I was breathless after running away from my unit. Nag-stay ako muna ako sa labas ng bahay ni James dahil ayaw kong makita niya akong ganito. Ramdam ko pa rin ang init ng mukha ko at lalo pa akong nag-init dahil sa pagtakbong ginawa ko.
"Stay here. Stay with me. Please."
OH MY GOD. Naaalala ko na naman! Nakakainis ang Dylan na 'yon!
Napahawak ako sa dibdib ko at pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang lakas at bilis ng pagtibok nito. The way he said those words, the mood, his voice—it was enough to make me crazy.
"O, Lyka, nandyan ka na pala!" sigaw ni Dylan mula sa veranda ng kwarto niya kaya napatingin ako ro'n. "Tara na, mag-review na tayo."
"O-okay."
Dali-dali naman akong pumasok sa bahay niya at umakyat sa kwarto. Pagdating ko ro'n ay nakalatag na ang notes at reviewer niya sa sahig kaya nilabas ko na rin ang akin. Simula pa lang ako sa pagbabasa ay sumasakit na ang ulo ko dahil sa dami. Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko.
"Kaya pa?" tanong niya habang nakangiti.
"Hindi na. Break muna please?" sabi ko at pumayag naman siya.
Bumaba siya at sumunod naman ako. He cooked for the both of us and I forgot that his mother is a renowned chef. Looked like he could also be a skilled chef if he pursued culinary arts.
Nagluto siya ng sinigang at halos nanlaki ang mga mata ko nang tinikman ko. Ang sarap! Grabe, ang swerte talaga ni Mei sa lalaking 'to. May pagpaparaya pa kasing nalalaman ang isang 'to, ayaw na lang aminin na gusto niya rin si Mei. Eh 'di sana—I mean, nasasaktan lang sila pareho.
Halos isang oras kaming kumain at nagkwentuhan tungkol sa mga nangyayari sa buhay namin pero hindi ko sa kanya sinabi ang nangyari kanina. Pagkatapos no'n ay bumalik kami sa kwarto niya at nagpatuloy sa pag-aaral.
Balancing equations
Thermodynamics
Differentials
Integrations
Processes
Stay here. Stay with me. Please.
OH MY GOD. Bakit ba siya sumisingit sa pag-rereview ko?!
"Anong nangyayari sa'yo?" biglang tanong ni James dahil pinupukpok ko na ang libro sa ulo ko.
"Ugh! Kasalanan ng Dylan na 'yon!" I yelled but I immediately regretted it. Pagtingin ko kay James ay nakangiti na siya nang nakakaloko at nag-init naman ang mukha ko.
"Nasaan na ang kwento? Dali."
"Sapak James, gusto mo?"
"Dali na. I'll listen," pang-aasar niya pa.
"Heh! Magreview ka na nga lang d'yan!"
Tinigilan naman niya ang pang-aasar at bumalik kami sa pagbabasa ng notes pero pareho yata kaming wala sa sarili. Tingin kasi siya nang tingin sa phone niya samantalang ako naman ay pumapasok lagi sa isip ko ang pesteng linya ni Dylan. Ang lakas ng epekto sa akin. Nakakainis.
Dapat ba nag-stay ako?
***
James' POV
James, please meet me at the coffee shop. Please?
'Yan ang laman ng text ni Mei sa akin habang kasalukuyan kaming nag-rereview ni Lyka. Nagreply naman agad ako.
As in now? Aren't you reviewing for the finals?
I suddenly felt worried and the tone of her text bothered me. I couldn't focus on reviewing because I was waiting for her reply. After a couple of minutes, I saw her name on the screen.
Please? Importante lang. I just want to tell you something.
Pagkabasa ko no'n ay lalo naman akong kinabahan. Parang may hindi magandang mangyayari at iba ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
Okay. I'm on my way.
Tumayo naman agad ako pagka-reply ko no'n at napatingin sa akin si Lyka.
"O, san ka pupunta?"
"D'yan lang."
"Kay Mei?" bigla niyang sabi kaya napahinto ako. How did she know that?
"Pfft. Naman James, halata ka masyado," she said with a teasing smile. "Mag-coconfess ka na ba?"
"Hindi, no. I will never do that. It isn't my thing."
I saw the disappointement on her expression. Confession, huh?
"Isang araw, pagsisisihan mo rin na hindi ka nagtapat, James," she said. After she threw those words, I left.
Inaamin ko, lahat ng sinabi sa akin ni Lyka, nakatatak sa isip ko. From the point of view of a girl, I know that she could relate to Mei but I was scared to accept her advice. I was scared to risk our friendship for the sake of our feelings.
Agad naman akong nakarating sa coffee shop na sinabi niya at nakita ko si Mei sa loob. Pumasok ako at napatingin siya kaya.
"Hey," bati ko saka ako umupo sa tapat niya. She smiled at me but I could see the glint of tears in her eyes.
"James," she called, her voice on the verge of cracking.
"What is it?" I asked, worried because she was about to cry.
"I'm leaving tonight."
***
BINABASA MO ANG
7th Unit
Teen FictionStandalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got into trouble during the first day and what's worse was she had to share a room with Dylan, a guy wh...