Chapter 42. At the city of love

8.1K 62 17
  • Dedicated kay All the readers who waited for the UD.
                                    

MERRY CHRISTMAS! ;D

Chapter 42. At the city of love

Wag kang maghahanap ng taong nakakaintindi sa’yo. Ang hanapin mo ay yung taong di ka iiwan, kahit di ka naiintindihan.

-- anonymous

[Ella’s POV]

“Anong ginagawa mo dito?” Yung gwapo/monster na nakabanggaan ko sa Champs-Élysées ay napatigil ng bigla akong nagsalita. Mukha na namang nagmamadali siya. Tumingin lang siya sa’kin like I was a raving lunatic tsaka naglakad ulit, pumasok siya sa isang kwarto at nawala na. Dito rin kaya siya nakatira o may binibisita lang? E kaso tuloy-tuloy siya e, which means dito nga siya nakatira. Ano ba yan? Di pa man ako nakakatuntong sa apartment ko, iisipin na nung mga kapitbahay ko na baliw ako, psh. Nice one, Ella. Sigawan ba naman ng Tagalog ang isang French speaking na tao. Anong malay nun kung anong sinasabi mo.

Naglakad na lang ako at hinanap ang Room 431 na pagiistay-an ko ng 6 months. Nagulat naman ako dahil nung nahanap ko yung kwarto, katabi ko pa yung pinasukan ni Mr. Monster. >0< Very nice nga naman talaga oh.

Pumasok na lang ako, nandun na nga yung mga box ko waiting to be opened and arranged. Sabi ni mama may nagsupervise daw sa pag-aayos nitong apartment ko, ang masasabi ko lang, ang galing niya. *0* Kuhang-kuha niya yung gusto ko. Yung wallpaper ko kasi white na may flowers na violet. Tapos, ang cute pa nung mga furniture na pinili. Itatanong ko nga kay mama kung sino at ng mapasalamatan. :”)

Inikot ko na yung kwarto. Mukhang bago pa naman yung mga gamit at malinis dito ah! Bubuksan ko na nga yung mga pagkain para mailagay na sa ref at kitchen drawers. Mas perishable naman yun kaysa sa mga damit ko.

After 30 minutes, naayos ko na yung kitchen. Naisip ko na naman tuloy siya, nakita ko kasi yung boxes ng mogu-mogu. T__T Try ko nga ulit tawagan.

“Hoy Christian, sumagot ka kung ayaw mong patayin kita.” Baliw ka nga Ella, pati cellphone mo kinakausap mo.

Ano ba yan, nakapatay yung phone niya. >0< Baka naman nagpalit na siya ng number. Psh. Nakakainis.

Humiga na lang ako sa kama, ang galing talaga ng nag-ayos dito. Si Pooh yung comforter ko. *0* Kinuha ko na lang yung isang unan at humiga na. Itutulog ko na lang ‘to. Sleep is the best numbing medicine, ayon lang sa’kin. Hahaha. ;D

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon