For Better or For Worse

5.8K 34 23
                                    

Dahil sa pagmamahal niya sa ChrisElla, here you go dearie. Salamat talaga sa suporta mo sa I Loved You First. <3

For better or For Worse

A ChrisElla Special Chapter

[Ella’s POV]

“Anak, gising na, ikakasal ka ngayon. Wag mo munang pairalin ang pagiging tulog-mantika mo.” Narinig kong sabi ng nanay ko. Di naman niya ko kailangang gisingin dahil kanina pa ko gising. Actually wala pang tulog ang lola niyo. Akala lang ni mama na tulog ako dahil nakatakip ako ng unan sa ulo. Kawawa naman ang mga brain cells ko. Mamamatay na naman sila. T_T Nabasa ko kasi nun sa reader’s digest …

“Nak, gising ka na naman. Andyan na yung magmamake-up sayo tsaka yung photographer pati yung magvivideo.” Anubayan, maglelecture pa ko tungkol sa brain cells, umepal na yung nanay ko. T_T Next time na nga lang. Tinanggal ko na yung unan sa mukha ko, pagkakita sa’kin ng nanay ko. Eto mukha niya, O____o

“Bakit namamaga yang mata mo?”

“Ah -- Hehe.” Yun na lang nasagot ko sa kanya. Stage mother yang nanay ko diba?

“Sabi ko naman sayo kagabi matulog ka diba? Bakit ganyan? Ang panget mo tuloy. Ano na lang sasabihin ng mga tao sa simbahan?”

“Ouch. Sa sarili ko pang nanay narinig na panget ako. Ouch lang talaga.” Pag-arte ko sa kanya.

“Joke lang naman yun. Eto naman. Di ka kasi marunong makinig sa’kin e.”

“Mama naman, di talaga ko makatulog e. Ayaw nung mga mata ko.” T___T

“Good morning!” Biglang pumasok si Vira sa kwarto ko dito sa hotel. Yep. Nasa hotel kami, para daw bongga sabi ni mama Cindy at ng nanay ko. Nainggit naman ako kay Vira, she’s looking so fresh and well-rested. >_< Pero imposible yun! Kasama niya sa kwarto yung tatlo!

“Nakatulog ka ng maayos kagabi?” Gulat na gulat na tanong ko sa kanya.

“Oo naman. Is there any reason not to fall deeply asleep last night?” Tanong niya sa’kin.

“Pero sabi ni mama kasama mo daw sa kwarto kagabi sina Joyce, Shammy at si Reen.”

“Yes. I was with them, although di kami masyadong nakapag-bonding.” She said sullenly.

“OP ka sa kanila? Tsk. Di bale pagsasabihan ko yung mga yun!” I didn’t get the chance to talk to them last night, kulang na lang kasi buhatin ako ng nanay ko papasok sa kwartong ‘to.

“Kind of. They were arguing on some problem about income tax of some sort, I think they’re still reviewing for their exams. You know how I hate stuff like that.” She flipped her hair for emphasis.

Natawa na lang ako. Di pa rin nagbabago ang sosyal kong best friend. I still love her though. :))

“Well at least you got some rest, Vira.”

“Unlike you, alam mo mas mabuti pang ako na lang ikasal ngayon kaysa sayo.” She jokingly remarked.

“Sige, agawin mo ulit siya sa’kin. Itutulak kita sa rooftop ng hotel na ‘to.” Pagbabanta ko sa kanya. Ewan ko ba, nagagawa na naming magbiruan about dun sa past. I guess it means that all of us had already moved on.

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon