Chapter 49. Heart to heart

7.8K 40 20
                                    

Ang ate kong adik kay Kristoff. :))) Patawarin mo ko sa gagawin ko sa kanya sa chapter na 'to. ^^v

Chapter 49. Heart to heart

Giving people sufficient time is one of the best ways to have people accept changes.

-- anonymous

[Ella’s POV]

That morning, pumunta sila mama sa ospital. She’s with Sabrina. I hugged the two of them as a fresh wave of tears came.

“Sshhh baby. Hindi magugustuhan ni Kristoff na nakikita kang nagkakaganyan.” Sabi ni mama sa’kin habang pinupunasan niya ang mga luha ko.

“Sorry mama, I can’t help it. Namiss ko pa kayong dalawa.” Lumapit ako kay Sabrina at niyakap ulit siya. “I’ve missed my baby sister. Did you miss ate too?”

“Syempre naman ate.” She answered.

“May surprise ako sayo.” Ipinakita ko sa kanya yung singsing ko. Si mama naman napakapit sa bibig niya out of surprise. Lumapit si Christian sa kanya.

“Sorry tita, ngayon lang namin nasabi. Di na rin ako nagpaalam sa inyo, nagmamadali ako e. Akala ko naagaw na ng tuluyan sa’kin si Ella.” He looked at me.

“Ate, tuloy na ba talaga yan?” Biglang tanong ni Sabrina sa’kin.

“Oo naman. Ayaw mo ba?” I smiled at her.

“E paano kung naawa ka pala kay kuya Kristoff tapos hiniling niya sayo na siya na lang pakasalan mo, anong gagawin mo?” Lahat kami napatingin kay Sabrina dahil sa sinabi niya. Even Vira, she looked gloomy. Is she thinking the same thing? Si Christian naman, nakatingin lang din sa’kin.

“Ano ka ba? Kuya Kristoff will not ask that from me.” I smiled at her. “Alam ko iba na mahal niya.” Tumingin ako kay Vira, she still looks sad.

“Let’s go home Ella. You look tired. Mas comfortable matulog sa bahay.” Sabi ni mama.

“I can’t go. Gusto ko dito lang ako.” I stubbornly said. Lumapit naman sa’kin si Christian at niyakap ako, tapos may binulong siya sa’kin.

“Give Vira a little time with Kristoff penguin. I think she far more deserves to be seen by Kristoff the moment he wakes up.”

Dahil sa sinabi ni Christian na yun, nakumbinsi na ko. Oo nga. I shouldn’t get that away from her.

“Okay. Let’s go home mama.”

“Hatid ko na po kayo tita.” Pag-aalok ni Christian sa kanya.

“Ian, could I ask a favor? Dito ka muna, may sasabihin lang ako sayo.” Biglang nagsalita si Vira, napakalungkot ng boses niya. Tumingin naman si Christian kay mama.

“Hindi sige okay lang, I brought my car.” Sabi ni mama.

“Talaga? I’ll finally get to ride it.” Bumili na rin kasi si mama ng kotse para mas mabilis siya nakakauwi. Hanggang 10pm lang kasi yung bagong babysitter ni Sabrina.

I kissed Christian’s cheeks and hugged Vira before we went home.

“Be strong Vira.” I said to her.

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon