Althea..
Andito ako ngayon sa bahay ni batchi.. dahil hindi ko sya makausap sa office ng maayos dahil kay wila. Sobrang lakas ng trip nya, May sayad ata yun.. napag desisyunan ko na puntahan sya dito pag katapos ng ilang meetings ko.
"Ohh tsong.. - sabay abot ng isang boteng pilsen.. alam nya na kasi na umiinom na ako nito.
Umupo na sya sa harap ko sabay titig at alam ko na kung bakit ganyan sya makatingin.. nag-aantay lang sya na magsalita ako.
"Batchi.. nakokonsensya ako! - sabay yuko ng ulo ko... mga ilang segondo.. naging isang minuto walang reaksyon si batchi. Tinignan ko sya.. nakatingin parin.
"Mag salita ka lang tsong.. lahat-lahat! Saka na ako mag rereact pag katapos.. - ang swerte ko talaga dito..at ayos ah.. matino sya kausap ngayun.. minsan kasi pag kausap ko sila wila panay bara o kalokuhan ang natatanggap kong reaksyon galing sa kanila.
"Kahit anong gawin ko batch.. hindi ko kayang mahalin si ben.. mahalaga sya sakin.. Oo! Pero hindi yun sapat para maibigay ko sa kanya yung pagmamahal na naibibigay nya sakin. Hindi ko na kaya lukohin ang sarili ko. Hindi sya ang mahal ko! - naiiyak na sabi ko.. tumulo na ang luha sa mata ko... kasi nga naman na guiguilty ako si ben ang karelasyon ko pero si jade lagi laman ng utak ko.
"Hindi sya ang mahal mo? Ibig sabihin may mahal kang iba? - tanung ni batchi sabay tungga ng alak.
"Oo! - tipid na sagot ko..
"E di hiwalayan mo yung tao..kesa naman paasahin mong mahal mo eh hindi naman? Nag lolokohan lang kayo tsong! Tsaka kawawa si ben kasi mahal ka nung tao eh. Pakawalan mo para makakita sya ng taong magmamahal sa kanya ng totoo. Tsaka piliin mo kung sino yung nandyan sa puso mo althea. Sino nga ba? Aba tsong.. walang secreto diba? - seryosong sabi ni batchi.
"Alam ko kaya nga ito diba? Para na akung sasabog eh!! Pero kahit naman na hiwalayan ko si ben.. hindi parin kami pwede ng mahal ko kasi natatakot ako baka magka gulo eh.. - nakita ko sa itusra ni batchi na naguluhan sya sa sinabi ko.. kaya hindi na ako nag pa ligoy-ligoy pa.. mula dun sa barcelona kwenento ko ulit.. hanggang magkita kami ulit ni jade.
"Ano...???? Si jade yung naka one night stand mo?? - nanlaki ang mata ni batchi sa gulat.. hindi sya makapaniwala.. "wow! Small world.. naku mahirap to! Magkapatid yan tsong! - sabi nya habang palingo-lingo..
"Anong gagawin ko batch? - seryosong tanung ko kay batchi.. nalilito na din kasi ako.. kailangan ko ng advice ng kaibigan ko kung ano dapat gawin ko.
"Aba..ewan ko sayo!! - ako naman nanlaki ng mata sa sinabi nya.. "hehe joke lang! - sabay peace sign nya.
"Mahal ka ba nya? - napatigil ako sa tanong nya.. kasi hindi ko alam..oo sinabi nya mahal nya ako! Pero kasi may hinahanap sya hindi ako sigurado kung ako ba yung msytery girl nya. Ayaw ko mag assume.. pero ramdam ko naman na mahal nya ako.. ewan ang gulo!
"Yun yung sabi nya.. - yan lang na sagot ko.
"Siguro ikaw yung mystery girl na pinahahanap nya.. patay ka tsong pag nalaman yan ni ben! Pero kung mahal nyo ang isa't-isa di ipaglaban nyo.. kahit kailan hindi naging masama o mali ang magmahal.. malay mo mag give way si ben for jade diba? - bacthi said.
"Ayuko ko mag assume batch.. basta ang tama ang gagawin ko! Ang hindi na dapat paasahin si ben. - sabi ko.
"Eh paano si jade? - tanong nya.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Capture (JaThea)
FanfictionMi Captura Hermosa ( My Beautiful Capture) This is a lesbian story.. "I love you althea.. hindi ko ma control yung sarili ko at diko ma iwasang hindi ka mahalin. Binigyan mo ako ng pag asang magmahal ulit. Mamahalin kita althea,Oo mamahalin parin...