Thanks sa pagpapaalala sa isusulat ko sa chapter na 'to dear. <3
Chapter 36. Bitterness
Let go. Why do you cling to pain? There is nothing you can do about the wrongs of yesterday. It is not yours to judge. Why hold on to the very thing which keeps you from hope and love?
-- Leo Buscaglia[Ella’s POV]
First day ko na bukas bilang isang ‘green archer’. Nakuha na namin last week ni Christian yung registration card at yung schedule. Nilibre pa nga ako ng sundae sa McDo e. Yung duo. Caramel pa pareho. *0* Lakas ko talaga dun kahit kailan. :”)
Pumasok na ko sa kwarto, kanina pa text ng text yung nanay ko na maaga daw ako matulog, maaga rin kasi ang gising ko bukas. Dami kong klase e. Pero di naman ako nagrereklamo, at least 2 years ko na lang matatapos yung course ko. Pati nga si Christian, lumipat na rin. Inaasar ko nga na nagtaksil siya sa dati niyang school, from ‘blue eagle’ naging ‘green archer’ siya. Okay lang naman daw yun, basta magkaklase kami. Yung mga management and lower accounting kasi, pareho kami ng kinuha, since Management nga yung course niya and lahat ata ng course kailangan dumaan sa accounting. Yiiee. Magkaklase na naman kami. :”) Hindi nga lang lahat.
Pagbukas ko ng ilaw, napako na naman yung tingin ko sa kama, nandun si Spongebob at Patrick, namiss ko na naman tuloy siya. Hindi ko naman kasi alam kung handa na ba kong makipag-usap sa kanya, hindi ko kayang makita na nasasaktan siya, lalo na kung ako yung dahilan. Matagal ko na rin pinoproblema ‘to, wala nga lang akong pinagsasabihan, katulad nung dati kay daddy, ayokong may makaimpluwensya sa magiging desisyon ko.
Binuksan ko na lang ulit yung notebook ko, itinago ko muna yung laptop na bigay niya, maiiyak lang ako kapag nakita ko yung wallpaper nun, kasi naman di ko mapalitan, malay ko kung ano ginawa niyang magic dun para di ko magawa yun. Magfafacebook ako eh. Tagal ko na kasing di nakakapag-open.
Pagkasign-in ko, unang una kong napansin yung relationship request. Hihi. Binago na pala niya yung kanya, di man lang nagsasabi, I clicked the confirm button, di naman pwedeng ‘Single’ pa rin ako, magalit pa yun at para di na rin siya landiin ng mga babae. Mehehehe. ;)) May nag-aapear naman na notification.
Eniamrahs Oisinoid commented on your changed relationship status.
Bilis talaga nito kahit kailan.
Eniamrahs Oisinoid: Weh? Tunay?
Nagtype na ko. Niloloko na naman ako nito. >0<
Ella Andrade: OO NAMAN BABE! Si Christian pa nagrequest niyan wag ka! :))
BINABASA MO ANG
I Loved You First
Teen FictionIs there such a thing as second chances? Find out what will happen if your 1st love left you and his bestfriend was there to catch you. READ THE PROLOGUE. ^^v