Dylan's POV
"Salamat, ha? Salamat sa pagsigaw kahit na ako sa totoo lang, ayaw kong gawin 'to. Ikaw na nga ang tinulungan, ikaw pa ang galit. At ako pa ang nasisi. Nakakainis ka! Sa lahat ng tao, bakit ikaw pa?! Ako ba talaga ang may kasalanan? Ha? Ako ba? Sabihin mo nga? Kasalanan ko bang hindi ka niya mahal? Kung alam mo lang kung gaano kahirap sa akin 'to. Palibhasa, puro ka lang Mei, Mei, Mei. Sige, habulin mo siya. Wala na akong pakialam kahit magmukha kang tanga diyan! Bahala ka sa buhay mo!"
Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Katatapos lang ng exams at buti nga ay may mga nasagot pa ako. My mind was too occupied with what happened yesterday.
Nandito ako ngayon sa unit. Nakahiga at nakatulala lang. Hindi ko pa rin matanggap lahat ng nangyari at hindi ko akalaing nagbago ang lahat simula kahapon. Unang-una, 'yong pag-alis ni Mei. I still couldn't believe she went to London without telling me. Noong unang beses nangyari 'yon ay napigilan ko pa siya pero ngayon, hindi na. Pangalawa, si Lyka. I went too far with my words and I lost her, too.
Bumangon ako at kinuha ang phone ko. Sinubukan kong tawagan si Lyka pero unavailable ang number niya kaya tinanong ko si James kung nandoon ba siya sa kanila.
"Ha? 'Di ba kayo ang magkasama kahapon?" sabi niya. "Wala siya rito."
"Ano? Teka, nagkahiwalay kami kahapon."
"Ha?!" Naging galit naman ang matamlay niyang boses kaya inilayo ko ang phone sa tenga ko. "What the hell? Gago ka talaga, Dylan!"
Bigla naman niyang tinapos ang tawag at napabuntong-hininga na lang ako. Oo na, ako na ang gago. Aminado naman ako.
Tsk. Nasaan na ba siya? Bakit ba lagi na lang niya akong pinag-aalala?
***
Lyka's POV
Ang sakit na ng mata ko kakaiyak. Kahit anong pigil ko, tuluy-tuloy pa rin silang tumutulo. Ni hindi ko nga alam kung paano ko nagawang mag-exam kanina. Buti na lang talaga at nakapag-review ako bago mangyari ang lahat at kahit papaano ay nalimutan ko ang kadramahan ng buhay ko noong nagsasagot ako.
"Here," sabay abot ni Mei ng panyo.
Nandito kami ngayon sa veranda ng kwarto niya at umupo siya sa tabi ko. Ang ganda ng view rito kaya kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Kita rin ang lawa pati ang mga puno roon at naalala ko ang sinabi niya sa akin kagabi.
"Ano na pala ang plano mo?" tanong ko matapos kong tumigil sa pag-iyak.
Umuwi kasi siya rito kagabi na magang-maga ang mga mata. She said James was at the place she wanted to go to and she heard everything he said. I listened to her until she calmed down and I was happy that James finally listened to his feelings. Alam ko namang mahal nila ang isa't isa pero hindi niya lang masabi dahil . . . dahil kay Dylan.
"I honestly don't know," sagot naman ni Mei. "Natatakot pa rin ako. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala."
"I know this might sound biased since he's my best friend but please trust him one more time," sabay ngiti ko sa kanya. "Alam ko kung gaano ka kahalaga sa kanya."
Nakita ko namang nangingintab na ang mga mata niya kaya huminga siya nang malalim at ngumiti. Gaya ko, alam kong sawa na rin siyang umiyak kaya naman pinigilan na niya agad 'yon.
"Eh ikaw? Ano namang plano mo?" tanong niya. "I'm sure hinahanap ka na rin nilang dalawa."
Pinatay ko nga pala ang phone ko kagabi. Alam ko naman kasing tatawag sila at tatanungin kung nasaan ako pero ayaw ko muna silang makita. Ayaw ko silang harapin dahil sila ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon.
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionLyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy who she thought was ma...