My Love Ones

11.7K 251 13
                                    

Jade Rhianna Tanchingco

This my name! "Jade" nalang for short..

Benjamin Oscar Tanchingco Jr.

My dad. He's a business man, dati sobrang close kami kasi nga princesa nya ako. Pero dumating yung point na hindi ko maintindihan ang sarili ko, hanggang sa mahanap ko kung sino ako. At yun ang naging dahilan kung dati hindi kami mapaghiwalay, simula nung malaman nya na isa pala akung lesbian nag-iba ang tingin nya parang hindi nya ako kilala. Pero past na yun importante ngayun ok na kami kaya lang kailangan pang may mawala bago nya ako matanggap.



Amanda Rhianna Sy Tanchingco

My beautiful mother, dati syang beauty queen, model. bata palang ako lagi na nyang sinasabi na ako ang susunod sa yapak nya. Magiging beauty queen ako kaya sobra syang nasaktan ng malaman nya ang totoo kung pagkatao. Maswerte ako dahil mahal na mahal ako ng mommy ko at tinanggap nya ng buo ang pagkatao ko.

Benjamin Raphael Tanchingco III

My loving and supportive kuya ever.. he's my bestfriend,my mentor and sometimes sinasama nya ako sa mga kalukohan nya sa mga babae. Sya naging sandigan ko sa lahat ng masasamang nangyari sa buhay ko. Nagtratrabaho sya sa companya namin bilang isang presidenti. Dalawa lang kami magkakapatid. Medyo babaero kasi nga daw yun yung paraan nya para makilala ang "the one" nya.



Ako naman bago ko makalimutan.. I am a professional photographer. Yun yung passion ko, sobrang mahal na mahal ko ang ginagawa ko lalo na pag sa moment na hindi natin inaasahan na dadating gusto ko makunan lahat yun. First model ko ang mommy ko, hindi naman ako hinadlangan ng parents ko sa gusto ko dahil alam na nila bata palang ako ito na gusto ko.. now i am proud to say that i am a femme lesbian..


Actually i already found my "the one". She's my bestfriend for a long time. Then na realize na lang namin na iba na pala yung nararamdaman namin sa isa't- isa. Na inlove kami at pareho namin ginusto yun. Kakaiba man ang relasyon namin naging masaya kami. Feeling ko nga completo na ako, umikot yung mundo ko sa kanya kahit nasaktan ko ang pamilya ko pinili ko parin sya dahil mahal ko sya. At ganun din naman sya. Sya si bianca ang babaeng nagpasway sa akin. Pero meron talagang mga bagay na akala mo habang buhay na magiging sayo.

Masakit lang sa loob ko kasi kung kailan ako tanggap ng pamilya ko saka naman sya nawala sakin, saka naman sya kinuha sakin. Iniwan na nya ako. Oo, wala na sya kinuha na sya ni lord.. ang aga nga eh sana mas pinahaba pa pero wala akung magawa kasi ayuko na din syang mahirapan. Namatay sya sa sakit na heart cancer. Kaya after nun tumutulong na ako sa mga batang may cancer. Sabi nga nya bago sya nawalan ng buhay ipagpatuloy ko daw ang buhay ko. Life must go on ika nga. Nabiro pa sya, pag nagmahal daw ako ulit dapat daw kasing sexy nya o mas sexy pa sa kanya. Sabi ko naman sa kanya sya lang ang mamahalin ko at mag aantay ako sa panahon kung saan kami  muling magkikita at magkakasama. Pero sabi nya baka daw may nahanap na sya dun sa kabilang buhay. Kainis noh? Sarap kunyatin! Ipagpapalit ba naman ako?.


Bumulong sya sakin.. "balang araw makikilala mo din ang taong magbabalik ng saya dyan sa puso mo,. Taong hindi mo inaasahan na magiging parte ng bawat ginagawa mo. Yung taong makikita mo ang sarili mo. Yung kokonekta sa buhay mo. At sinasabi ko sayo hindi ka makakawala dyan at hindi mo nanaisin sumunod sakin. "



Mawawala na nga sya nagbiro pa! Tinawanan pa ako.. ang hirap ng sitawasyon ko nun kasi pinipilit ko hindi umiyak sa harap nya. Tapos sya pa yung pinipilit magpatawa.



Dahil sa sobrang lungkot ko.. ninais ko na magbakasyon muna. Lumayo at mag-isip. . .

My Beautiful Capture (JaThea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon