Special chapter. More than just the two of us

7.6K 39 18
                                    

Sorry ate Dianne. Di kita ginawang super sama dito. T_T Ayoko naman kasing madissapoint ka. Huhu.

Special chapter. More than just the two of us

Ang isang relationship ay parang picture, di pwedeng tatluhan, mamamatay yung papagitna.

-- anonymous

[Joyce’s POV]

Nagtext si chubsie kanina, dito na lang daw kami sa Freedom Plaza magkita. Nagpaxerox pa kasi siya nung lecture nila sa MicroEconomics. Si chubsie ang boyfriend ko, si Kevin Troy.

Bigla kong naalala na bibili nga pala ko ng 10 column worksheet kaya napagdesisyunan kong sumunod na lang sa kanya sa west wing. Magkikita naman kami nun panigurado, sa puti ba naman niya e. XP

Pero nagulat ako sa nakasalubong ko, si Troy, nakaakbay siya sa isang babae, nakasandal pa yung babae sa kanya. Para akong napako dun sa kinalalagyan ko, kumaliwa sila bago pa man nila ko makita, imposible ring makita nila ko dahil nakapikit yung babae at si Troy naman nakatingin lang din sa kanya. Naramdaman ko na lang na tumulo yung mga luha ko. Sino ba yung babaeng yun? Sabi niya sa’kin magpapaxerox lang daw siya. E ano yun? T_T

Pinunasan ko yung mga luha ko at napagdesisyunan ko ng umuwi. Siguro naman wala lang yun diba? OA lang ako. Baka naman pinsan niya yun o kaya best friend niya. Pero kilala ko yung mga pinsan niya at mas lalo namang lalaki yung best friend niya. Sino ba talaga yun?

Kinabukasan, sinundo niya ko sa bahay. Friday na, first time niya kong sunduin sa linggong ‘to dahil busy daw siya nitong mga nakaraang araw. Dati, araw-araw siyang sumusundo. Baka naman talagang 2nd girlfriend niya yung nakita ko kahapon. Two-timer! >_<

“Ah chubsie, bakit nawala ka kahapon sa Freedom Park? Nagkasakit ka ba?”

Oo, masakit ang puso ko ngayon. T_T

“Medyo sumakit yung ulo ko, pasensya na di kita natext na di ako makakasabay sayo.” Sagot ko na lang sa kanya.

“Sana tinext mo ko, mas kailangan palang ihatid kita. Buti safe kang nakauwi. Di ka naman kasi nagtetext kagabi.”

“Oo, okay lang naman.” Matamlay kong sagot sa kanya.

“Chubsie, may sakit ka ba?”Sabay hipo sa noo ko. “Di ka naman mainit, masakit ba uli ulo mo?”

Umiling na lang ako. Baka kasi umiyak na ko pag nagpatuloy pa na maging sweet siya sa’kin.

Hinatid na niya ko sa room, since nung sinusundo niya ko, maaga na lagi akong nakakapasok. Wala pang masyadong tao sa room namin.

“Hi Joyce.” Bati ni Reen sa’kin. Mukhang masayang-masaya siya.

“Hello.” Pagbati ko.

“Alam mo ba, out-of-the-blue kahapon, binili ako ni Sam ng teddy bear.” Pagkekwento niya.

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon