Caught

3.3K 175 5
                                    

GENERAL..

7pm yung usapan nila jade at abby magkikita sila sa isang restaurant sa BGC. 20 min. Late si jade ng makarating sya sa resto dahil sa sobrang traffic.

"Akala ko hindi kana dadating.. - inis na sabi ni abby at inikutan nya ng mata si jade.

"Hala.. parang 20 min. Lang.. sobrang traffic kaya.. - sagot naman ni jade at umupo na.

Agad naman sila nag order.. at hinarap ni abby ang laptop nga kay jade at nag simula na syang mag discuss tungkol sa companya nila.

Nag hire sila ng mga photographer para mas lumaki at lumago ang business nila. Pero sa ngayun gusto ni jade na sya at si abby ang kukuha pag malalaking event ang esho-shot nila.

Nag simula na din ang partnership nila sa isang magazine. Sobrang saya ni jade na nag success ang business nila.

"Mukhang mapapasubo yata tayo ha.. sunod-sunod yung mga client natin.. - sabi ni jade sabay subo.

"Aba.. baka kako ako mapapasubo.. baka nakakalimutan mo.. magiging vice president kana sa company nyo! - sabi ni abby na nakanguso..

"Asuss.. syempre hindi kita pababayaan noh.. magiging consultant mo parin ako.. - nakangiting sabi ni jade.

"Aba dapat lang noh! Baka ma stress ako at masira ang beauty ko.. baka pag nangyari yun hindi na ako makilala ng anak ko. - pabiro ni abby.. agad naman na tawa si jade.

"Ewan ko sayo..bruha ka talaga.. mag cr lang ako ha.. - paalam ni jade. Tumango naman si abby at agad na umalis si jade papuntang cr.

Paglabas ni jade napalingun sya kabilang resto at sa di inaasahan nakita nya ang kuya nya na may kayakap.. at alam nyang hindi si althea yung dahil mahaba ang buhok ng babae. Hindi alam kung ano ang mararamdaman ni jade.

Sobrang tagal ng yakapan nila.. nung bimitaw na yung kuya nya agad naman hinawakan ng kuya nya ang kamay ng babae.. at ito namang babae hinawakan ang kabilang pisngi ni ben. At nagyakapan ulit.

Naiiyak si jade sa nakita..

Why kuya? Akala ko ba nagbago kana?

Hindi mapigilin ni jade ang sarili na makaramdam ng galit at sakit.. galit dahil akala nya matino na ang kuya nya.. nag paraya sya at pilit na kalimutan si althea para sa kanya.. sakit dahil niloloko nya lang si althea na mahal na mahal nya.. agad pinunasan ni jade ang luha nya at bumalik na kay abby..

"Abby are you done? Tara? Uwi na tayo.. - yaya nya kay abby sabay kuha ng purse nya.

"Huh.? Biglaan naman.. bakit may nangyari ba? - pagtataka ni abby pero sinunod nalang din nya ang kaibigan at niligpit ang gamit nya.

Agad silang umalis papunta sa kotse nila kung saan ito naka park.
Walang dalang kotse si abby kaya sasabay sya kay jade.

Nasa driver seat si jade... katabi nya naman si abby.. nag aantay si abby na mag salita si jade dahil alam nyang may nangyari..

Mga ilang minutong katahimikan habang nasa byahe sila. Binasag na ni jade ang katahimikan.

"I saw kuya with other woman! - diretsong sabi nya habang focus sa pag da-drive.

"Woohhh.. sigurado ka? Pe...- - gulat na reaction ni abby.

"Hindi ko alam.. best.. gusto ko syang sampalin! Niloloko nya si althea! - galit na sabi ni jade.

"Ahmm.. okay I got your point bestie.. but kung maka react ka parang ikaw yung girlfriend eh! Pero naiintindihan kita.. Oo nga naman kasi yung taong niloloko ng kuya mo ay ang taong pinakamamahal mo.. - napalingun ako kay abby.. tama nga naman sya hindi ko naman denideny..

"Wait.. sigurado kabang babae yun ng kuya mo? Baka kasi friend lang alam mo na?!.. - dagdag ni abby.

"I don't think so! Sa nakita ko? Panay yakapan? Hawak kamay? At halos ng friend ni kuya na girl kilala ko naman kung hindi sa name, makilala ko naman sa itsura pero kanina.. ngayun ko lang nakita yung girl! - inis na sabi nya..

"So ano balak mo? Hindi mo din naman masisisi kuya mo ang pogi eh! - ngising sabi ni abby.. sumeryoso ito ng tinignan sya ni jade..

"Nagsasabi lang ako ng totoo best okay? So ano nga balak mo? - tanung nya kay jade.

"I don't know! pero hindi nya pwede saktan si althea! Para san pa yung pag destansya ko kay althea kung sasaktan lang din naman sya. Ang hirap kaya magtiis na hindi ipaglaban yung taong mahal mo para lang sa kaligayahan ni kuya.. tapos ano? Sasaktan nya lang? Lolokohin nya? Kakausapin ko si kuya. Wag na wag syang mag kakamali at babawiin ko si althea sa kanya! - seryosong sabi ni jade at inis na inis parin..

"Hoy bestie! Anong babawiin? Ipaalala ko lang sayo. Kuya mo ang nakauna dyan kay althea.. sila na bago kayo magkakilala. Kung makabawi eh! - sita ni abby.

Narealize naman ni jade na mali pala ang nabitiwan nyang salita.

"Eh di kukunin! Kukunin ko si althea.. at hindi ko hahayaan may manloko sa kanya! Kahit sarili ko pang kapatid kakalabanin ko! - nagulat naman si abby sa sinabi ni jade.

"Eh paano kung mali ka ng pagkakaintindi sa nakita mo? Alam naman natin na lakas ng tama nyo magkapatid dun sa althea na yun! - pataray na sabi ni abby. At nag taas naman ng kilay si jade.

"Ano bang mali don? Halata naman na may something sila nung babae nayun! Pero kung sakali man na mali ako eh di okay at least magiging okay parin kami ng kuya ko. - sagot ni jade.

"Oo magiging okay kayo kahit ikadudurog ng puso mo dahil hindi mo man lang maparamdam ang pagmamahal mo kay althea! Hayy.. try mo kayang maki pag date sa iba jade ng hindi naman si althea laging laman nag utak mo! - abby.

Napabuntong hininga si jade.. iniisip kung kakayanin nya bang maki pag date sa iba.

.........

My Beautiful Capture (JaThea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon