Chapter 44. Babysitting for the monster

7.9K 46 19
                                    

Hihi. Kinilig ako sa wall post niya sa'kin e. :")

Chapter 44.  Babysitting for the monster

Sabi nila, "Wag na wag mong hahayaang mapalayo sa’yo yung mahal mo dahil baka makuha pa ng iba.” Sabi ko, “Hindi ko na kailangang gawin yun, kasi kahit nasaan pa siya kung mahal niya ko talaga, di siya magmamahal ng iba.”

[Ella’s POV]

“I told you to never come home late.” Sinigawan ko na naman ‘tong monster na ‘to. Sa loob ng mahigit sa isang buwan na pagtatrabaho ko sa kanya, lagpas isang dosena na ang late niyang pag-uwi. Ginagalit na ko nitong sira ulong gwapong nilalang na ‘to.

“I’m sorry okay?”

“Sorry again? That’s all you have to say? What’s your excuse this time?”

“I found an opportunity again to gain more money. If you want proof, here it is.” Naglabas siya ng mga pera, may kinita nga siya ngayong gabi. Medyo nahihirapan na rin kasi siya. Stressed ‘to palagi pag uuwi e.

May kumatok dun sa pinto niya. Naglakad naman siya palapit dun. Nung sumilip ako para tignan kung sino yung nandun, yung nakatira dun sa kabilang kwarto yung kumatok kanina. Tinry kong lakihan yung tenga ko para marinig kung ano man yung pinag-uusapan nila, nagfefrench silang dalawa. Pero ang tanging narinig ko lang ay yung huling sentence na when translated into Tagalog e, ‘sana sa susunod, pag nag-away kayo ng asawa mo, hinaan niyo naman yung boses niyo lalo na kapag gabi na.’ Asawa ko ba yan? Never kong pinangarap no! Well, yung accent niya pwede pa. Hahaha. ;D

“There, Mr. whats-his-name got angry at us. I’m sorry okay? Here. I brought you something.” May nilabas siya sa bulsa niya. Square na keychain, sa loob nun, nandun yung picture namin ni Charles. Six months na siya so naaangat na niya yung ulo niya. Eto yung nakuhaan kami ni Henry na pareho kaming tumatawa tapos on the other side, pareho kaming tulog. Pinicturan niya pala kami nun. Eto yung isang beses na umuwi din siyang late.

“Thank you Henry.” He smiled at me. I smiled back.

“So that when you come back to the Philippines, you’ll never forget him.”

“I won’t ever.” Napatingin kami kay Charles na himbing na himbing na natutulog dun sa crib niya. Buti di siya nagising sa sigawan naming dalawa kanina. “Tell you what, since it’s your day-off tomorrow, I have no classes and it’s already summer, let’s go out on a picnic in the afternoon?” I asked him.

“Okay. Where?”

“By the river Seine. I’ll prepare the food, you bring the blankets. If you want you could invite your mother.” Nito ko lang nalaman na nakatira din pala sa Paris ang mama ni Henry. Meron siyang flower shop. Kung di pa bumisita dito yun, di ko malalaman. Hindi rin naman kasi nagkekwento ‘tong nilalang na ‘to. French ang mama niya at British naman ang papa niya. Five years ng hiwalay. Nasa England na yung tatay niya. Siya na may magandang lahi. Kaya pala ang gwapo lang. >0<

“I’ll see if she’s not busy.”

“That’s settled then. Good night Henry.”

“Good night Elizabeth.” Hinatid na niya ko sa pinto at lumabas na ko. Pumasok na ko sa apartment ko after that.

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon