Chapter 48. A sad homecoming

7.6K 39 41
                                    

She stayed true to her word. Palagi nga siyang nagcocomment. :")

Chapter 48. A sad homecoming

Trusting you is giving you the ability to destroy me completely but being confident that you won’t.

-- anonymous

[Ella’s POV]

Kanina ko pa pinatulog si Christian, nakasandal na nga siya sa balikat ko e. Pauwi na kami sa Pilipinas. Gustuhin ko man siyang gayahin, hindi ako dalawin ng antok. Nag-aalala ako para kay Kristoff, paano nangyaring na-coma siya? Sa pagkakaalam ko, wala naman siyang sakit. Hindi rin naman maexplain sa’kin ni Christian kung anong nangyari dahil yun lang din daw ang sinabi ni Vira sa kanya, mas maganda na rin naman daw na sa doktor na kami magtanong. Nung tinanong ko naman siya kung pano nalaman ni Vira yung kay Kristoff, sinabi niya na mas magandang malaman ko na daw yun kay Vira o kay Kristoff. Ang gulo nila. =__=

Maya-maya, naramdaman kong yumakap sa’kin si Christian. Himbing pa rin siya. Parang kanina lang, ang saya-saya namin pero bakit bigla na lang may bumungad na ganung balita. Napatakbo tuloy kami sa airport, buti na lang may available na flight papuntang Pilipinas at dala ko na yung passport ko, palagi naman yun, minsan kasi hahanapan ka ng mga ganun dito, surprise inspection kumbaga. Nag-leave na lang ako ng message sa answering machine ni Henry explaining things and nagbilin ako na bantayan yung apartment ko. Isa pa yun, nag-alala rin ako sa kanya. Baka mamaya hindi na makaya nun ang sakit at bigla na lang magpakamatay. Wag naman sana. Kawawa naman si Charles. T_T

After a few hours, “We’ll be landing in the Philippines in a few minutes. Please buckle your seatbelts.” Pag-aannounce sa intercom nung piloto. Nagising na rin si Christian.

“Hindi ka natulog?” Tanong niya sa’kin.

“I can’t sleep.”

“Psh. Sana ginising mo ko at ng nakantahan kita.”

“Di naman yun e. Nag-aalala ako para kay Kristoff.”

“Then we’ll better head there as fast as we can.”

“Thank you for understanding.” I smiled at him.

“He’s your best friend penguin. Sinabi ko naman sayo nun, okay lang sa’kin diba?”

Dumiretso na nga kami sa hospital pagkatapos naming maclear sa airport, dun ko na lang naramdaman yung init. Makapal pa kasi yung damit kong suot.

Pagpasok namin sa kwarto niya, may babaeng nakadukmo dun sa tabi ng kama niya. Lumapit na ko sa best friend ko, para lang siyang natutulog, pero hindi, may chance na hindi na siya magising. Naramdaman siguro nung babae na may dumating, itinaas niya yung ulo niya at nagkatinginan kami.

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon