The Unexpected Part 2

4.7K 206 9
                                    

"Let's eat? - pangiting sabi ni glaiza at halata namang gutom na sya.

Kumain na kami pero hindi ako mapakali.. tatanung ko ba kung sino katext nya? baka ano sabihin nya.
Ayun may nag text nanaman sa kanya masasabi ko na kung sino man yung katext siguro isa itong mahalagang tao sa kanya.. sa ngiti pa lang nya bawat basa nya sa text.. hindi na talaga ako maka tiis..

"Siguro boyfriend mo yan noh? Ang ganda ng ngiti mo eh oh! - pabirong sabi ko.

"Yah! Ang corny kasi ng mga joke nya kaya napapangiti ako.. - sabi nya sabay lagay ng phone sa bag nya.

"Yah! Boyfriend nga nya! bakit parang na dismaya ako? Bakit parang ang weird ng feelings ko? Oh God jade.. - sa utak ko.

"Hey are you okay? Natahimik ka ata.. - tanung nya sakin.

"Ahm wala may naalala lang.. anyway baka gusto mong mamasyal after nito? if in case lang naman if free ka after this. - pangyaya ko sa kanya..

"Sure! At least maiiwasan ko humawak ng pencil at isipin mag design ulit.. siguro panahon narin na mag focus muna ako sa pagbabakasyun ko dito. May bonus pa dahil may makakasama ako..- sabi nya sabay tingin sakin at napatingin ako sa kanya, sobrang lalim ng tingin ko ito nanaman parang may magnet na naman ulit.

"That's great! Sisiguradohin ko na mag e enjoy ka sa bakasyun mo dito. - sabi ko sa kanya sabay tingin sa mga mata nya ganun din sya pero parang umiiwas sya.

Pagkatapos naming kumain kumuha na ako mg cash para bayaran ang kinainan namin pero hinarangan nya ako..

"I got this jade! - sabi nya sabay kuha ng cash.

"No althea ako na.. - sabi ko naman.

Pero nag pumilit parin sya at hinawakan ang kamay ko..

"Ako na! - pilit nya bigla akung nanghina ng hinawakan nya kamay ko kaya hinayaan ko na lang din sya.

"Okay! As if naman may choice ako! - sabi ko sa kanya..

tumayo na kami at naglakad-lakad..

"Kailan balik mo ng pinas? - tanung nya sakin.

"Hindi ko pa alam eh kasi next week kailangan ko bumalik ng canada ininvite kasi ako ng friend ko dun sa isang photo exhibit, pagkatapos nun.. balik na ako ng pinas.. ikaw ba? - I said.

"I'll be in Philippines next week.. -sagot nya.

"Pareho pala nating last week dito.. - pangiting sabi ko sa kanya..

Bigla naman akung may naisip at hinawakan ko kamay nya at hinila ko sya.

"Hey where are we going? - she asked!

"Basta! Trust me mag e enjoy tayo.. alangan naman kakain lang tayo at maglakad-lakad ng buong isang linggo dito? - sabi ko sa kanya sabay ngiti at ngumiti naman sya na parang gusto nya.

Since magkalapit lang ang cathedral at ang amusement park dito sa barcelona dun ko sya dinala...

At ayun pumasok na kami..

"San mo gustong sumakay? - tanung ko sa kanya..

"Ahhmm.. pwede bang mag bumper nalang tayo? - she said mukhang napa atras sya ng makita ang Ferris wheel na subrang taas.. napangiti naman ako sa reaksyun nya.. ang ganda nya parin kahit parang may takot syang nararamdaman.

"Takot ka ba sa heights? - I asked.

"Hindi naman sadyang subrang taas lang ata yung Ferris wheel nakakalula ata pag yan sinakyan natin.. dun nalang tayo sa ohh sa mesteryoso.. I guess that is a horror house.. - she said sabay turo sa ibang rides..

Napangiti ako habang tinitigan sya then i ask.. "Althea.. do you trust me?

"Of course.. - she answered.

"Well can i hold your hand? - i ask her with seryosong tingin.

"Why? - tanung nya.

"Akala ko ba pinagkakatiwalaan moko? - me to althea.

Then inabot nya ang kamay nya at hinawakan ko ito ng mahigpit.. tapos hinila ko sya papunta sa Ferris wheel.

"Jade sa iba nalang tayo please.. - sabi nya with parang puppy eyes.ramdam ko sa kanya na natatakot sya kahit naman ako sobrang haba lang kasi talaga ng Ferris wheel dito pero gusto kung subukan at malaman na kahit subrang taas na marami paring tao gustong sumakay at pabalik balik dito.

"Ayaw mo bang ma experience yung na experience ng mga tao na yun na mukhang nag eenjoy sila sa taas.. don't worry althea dalawa naman tayo magkasama isigaw nalang natin yung kaba natin ngayun pagdating sa itaas.. ano? Pero kung ayaw mo talaga,I understand. - sabi ko sa kanya.

Nagbugtong hininga sya at napalunok ata ng laway at ramdam ko na gumanti sya ng pagkakawak sa kamay ko ng subrang higpit.

"Let's do this jade! - she said.

At sumakay na kami, magkatabi magkawahak parin ang kamay.. napahawak sya sakin ng pa akyat na ang sinasakyan namin.. ng makarating kami sa tuktuk bigla namang nag stop dahil may bumaba. napatingin kami sa paligid napa wow kaming dalawa sa ganda ng view, binitawan ko sya para kumuha ako ng picture sa view at syempre kasama sya sa pinicturan ko. Sabay kaming sumigaw at napahawak sa isa't-isa ng pababa na kami..

Dahil na conquer naming yung fear namin sa Ferris wheel sinubukan na namin yung ibang rides at subra kaming nag enjoy.. naghanap muna kami ng upoan dahil sa subrang pagod at napa sandal sya sa sandalan ng upoan at pumikit nakahanap ako ng pagkakataong picturan sya habang nakapikit.
Bigla naman nyang binuka ang mata..dali dali akung nag picture sa mga paligid para hindi nya mahalata maliwanag pa naman kaya hindi nya na pansin yung flash.

"Hey jade! Where's our next destination? - pangiting tanung nya.

"Have you seen the magical fountain here in barcelona? - I asked to her

Na curious yung mukha nya at halatang hindi pa nya ito napuntahan.

"So doon tayo pupunta! Let's go? - sabi ko sa kanya at tumayo naman sya at umalis na kami.. sumakay kami ng bus papunta doon. nakahanap kami ng pwesto pagdating dun hindi pa naman nag uumpisa pero hindi na kami umalis sa pwesto namin dahil talagang dinadayo ito ng maraming tao.
Habang nakatingin ako sa paligid nagulat ako ng biglang sumandal sa balikat ko si althea.. napagod ata sya hinayaan ko nalang sya magpahinga at ayun chance ko na naman syang kunan ng picture. Nagising sya sa flash ng camera ko.

"Jade.. - sambit nya. Yun lang sabay pikit ulit.

Naging comportable kaming dalawa sa isa't-isa.

Ginising ko sya ng nagsimula na, sobrang ganda nag iiba yung kulay at para silang sumasayaw. Then tinitigan ko sya.. tumingin din sya sakin.

"Thank you jade.. - she said sabay sandal sa balikat ko.

Hindi ko ma explain pero I guess natamaan na ako sa kanya. Sana hindi na muna matapos ang gabing ito.

My Beautiful Capture (JaThea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon