Chapter 12. My own kind of fairytale

10.3K 59 18
                                    

Eto na lang birthday gift ko sayo kasama nung double dutch na ice cream. hahaha =)))

Love you Joyce! *hugs*

Chapter 12. My own kind of fairytale

I would give up everything for one moment with you; for one moment is better than a lifetime of not.

-- My Elective teacher in Senior Year. Printed in our yearbook. ^^

[Ella’s POV]

Pagdating namin sa condo, andun na si mama.

Inabot ni Christian yung dala niya.

Bakit di ko napansin kanina yun?

Inuwian pala niya si mama. ^-^

Tapos, nagpaalam na rin siya.

Weekend bukas!

Walang pasok!

Bilis ba ng araw? Di ah.

Monday: First day of classes

Tuesday: Wala kaming pasok ni Kristoff

Wednesday: Walang pasok. Bumagyo diba?

Thursday: Nagpaalam si Kristoff na aalis siya.

Friday: NGAYON! :))

“Pst. Ang saya mo ah!”

“Mama naman! Weekend kasi bukas!”

“Yun ba talaga? ‘Nak, ikakasal na si Christian.”

“Alam ko po yun.”

“Matalino kang bata Sabriella. Wag magpakatanga sa pag-ibig. Ayokong masaktan ka ulit.”

“Opo mama. Alam ko po yung ginagawa ko. Wag na po kayo mag-alala.”

“Okay Sabriella. Pero once na nasaktan ka na ng sobra. Itigil mo na ha? Sige ka. Manghihiram ng mukha yun si Christian pagdating ni Kristoff.”

Alam kong totoo yung sinabi ni mama. Lahat gagawin ni Kristoff wag lang akong masaktan.

Bakit ba kasi ang tanga ng puso ko? Bakit bumalik sa pagmamahal kay Christian?

Rrgghh. Nakakafrustrate!

“Sige mama. Goodnight na po. Napagod po ako e.”

“Oh si Pooh, ipasok mo na sa kwarto mo. Tabi mo kay Spongebob at Patrick.” ;)

“Mama naman, edi nabully si Pooh! Liit-liit niya kumpara kina Spongebob.” XP

Pumasok na ko sa kwarto.

Naghanda sa pagtulog.

Kahit na alam kong di rin ako makakatulog agad.

Masyadong maraming laman ang utak ko ngayon.

Nakahiga na ko dito sa kama.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako pumayag na makasama si Christian dun sa dance no?

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon