Chapter 05. Stop making me feel this way

11.2K 73 19
                                    

Dahil nirecommend niya rin! :)

At dahil crush ko yung friend niya, SI ENZO! :">

Chapter 05. Stop making me feel this way 

It’s true that people can move on but you can’t change the fact that only amnesia and death can erase memories.

-- anonymous

[Christian’s POV]

“Uhm Ella ..”

“O ano na naman?”

“Sorry ha?”

“Para saan?”

“Sa broken promise”

Then, tumahimik siya. Pero alam kong umiiyak siya.

Lumapit ako at niyakap siya. Lalong lumakas yung iyak niya.

Di ako makapaniwalang nasasaktan ko pa rin siya.

It wasn’t my fault pero naisip ko pa rin na sana ipinaglaban ko siya kay Kristoff.

Alam ko naman na ako yung mahal niya noon, nadala lang ako sa mga sinabi nung lalaking yun.

Nakacontribute din siguro na nung mga times na magkasama sila ni Ella, nakita kong masaya yung babaeng mahal ko.

Humihikbi si Ella.

Paano ko ba siya papatahimikin.

Ayokong nagkakaganito siya.

Lumalabas yung instinct ko na protektahan siya sa mga bagay na nakakasakit sa kanya.

Nagsimula ‘to ng dahil sa sinabi ni Vira sa’kin.

*flashback*

After ng confrontation namin sa garden nila Kristoff, lumabas kami ni Vira ng gate.

Pareho lang kaming tahimik.

Isa lang ang naisip ko, I should have never done that.

After ng 10 minutes, nakita naming lumabas na rin yung dalawa.

Nakapasan si Ella sa likod ni Kristoff.

She’s crying her eyes out. T.T

Ella, I’m so sorry.

Then, napansin kong umiiyak si Vira. First time ko siyang nakitang magbreak-down. Nabreak ang strong façade niya.

Sinapak-sapak niya ko sa braso habang sinasabi ang “F*CK! How could I do that to her? I’M SO STUPID! F*CK! Sinabi ko pa naman nun, I will never let her suffer again.”

Again? Parang wala pa namang suffering si Ella ah. Masayahin siya diba?

“Vira, may hindi ba ko nalalaman?”

“Ella .. is .. a .. battered child”

“WHAT?!”

Bumalik na naman yung fierce expression niya. Natigil ang pagdaloy ng luha sa mata niya.

“Yung dad ni Ella was forced to marry her mother. Pareho pa silang nag-aaral nun, Medicine ang dad niya habang si tita, HRM. Since buntis na nga si tita, ipinakasal sila kahit ayaw ng dad niya. Naging sugarol ‘to hanggang sa naubos yung ipinamana sa kanya, mom na niya ang bumuhay sa kanila after nun. Tuwing umuuwi yung dad niya, lasing pa at sinasaktan silang dalawa. Sinisisi sa kanila kung bakit daw nagkaganun yung buhay niya. Then, one day, nalate ng uwi si tita, habang yung tatay niya naman napaaga. Kung di siguro dumating on time si tita, wala na si Ella. That night, tumakas silang dalawa. And ayun, nangutang yung mama niya para dun sa karinderya nila. Kaya nakapag-aral si Ella ng elementary sa Catholic School, dun nga sa school natin.”

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon