When I'm With you

3.2K 175 6
                                    

JADE..


It's thursday.. ang bilis ng araw... dalawang araw na nakaraan ng makilala ko si angel...

She's nice pala.. at ang sarap nya kausap.

yung date namin? Nasundan pa.. paano biglang sumusulpot sa office ko kung hindi mag dadala ng pagkain.. hinihila ako sa labas para kumain.

Hindi ko naman sya ma tanggihan.. sinama pa nya ako sa orpanage na tinitulungan nya.. mga batang may cancer.. doon ko sya mas nakilala, sobrang bait nya.

Kasama ko sya kagabi.. actually doon ako natulog sa condo nya.. paano nakipag inuman sya.


Natuwa naman ako kasi wala syang ginawang masama sakin.. knowing that she's a lipstick lesbian too..

Nasabi ko nadin sa kanya ang tungkol kay althea at sa kuya ko..

Mas lalo akung humanga sa kanya kasi sabi nya kung gusto ko daw mag move on.. mag enjoy lang daw ako at hindi ko dapat madaliin ang mga bagay bagay.. kasi daw only time can heal wounds.

Sinabi nya din sakin na crush nya ako.. pero sabi nya hindi daw muna nya ako liligawan hanggat hindi pa ako ok. Yung wala na talaga... kaso mahirap yun eh.. kahit naman anung gawin ko.. si althea parin...


Flashback..

"Ang lakas talaga ng tama mo sa kanya eh noh? - angel.


"Ewan ko ba.. wala eh... naramdaman ko lang to bigla.. sa dinami dami ng pwede kung mahalin.. syota pa ng kuya ko. - sabi ko sabay inum.

Nakaupo kami sa sahig ng sala ni angel.. nanonood kami ng movie habang umiinom.. pero parehas kami wala sa tv yung atensyon namin.


"Ok lang yan... pero sa kwento mo.. i guess mahal ka non.. nag pipigil lang.. nauna nya kasi nakilala kapatid mo.. pero kung nakilala kita ng mas maaga.. sinisigurado ko sayo hindi ka magkaka ganyan.. - pangiti nyang sabi..

"Wow.. confident ha...

"Naman... iba ako magmahal jade... gusto mo subukan? Hehe... pero saka na pag wala ng althea dyan.. - sabay turo sa puso ko.


"Sira! Paano kung ayaw mawala ni althea dito? - turo ko sa puso ko.


"Hhmm.. paano nga ba... hahayaan kita.. yan ay ganun din sya.. pero kung hindi... huhukayin ko yang puso mo at hihilahin ko palabas yung babaeng yun.. at gagawin ko lahat makapasok lang dyan at maangkin ng buong buo.. - seryosong sabi nya.


Ughhh.. bakit ngayun ko lang nakilala tong babaeng to...

Nakatingin lang ako sa kanya.. at ganun din sya.. ewan ko ba..... sobrang gaan ng loob ko sa kanya..


"Pero yoyon... kung kailangan mo ko andito lang ako lage... - sabi nya.


"Thanks kitty... ako din dito lang ako kung may problema ka.. - sabi ko sa kanya.. napagkasunduan namin na mga palayaw namin ang itawag sa isa't-isa.

End Of Flashback.


Sa kakaisip ko... natapos ko na pala permahan ang dapat kung permahan.. ano na gagawin ko? Masyado pang maaga mag aalas dyes palang.

Bigla ko lang naiisip si althea. Hindi man lang ako naka pag congratulate sa kanya..

Etext ko kaya?

Hindi tawagan ko nalang?


Mag iisang linggo na hindi pa kami nag uusap.


Nag text sa kinabukasan pagkatapos nung event..

Nagpasalamat sya sakin pero hindi ko nagawang magreply.. dahil na pressure ako sa magiging trabaho ko.


Pero ngayun ok naman pala.. masasabi ko na kaya ko ng patakbuhin ang companya...

Magiging proud sana si kuya..
Simula nung umalis sya hindi na sya nagparamdam..

Ano kaya nangyari dun??

Text ko na nga lang si althea..



To: Althea

Hi... sorry kung ngayun lang ako nakapag text.. sobrang busy lang dito sa office.. hehe.. Congratulations pala, late man pero at least nabati kita.. babawi ako.. ako nalang manglilibre sayo tulad nung pinag usapan natin tungkol sa deal.. ahmm.. pwede ka ba ngayun??

Ang haba ng text ko ah.. pero bahala na..

Sent✔

Nag-antay ako ng reply nya pero wala parin.. busy ata.. hindi naman pupunta si kitty dito kasi may work sya at baguio ito.
Event Coordinator sya..
Tumayo ako.. pabalik balik ng lakad sa harap ng table ko... ano bang ginagawa ni althea...
30mins. Na naka lipas pero wala parin..

Beep..

Agad ko kinuha cp ko at tignan kung sino nag text.



From: Angel

Hi yoyon.. alam ko masyado pang maaga para paalahanan ka.. pero buti narin ng maaga.. kisa ma late..hehe.. don't skip your lunch pretty yoyon.. *wink*



Napangiti naman ako sa text nya.. concern talaga sya sakin..
Magrereply na sana ako ng biglang may tumawag..

Oh My God.. it's althea...


"Hello?

"Ahmm hi... - althea.

"Hi... - (ano jade bakit parang naubusan ka ng salita? Ang haba ng text mo kanina pero nang makausap mo sa phone natamimi ka! )


"I'm free today.. sorry kung late ko nabasa yung text mo may tinapos lang ako. So... sa..san tayo? Su...sunduin ba kita? - napangiti ako.. nauutal sya..



"Ikaw.. o ako nalang susundo sayo...


"Ako na.. ako yung talo diba.. tsaka di mo kailangan bumawi.. kaya sagot kita ngayung araw antayin mo ko dyan sa labas ng building nyo.. susunduin kita.. 10 mins. Andyan na ako. See you.. - sabi nya sabay end call..

Bigla naman ako nataranta.. tika 10 mins? Papaliparin nya ba yung sasakyan nya? Bigla naman ako na concious sa itsura ko.. ok lang kaya ayos ko?

"Sam? Ok lang ba ayos ko? - tinanung ko talaga sa secretary ko.


"You look good miss jade... - sagot nya habang nakangiti..
Hindi ko na sya kinulit baka ano isipin nito.. ok naman daw kaya bahala na.. mag reretouch nalang ako..


Beep..


From: althea

Nasa baba na ako jade..

Ang bilis naman.. oo nga 10 mins. Eksakto talaga..




To: Althea

Sege pababa na ako..



Agad naman ako bumaba.. pagdating ko sa labas andun sya nakangiti.. hindi parin nagbabago ang lakas parin ng epekto nya sakin lalo na pag mag tama ang mga mata namin..

"Hi... - pangiting bati nya sakin.


"Hi... - bati ko naman sa kanya.

Bebeso sana ako kaso parehas yung deriksyon namin.


Natawa kami..

"Wag kang gagalaw.. - sabay hawak sa balikat ko at humalik sa pisngi ko..


Parang may kuryente dumaloy sa katawan ko nung dumampi yung labi nya sa pisngi ko.


"let's go? - yaya nya at pinag buksan ako ng pinto sa harapan ng kotse nya.


Iba talaga pag sya ang kasama ko.. nalilimutan ko lahat.. parang sya lang nasa isip ko... para kaming may sariling mundo.

My Beautiful Capture (JaThea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon