Chapter 15

134K 3.2K 242
                                    


Dylan's POV

Binuhat ko si Lyka papuntang kama niya matapos niyang makatulog sa balikat ko. Mukhang napagod kakaiyak. Buti na lang at wala kaming klase sa Kas1 ngayon.

Tinignan ko siya habang mahimbing na natutulog. Ewan ko ba. Naaawa ako sa kanya. All this time, she was hiding her pain by herself. Behind her cheeky attitude, she's actually fragile.

'Di ako masyadong nakakakita ng mga taong malapit sa akin na umiiyak kaya 'di ako marunong magpatahan. Kaya nang nakita ko si Lyka na umiiyak, hindi ko alam ang gagawin. In the end, I hugged her, even though I didn't know if that was what she needed.

I looked at her while she was peacefully sleeping. Ang galing niyang magtago dahil hindi halatang may gano'n siya kalaking problema.

Napatingin ako sa relo at 'di ko namalayang 4 PM na pala. May klase pa kaming isa pero hindi ko na siya gigisingin.

"Pahinga ka," bulong ko kahit alam kong hindi niya ako maririnig.

Tumayo na ako at nagpalit ng damit dahil basang-basa sa pag-iyak niya. Halos 4:10 na ako nakaalis at buti na lang at may 20 minutes pa bago magsimula ang klase.

"Dylan, dito."

Kaklase ko nga pala si James sa klase na 'to. May kasalanan pa siya sa akin.

"Siraulo ka," bati ko sa kanya. "Anong palabas 'yong kahapon? Anong nangyari kay Mei?" tanong ko at ngumiti lang siya sa akin.

"Pasensya na. Ang kulit ni Mei. That was just a slip of the tongue."

"Gago ka. Dahil do'n ang daming nangyari. Libre mo ko mamaya," sabi ko naman at nang may mapala ako sa ginawa niya.

"Call. Pero ano 'yong sinabi mong may gusto ka kay Lyka?" Pagkatanong niya no'n ay ako naman ang natawa.

"Siya kasi ang una kong naisip at ang pinakamalapit sa akin."

"Siraulo ka rin," ganti niya at pareho na lang kaming natawa. "Pero may narinig ako kanina. Bakit ang sabi nila, girlfriend mo na si Lyka?"

Naalala ko naman ang nangyari kanina at nag-iba bigla ang mood ko.

"Naipit lang ako sa sitwasyon."

"Alam mo namang patay na patay sa'yo si Bea."

"Hindi ko naman siya gusto."

"Kasi si Mei ang gusto mo?"

Tinignan ko siya nang masama at tinawanan naman niya ako. 'Di ako nakapagsalita dahil totoo. Ngayon na lang kami nakapag-usap nang ganito dahil lagi naming kasama sina Mei at Lyka. Bigla naman akong may naalala.

"Teka, si Lyka ba 'yong sinasabi mong kaibigan na naiwan mo dati?" tanong ko at naging seryoso naman ang mukha niya.

"How did you know?"

"Halata naman," sabi ko sa kanya pero ang totoo, si Lyka ang masyadong halata sa mga kilos niya tuwing nakikita niya si James.

"Halata? Siguro dahil ang tagal na naming 'di nagkita. Namiss ko siya."

"Gusto mo ba siyang makita?" tanong ko at nagulat naman siya. Sako ko naisip na hindi pa pala nila alam ni Mei na nakatira kami ni Lyka sa iisang unit.

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari at kapag talaga tungkol kay Lyka, interesado siya. Hindi pa nga rin siya makapaniwala na magkasama kami ni Lyka sa apartment. Bigla namang dumating ang prof namin kaya napatigil kami sa pagukwentuhan.

"Okay. I'll visit her after our class."

"Sige."

Nagklase naman si Sir at may research assignment pa siyang binigay. Badtrip. Friday na nga, may assignment pang ihahabol.

7th UnitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon