Chapter 15. Unexpected

10K 42 19
                                    

Chapter 15. Unexpected

[Christian’s POV]

“Oy Nathaniel, tanong mo na kung saan yung kwarto, magcCR lang ako.”

“Okay” ^_________^

Natutuwa ako. Talagang yun na tawag niya sa’kin.

“Uhm excuse me nurse, asan po yung kwarto ni Edwardo –“

“Sabrina! Napasyal ka dito!”

May isang nurse na lumapit kay Sabrina.

“Hello po. Kamusta na po ang tatay ko?”

“Miss na miss ka na.”

“Talaga po?”

“Oo naman. Sino kasama mo pumunta dito?”

“Ah. Eto po si kuya Christian at yung si ate Ella rin po.”

“Nice meeting you. Buti naman nasamahan niyo si Sabrina dito.”

“Oo nga po. Nalulungkot na rin po kasi siya e.”

“Nahanap niyo na yung kwarto?”

Dumating na si Ella.

“Lika. Samahan ko na kayo.” sabi nung nurse

Nasa ward pala ang tatay ni Sabrina.

Dun sa pinakadulong kama.

Napatakbo na yung bata dun.

Habang kami ni Ella nakasunod lang sa kanya.

“Masaya ko at makikita na niya ulit yung tatay niya. Mabait siguro yun no?” sabi ni Ella

“Siguro. Mabait naman na bata si Sabrina e.”

“Tatay! May bago po akong mga kaibigan at tsaka may ate na rin po ako at kuya!”

Narinig namin na pagkekwento ni Sabrina.

Excited na excited ang boses niya kaya kahit na nasa kalagitnaan pa lang kami nung ward, naririnig na namin siya.

Nangiti naman si Ella dun sa sinabi ni Sabrina.

Pero parang may lungkot pa rin sa mata niya.

Naiisip siguro niya yung sarili niyang tatay.

[Ella’s POV]

Buti na lang masaya na si Sabrina.

Ayokong may bata na nalulungkot e.

Ayokong matulad sila sa’kin.

Para kasi sa’kin, lahat dapat ng bata masaya.

Para paglaki nila, wala silang dala-dalang mga kalungkutan at magiging masayahin sila.

“Eto na pala sila tatay. Siya po si kuya Christian at siya naman si ate Ella, sila po ang kasama ko dito.”

“Kamusta po?” narinig kong sabi ni Christian

Hindi. Hindi pwede ‘to.

Sabihin niyo sa’kin na hindi ‘to totoo.

“Ang ganda naman ng ate Ella mo, Sabrina. Alam mo ba kamukha siya ng ate Sabriella mo. Ganyan na siguro ang itsura niya ngayon. Dalaga na rin yun e.”

“Sabriella po ang buong pangalan ni Ella.”

“Sabriella?”

Napatakip ako sa bibig ko habang tumutulo ang luha ko.

Bumangon siya.

Halatang hirap na hirap.

“Sabriella, ikaw na ba talaga yan?”

Kumapit siya sa mukha ko.

“Bitiwan mo ko! Wag na wag mo kong makakapitan!”

Tumakbo na ko palabas.

“Ella! Wait!” sigaw ni Christian

Tumakbo lang  ako ng tumakbo palayo sa kaisa-isang tao na ayaw ko na sanang makita buong buhay ko.

[Kristoff’s POV]

(A/N: Baka kasi miss niyo na siya XP)

Andito ako sa poolside nung hotel.

Kararating lang namin kagabi.

Umalis si daddy kaya naman ako lang mag-isa.

Nakahiga lang ako sa isang bench dito.

Yung pang-pool talaga.

Kung andito lang si Sab, nagsiswimming na yun panigurado.

Adik sa pool yung babaeng yun e.

Miss ko na tuloy siya.

Di ko pa pala siya natatawagan.

Mamaya na lang pagpanhik sa kwarto.

“Is this one taken?”

Itinuro nung babae yung bench na katabi nung akin.

Naka one-piece swimsuit siya at naka-shades rin.

Di ko tuloy makita yung mukha niya.

“Nope”

Umupo na siya dun pagkatapos.

“Nakakainis ka.”

Bigla-bigla ba naman nagsalita.

Ako ba kausap nito?

Luminga-linga ako.

Ako lang naman mukhang nakakaintindi ng tagalog dito sa mga katabi ko.

“Ako ba kausap mo?”

“Tignan mo. Di mo na ko maalala talaga.”

Tinanggal ko na rin yung shades ko at tinignan siya.

“Bea?”

“Sa wakas, akala ko di mo na ko kilala e.”

Mulan’s Note: Gulat ba kayo na yung tatay pala ni Sabrina ay ang long lost dad ni Ella? Umamin!

Hahaha :))

Namiss niyo si Kristoff? Ayan na o.

E pero teka, who’s this Bea girl? Tsk. A new antagonist?

Dami naman sa storyang ‘to. Pagpasensyahan niyo na madami kasing kagalit ang author na ‘to. Hahahaha. :)) Kaya wag niyo kong aawayin ha? Sanay ako makipag-away! CHOS lang. Nanakot daw ba?

May quiz na naman ako sa accounting. ><

Ayoko naaaaaaaaaa! hahahaha =))

Mag VOTE at mag LIKE na lang kayo. Hihi.

Penge rin comments! Sige na! PUH-LEASE! ^__________^

And pretty please, check out my other story, The Bad Boy. Sige na. Nagmamakaawa na ko! Hahahaha =)) Tsalamatssssssss. :*

Ayun nga pala sa gilid si Sabrina. Hahaha =))

Nilubos ko na paggamit ng characters ng Playful Kiss. XP

-        Raise your glass if you’ve been wrong in all the right ways! -_-

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon