Chapter 47. What could have been

7.6K 50 53
                                    

Chapter 47. What could have been

Smooth roads never make good drivers, smooth seas never make good sailors, and clear skies never make good pilots. A problem-free life never makes a strong person. Accept challenges. It can only make you stronger. Don’t ask life, why me? Instead say, try me!

-- anonymous

[Christian’s POV]

“Christian …” Her voice broke due to her tears. “Alam mo ba, dati siguradong-sigurado na ko sa magiging future ko simula ng maging tayo, we’ll finish college, I’ll go to Paris and then after that, magpapakasal tayo.” In spite of her tears, napangiti siya. It’s as if she’s really seeing what she’s saying. “And syempre magkakaron tayo ng anak, dalawa sila, yung panganay, lalaki and syempre babae na yung kasunod para aalagaan niya yung kapatid niya. Gustong-gusto kong magkaron ng kuya nun dahil nga wala akong daddy. Pero alam mo ngayon …” Bigla siyang yumuko. “I don’t see it anymore. Di ko na alam kung anong gusto ko. Sorry Christian. I can’t accept.”

Di na ko nagulat sa sinagot niya dahil nga dun sa papel na nakita ko kahapon. I have to persuade her to listen to me.

“Ella, look at me.” Kinapitan ko yung baba niya at pilit na inangat ang mukha niya. Nakita ko na hirap na hirap na siya at mas lalo akong nasaktan dahil dun. “I don’t care okay? Wala akong pakialam kung ano ka pa, ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.”

Mukha siyang naguluhan sa sinabi ko. Siguro, iniisip niya kung pano ko nalaman ang kalagayan niya.

“Di mo ko naiintindihan e, di lang naman tayo ang tao sa mundo, isipin mo ang mommy mo, ang daddy mo at si Sofia.”

“Ella naman, dati laging yung ibang tao ang iniisip ko, si Kristoff, si Michaella, si Bianca at ano kinalabasan nun? Nawala ka sa’kin. Ngayon, ayoko ng mangyari yun kaya please, wag mo muna silang isipin.” Pagsasamo ko sa kanya, kapit ko sa dalawa kong kamay ang mga kamay niya.

“Di naman ganun kadali yun Christian, wag mo na naman akong pahirapan, ayoko ng ganito. Mas mabuti pang lumayo ka na sa’kin.” Yumuko na naman siya.

“Wag ka namang magsalita ng ganyan, baka maniwala na ko sayo.” Nagsisimula na ring tumulo ang mga luha sa mata ko.

“Christian, umuwi ka muna sa Pilipinas. Mag-isip-isip ka muna. Wag kang magpadalos-dalos sa mga desisyon mo. Baka hindi ka rin maging masaya sa’kin.”

“Sa’yo lang ako magiging masaya.” Pagdiin ko pa. “Ikaw ang mag-isip Ella, iintayin kita sa tuktok ng Eiffel Tower until 4pm, 6pm ang flight ko pabalik, pumunta ka dun if you’re willing to take every risk with me.”

Bigla siyang napatingin sa’kin, nagulat siguro siya sa mga sinabi ko. Pero nandun pa rin ang determinasyon sa mukha niya, determinasyong palayuin ako sa kanya.

“Hindi ko matutupad ang mga pangarap mo.” She said sadly.

“Matagal mo ng tinupad ang pangarap ko Ella. It was to be with you pero bakit mo ba ko pinagtutulakang lumayo sayo?” Nakayuko na lang siya habang patuloy pa ring tumutulo ang mga luha niya. “Listen to me penguin, I only want you and you alone. Remember, Eiffel Tower at 4pm.” Pagkasabi ko nun, tumayo na ko. “I’ll leave it here. Dalhin mo ‘to ha? Alam kong pupunta ka.” Inilapag ko yung ring box at lumabas na ko ng apartment niya.

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon