Hindi ko pa nabusising i-edit at sigurado akong may mga mababasa kayong mali. However, I can only apologize for now. Lol. Enjoy reading! <3
All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the permission of the writer except for the use of brief quotations in a book review.
The Bad Boy Meets Me
1I yawned. Tinignan ko 'yung wristwatch ko. 1:30 am. As usual , konti lang ang mga tao ng gan'tong oras. Binalik ko 'yung mop na ginamit at kinuha 'yung libro ko sa physics para magreview, at umupo ako sa isa sa mga table na walang nag-o-occupy.
Pinapayagan naman kami ng manager namin na gawin 'yung ibang bagay na kailangan naming tapusin kapag wala masyadong customer dito sa coffee shop. 5 kami ngayon. Dalawa sa counter at ako namang bahala magserve at maglinis. At 'yung natitirang dalawa ay nasa kitchen. Tatlo dapat kami rito na magse-serve o maglilinis kaya lang, nag-end na nung shift ng dalawa kong kasama kaninang 1 am kaya ako nalang ang naiwan. Malapit narin namang magsara 'to. Saka hindi naman malaki 'tong coffee shop.
Ininom ko 'yung kapeng nasa harap at nag-umpisang magbasa.
May pumasok na customers at dumeretso sa counter. Automatic na umikot yung mga mata ko nung makita kong nagpapa-cute 'yung dalawa kong ka-trabaho sa kanila. Napailing nalang ako. I know them. Kung may "barney and friends", meron din namang "bad boy and friends". Palibhasa mga baklang dinosaur 'yung leader nila.
Matinik sa chicks at mga siga.
Before akala ko impossible na mangyari 'yun. Sa dami ba naman ng mga estudyante sa eskwelahan madi-distinguish mo pa ba kung sino ang popular , nerds, warfreak , and etcetera , etcetera? Pero nung nag-transfer si Zach at ang mga kaibigan nya, masasabi kong posible naman pala. Lagi silang usapan ng school namin! Especially their leader Zach - the school's bad boy. Iyon na 'yata talaga ang imahe niya sa school dahil 'yan na rin ang tingin sa kaniya ng karamihan.
But nobody dares to call him that. You'll die, or leave it. Naalala ko nga no'ng unang araw ng klase, may teacher na nagbiro non sa kan'ya at ginawa pang katatawanan. Kilala pa naman yata 'yun na terror. Tinignan n'ya lang masama dahilan para mapatahimik 'yun at hindi makapagsalita. Tapos kinabukasan, hindi na pumasok. Sobrang naging kilala kagad s'ya dahil don. Akalain mo, isang terror teacher, napatiklop ng isang estudyante? Nagkaroon ng usap-usapan na tinakot n'ya 'yung teacher. Malay ba natin. Baka totoo nga.
Hindi ba nakakatawa? Bad boy . Ang wirdo lang. But it suits him anyway. I don't hate him . Hindi ko lang talaga s'ya gan'on kagusto. Ayoko lang ng ugali n'ya. 'Yung estudyanteng siga-siga at pa-cool na akala mo, siya ang pinaka-importante kaysa sa lahat. Ayoko rin sa kanya kasi nang dahil sa kanya, muntik na 'kong hindi makapasa sa exam namin sa isang subject! Habang yung iba, busy sa pagte-test , yung katabi ko naman, busy sa pagsingkot ng sipon nya kakaiyak. At ang dahilan? *drum rolls* .... si Zach.
Meron pa s'yang kasalanan sa'kin. N'ong lunch break namin, dali-dali akong pumunta sa banyo dahil parang sasabog na 'yung pantog ko. At ang naabutan ko? Mga babae ang nagkulong sa cubicle na nag-eemote. P'ano , pinagsabay sabay ng MGA loko. Kinatok ko pa nang kinatok isa-isa 'yung pinto para maka-ihi na 'ko pero anong ginawa nila? PINAGMUMURA lang ako.
In the end, umakyat ako sa taas na palapag para sagutin ang tawag ng kalikasan ang kaso, cleaning time pa kaya kahit hiniling ko na lamunin nalang ako ng lupa, kinapalan ko ang mukha at tumakbo sa katabing restroom na para sa mga lalake at dire-diretsong pumasok sa cubicle. Habang 'yung mga sila, shocked sa pagpasok ko , ako naman halos magmukhang kamatis na may katawan. Inakala pa ng mga nilang gusto kong sumilip sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy Meets Me [ ✓ ]
General FictionSamantha doesn't care about everything around her since her stepfather killed her mother and little sister. She isolated herself. Gumawa siya ng mundong walang sino man ang makakasakit sa kaniya. Until this 'bad boy' came and everything changed. DIS...