Break Up

4K 185 5
                                    


Flashback..

Althea...
Cebu

"Congratulations babe.. - pangiting sabi ni ben.

"Ben.. ano nanaman to? But.. thanks.. - sabi ko.

Bumeso si ben sakin at pinagbukasan ako ng upuan.

"Nagustohan mo ba? Humingi pa ako ng tulong kay jade nito kasi kakarating ko lang.. i just want to be with you tonight babe... and of course kailangan para narin suportahan ka.. I'm so proud of you babe. - sabi nya sabay hawak sa kamay ko.. si jade ang nag ayos nitong dinner yung mga message ang saya ko..

pero mas masaya kung sya mismo ang kaharap ko ngayun. Kaya ba nawala sya bigla?


"Thank you ben sa suporta.. pe..pero hindi mo naman kailangan tong gawin.. tapos naabala mo pa si jade nahihiya na nga ako sa kanya kasi naabala pa namin sya ni batchi para lang maging model namin.

"It's okay babe.. hindi naman yun marunong humindi eh.. lalo na sa mga taong importante sa kanya.. - napatingin ako kay ben.. biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.  Ano kaya ibig sabihin nito..

"What do you mean ben?

"I love you althea.. i really do.. wag mo ng isipin yun... pinilit ko talaga si jade kasi wala na akung time.. babe mawawala ako ng isang buwan for business trip. Kailangan talaga akung umalis kaya si jade muna bahala sa company namin dito sa pinas. promise pagbalik ko hinding hindi na ako lalayo sayo.. babe....? - he said may dinampot sya sa bulsa nya.. parang alam ko ng kung ano..ayuko ko mag assume pero bago paman to mapunta sa kung ano.. hinawakan ko yung kamay nya..

"Ben.. pwede bang pakinggan mo muna sasabihin ko?

"Babe di pa ako tapos..

"Please? - pakiusap ko at nag nod nalang sya.

"You're such a nice man ben.. na sayo na lahat ng katangian na gusto ng isang babae..ikaw yung laging nandyan sa tabi ko lalong lalo na sa mapapait na nangyari sa nakaraan ko.. ikaw tumulong sakin umahon sa pagkalunod sa sakit ng iniwan ako ni kathleen..    naging bestfriend kita bukod kay batchi.. Ben God knows sinubukan ko.. nagawa ko naman eh.. minahal naman kita pero iba eh.. mahal kita pero hindi sapat na yun para maging masaya ako. Mahal kita bilang kaibigan ben. Ikaw naman nag insist diba na subukan natin to? Pumayag ako dahil akala ko balang araw maibabalik ko din sayo yung pagmamahal mo. Pero hindi ko talaga kaya magbago ben.. si althea parin ako yung althea na babae din ang gusto.  I'm really sorry.. I'm so sorry... - napaluha ako kasi nasasaktan ko sya.. kitang-kita ko sa kanyang mga mata napayuko nalang ako.. at least na sabi ko na.. nagawa ko na ang dapat..



Hindi sya agad nakapagsalita.. yumoko din sya.. at pilit pinipigilan ang pag iyak nya.

"Hindi mo naman sasabihin sakin yan kung wala kang mahal na iba eh.. Gaano mo sya ka mahal althea? Please sagutin mo ko.. - ben said.

"Tama ka.. may mahal akong iba.... pinigilan ko naman eh kasi mali.. pero diko talaga kaya eh.. kahit anong gawin ko sya parin tinatawag ng puso ko. I love her so much that I couldn't imagine living life without her.... - sagot ko sabay tingin sa kanya.

"I see.. sya ba mahal ka? - tanung nya.

"Siguro? Hindi ko alam.. sana... - sagot ko.


"Sa palagay ko mahal ka nya..  wala na ba akung magagawa? Hindi mo na ba talaga ako kayang mahalin? - mas lalo akung naawa kay ben.. umiling ako sa kanya ramdam ko yung lungkot at sakit na nararamdaman nya..

My Beautiful Capture (JaThea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon