Secretly Falling Part 2

4K 183 1
                                    

Time runs...


Nagyayaan kaming uminom.. nag hanap kami ng bar.. palakad-lakad lang kami nag kwekwentuhan nag tatawanan.. at nasabi ko sa kanya yung sexual preference ko. Buti nalang hindi sya natakot sakin. Nahanap na kami ng bar at pumasok kami. Agad naman lumapit ang waiter.

"Puede usted darnos un poco de cerveza?- I said, since pabalik balik kami ni bianca dito noon syempre natoto na kami ng kaunting spanish language.

"Ano inorder mo? - tanung ni althea.

"Beer.. - sagot ko.

"Hah? Teka hindi ako sanay dyan wala ba silang vodka dito? - she said.

"Meron naman ata eh.. sorry beer kasi talaga nasanayan ko. order nalang tayo ulit. - I said to her.. talagang lumapit ako sa kanya dahil hindi kami magkarinigan sa sobrang ingay.. ito mag katabi kami na nood sa mga sumasayaw.

"Wag na.. sege try ko yung beer! - sabi nya.

"Are you sure althea? - me to althea.

"Yah! Wala ka naman sigurong gagawin sakin pag nalasing ako diba? - birong tanung nya sabay panglalaki ng mata nya at tinitigan ko talaga.. hayy para akung natutunaw sa tingin nya..

"Wala..wala hindi naman porket iba ako, maniac na ako! Syempre na mimili din naman ako.. - pabirong sabi ko..

"Ahh ganun! Ang sama mo din eh noh? - she said.

"aquí está su señora cerveza,.gracias y disfrutar! - waiter said.

"Gracias.. - sagot ko sa waiter.

"Ano daw? Gracias lang naintindihan ko. - althea said.

"Maganda ka raw.. - pabiro ko naman.

"Parang hindi naman.. ang layo naman.. ikaw ha! Ganyan ba pumorma mga katulad mo? - tanung nya sabay inum ng beer.

"Hindi naman.. yung iba siguro.. bakit porma na ba yun? - me to althea at uminom narin ako.

"Malay ko... may balak ka bang pormahan ako? - tanung nya bigla naman akung nagulat dun sa sinabi nya.

"Wala noh.. at meron kang boyfriend kaya wag kang mag alala hindi ako kagaya ng iniisip mo. - I said at tumingin sa mga nagsasayawan.

"Eh paano kung wala akung boyfriend.. mag kakagusto kaba sakin? O popormahan moko? - tanung nya ulit hindi pa masyadong nakainum makulit na..

"Gustong gusto na nga kita eh! Ay mali hindi pala gusto kundi mahal na.. - in my mind..

Tinignan ko sya ng matagal.. "hhmmm... pwede! Tignan natin kung papasa ka sa taste ko.. - pabiro ko.

"Ikaw talaga! - althea said sabay sampas sa braso ko. At hindi naman ako nasaktan natuwa nga ako eh ang cute nya lang.

"Di nga jade.. ano ba talaga sinabi nung waiter.. - pangungulit nanaman nya.

"Sabi nya.. - tumayo ako at ginaya ko yung waiter. "Here's your beer maam, thank you and enjoy! -bumalik na ako sa pag-upo syempre sa tabi nya parin.

"Okay na binibining althea? - I said.

"You're funny! - she said.

Gusto ko syang yayain sumayaw pero parang gusto ko nalang sa table namin..kung saan magkadikit yung mga braso namin.yung ramdam ko na solo ko lang sa panahong to.

"Althea may problema ba kayo bf mo? Kayo pa ba? - tanung ko sa kanya.

"Bakit mo natanong? Okay naman kami eh. - she answered.

"Ahh.. wala lang magkasama kasi tayo buong araw parang naninibago lang ako hindi mo hawak yung phone mo. - I said to her.

Napatigil sya.. napatingin sakin agad nyang kinuha ang phone nya at yun ang daming missed calls at text message. Natulala sya.

"What's wrong althea? - tanung ko sa kanya.

"Jade CR lang ako ha.. dito ka lang babalik agad ako. - althea said.

Tumango lang ako, halata namang tatawagan nya boyfriend nya bakit ko pa kasi sinabi yun! Pero napaisip ako nag kwentuhan lang naman kami buong araw posible ba na nakalimutan nya yung boyfriend nya dahil sa nah eenjoy syang kasama ako?

"Kahit kailan jade napaka assumera mo noh? - sabi ko sa sarili ko.. agad naman nakabalik si althea nasira ko ata ang mood nya.

"He didn't answer my call... usapan kasi namin na lage ko syang ea-update sa lahat ng ginagawa ko pero nakalimutan ko. - she said sabay tingin sakin.. at tinitigan ko naman sya.. nagkatitigan kami pero kumiwala din sya agad.

"You know what iinum nalang natin yan.. cheers? - me to althea.

"Cheers! - althea said.

Wala pang isang oras lasing na si althea.. sobrang daldal na nya... ang kulit kulit pa.. inalalayan ko sya papalabas ng bar. Since hindi ko alam kung saang hotel sya naka check in pinilit ko syang tanungin kung saang hotel sya naka stay... agad naman syang sumagot at tumawag na ako ng taxi.

My Beautiful Capture (JaThea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon