I Loved You First - Epilogue

8.7K 60 29
  • Dedicated kay All readers and fans :"")
                                    

I Loved You First – Epilogue

Sabi nila lahat na daw ng bagay sa mundo, planado na yan ng isang much higher power. Si God. He gives us choices dahil meron tayong free will pero sa bawat choices na gagawin mo, may kapalit yun na consequence.

It’s been 2 years since ng mangyari ang lahat. I already passed the board exam and yeah kinasal na ko. Actually, may anak na nga ako e. Totoo pala ang miracle. Lahat na rin kasi ng pamahiin ginawa namin pero nothing, isa lang pala talaga ang dapat lalapitan kapag may kailangan ka. Syempre yung nasa taas. He helped me, us, with the intercession of St. Jude Thaddeus. Totoo talaga, ask and you shall receive. Hindi mo nga lang makukuha yung gusto mo agad-agad. You have to wait for it and pray for it fervently.

“Say goodbye to daddy na.” Sabi ko sa little boy ko, inilapit ko siya sa puntod and he smiled and waved goodbye.

“Bye dada!” He squealed. Natuwa ako sa nakita ko. My baby is already 1 year old today. Actually, may party siya later. We just decided to go here.

“Come. Let’s go na. Someone is waiting for us.” I smiled at him. He smiled back. Ngisngisero talaga ‘tong isang ‘to. Manang-mana sa’kin. Hahaha. :))

Nung dumating kami, he opened the car door for us. Inilagay ko muna sa babysit sa likod si Christopher tsaka pumasok sa harap. Ayoko siyang binubuhat sa harap. Mas hazardous yun. I take care of my kid like a mother hen.

“Sab, iyak na daw ng iyak yung isa dun. Hinahanap ka na.” He said.

“Kaya nga aalis na tayo diba?” Kinurot ko pa siya.

“Ouch ah.” Tapos tumingin siya sa likod. “Topher oh, mama is hurting dada.” Pagsusumbong pa niya sa nasa likod namin.

“Nooooo.” He said to his dada.

“Pano ba yan? Ako kinampihan? Wala ka pala e.” Inasar ko pa siya.

“Sige. Pagtulungan niyo ko, isusumbong ko kayo kay ninang.” He said.

“Sumbong lang. Di ka na kakampihan nun.” I smiled widely at him. Buti na lang, everything worked out in the end.

After 30 minutes, nakarating na kami. It’s Sunday today, so walang masyadong traffic.

“Ninang, inaaway ako nitong dalawang ‘to.” At talagang nagsumbong pa siya kay Vira ha?

“Sus. Di ka na nasanay.”

“Sabi sayo, kami kakampihan e.” Tinawanan ko pa siya. Kawawa naman si Kristoff, walang kakampi. Hahaha. :))

Ibinigay ko muna si Topher kay Toff-Toff tsaka dumiretso sa kitchen.

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon