. I couldn't remember what I told her but based on her expression, it must be bad.

"Nakakainis," bulong niya habang nakatingin sa pagkain.

Napangiti naman ako dahil hindi pa rin ako makapaniwalang kaharap ko siya ngayon. Akala ko next sem ko pa siya makikita at sa katunayan, binalak ko na ring itanong kay James kung saan siya nakatira. I wanted to tell her a lot of things but seeing her in front of me pushed back those thoughts. Gusto ko lang munang tignan siya nang matagal dahil baka mawala na naman siya bigla.

"What?!" bulyaw niya. "May dumi ba ako sa mukha?"

Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. Shit. I shouldn't cry in front of her.

"Ano bang—"

Napatigil siya sa pagsasalita at ako naman ang yumuko dahil hindi ko na kayang pigilin ang luha ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang lahat dahil natatakot ako. I didn't know that while I was yearning for someone's love and attention, she was hurting but still stayed by my side.

"Umiiyak ka na naman," rinig kong sabi niya. "Siya na naman."

Nagulat naman ako sa narinig ko at pagtingin ko, inilagay niya ang panyo niya sa harapan ko. Pagtaas ko ng ulo ko ay nakatayo na siya at akmang maglalakad na para umalis. Tumayo rin ako at tumakbo papunta sa kanya.

"Wait!" sabay hawak ko sa braso niya at tinignan naman niya ako nang masama.

"Please lang, Dylan—"

"Pakinggan mo muna ako," seryoso kong sabi. "Please?"

She calmed down a bit but I didn't let go of her arm. Hindi rin siya tumingin sa mga mata ko kaya naman pagkakataon ko 'yon para titigan ang mukha niya.

"Maayos na sina Mei at James," sabi ko at napatingin naman siya agad sa akin. "Masaya na ako para sa kanila."

Nakita ko naman ang awa sa mga mata niya kaya nginitian ko lang siya. Kahit papaano ay parang nawala ang inis niya kaya ginamit ko ang pagkakataong 'yon para hilahin siya palabas. Mas mabuting huwag kaming mag-usap sa lugar na 'to.

"They're here."

Nagulat naman kami pareho nang makita namin si Cath at ang boyfriend niya. Teka nga, bakit ba nandito pa siya? Itong boyfriend niya naman, sinakyan pa ang trip niya. Para ngang pamilyar ang mukha niya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.

"Bakit nandito pa kayo, Kuya?" tanong ni Lyka sa lalaki at ako naman ang napanganga.

Ah. Naalala ko na siya. Siya 'yong kasamang lalaki ni Lyka sa picture sa wallet niya. Kuya niya ang boyfriend ni Cath?

Bigla namang tumingin sa akin nang seryoso ang Kuya niya kaya hindi agad ako nakagalaw. He was glaring at me but when Cath turned around, he broke his gaze and smiled at her.

"Let's go!" sigaw ni Cath at ang alam ko na lang, nandoon na kaming apat sa kotse niya.

Sa totoo lang, pinilit niya lang talaga ako sa date na 'to. Sa katunayan, ayaw ko talagang pumayag dahil gusto kong hanapin si Lyka pero nang maalala ko ang sulat niya, naisip kong baka ayaw niya na akong makita. I accepted her offer but I didn't use my personal number. My plan was to make her wait and treat her rudely. Gusto kong ma-turn off sa akin ang babaeng ipapakilala niya para matapos na 'to pero nagulat ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses at paglingon ko, nakita ko ang babaeng gusto kong mahanap.

Nakita ko si Lyka sa harapan ko.

It felt like fate was playing a game with me and I didn't know what my next move would be. Ang alam ko lang, ayaw kong masayang ang pagkakataong 'to.


***

"We're here!"

Bumaba kaming apat sa kotse at agad namang humiwalay si Cath at ang Kuya ni Lyka kaya naiwan kaming nakatayo ro'n. Hindi rin kami nag-usap habang nasa sasakyan.

Nasa isang park kami ngayon at may ilang naglatag ng picnic cloth sa damuhan. Medyo maulap din kasi at mahangin kaya hindi gaanong mainit. Perfect for a picnic date.

"Wow," Lyka muttered while looking at the colorful flowers around.

"Tara, doon tayo," sabay hatak ko sa kanya sa side kung saan malilim.

Mukhang pinlano talaga ng dalawa ang araw na 'to dahil may set sila para sa amin. Talagang humiwalay sila pagkatapos nilang ibigay ang basket at pansapin sa akin. Nagpatulong naman ako kay Lyka na i-set up ang lahat hanggang sa nakapaglatag na kami at naihanda na rin ang pagkain.

Pareho kaming umupo ro'n at hindi pa rin nag-uusap tungkol sa mga nangyari sa campus at unit.

"Nabasa mo na ba?" biglang tanong niya. Mukhang ito na ang kinatatakutan ko.

"Yes," sagot ko at bigla naman niyang itinago ang mukha sa mga tuhod niya.

"You've read it and you're still doing this," she muttered and the way she hid her flushed face was cute. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Wait, did I really say cute?

"Of course," I replied. Bigla naman siyang napatingin sa akin habang nakakunot ang noo niya.

"Bakit?"

"Hindi ba halata?"

"Itatanong ko ba kung—"

Hindi naman siya nakapagsalita sa sumunod kong ginawa at napangiti ako sa itsura niya.

"Na-miss kita," I said while resting my head on her lap.


***

7th UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon