Chapter 40. A year and a half

8.4K 55 39
                                    

Chapter 40. A year and a half

If you give up too soon, you will never know what you’ll be missing. Don’t stop when you’re tired, stop when you’re done.

-- anonymous

[Ella’s POV]

Graduation day today! Yep. You’ve read it right. Graduate na kami ni Christian today! May small ceremony lang dun mismo sa office nung president ng university with our families as witnesses. Wala nga naman kaming kasamang grumaduate. And three days from now, I’m heading to Paris. Where the finest chefs in France reside. Bata pa lang kasi ako pangarap ko na talagang maging isang chef. Kinalakhan ko na rin kasi na ganun si mama e. Nakadagdag din siguro yun.

Pag-aaralin niya ko sa Paris. *0* Yun yung promise niya, kaya ako pumayag na mag-aral sa ‘sintang paaralan’. Kaya na naman niya e. Successful ang restaurant niya. And after I finished studying Culinary Arts, magtatayo ulit siya ng restaurant for me to manage. Saya diba? About naman dun sa board exam, di muna ako magtatake. Next year na lang. Gusto ko na talagang pumunta sa Paris e.

Sa loob ng isa’t kalahating taon, hindi ko masasabi na perpekto ang naging relationship namin ni Christian, may mga pag-aaway pero napapag-usapan naman. Pag nagsasabay kasi ang init ng ulo namin, hindi maganda ang nagiging resulta but eventually one would give in and say sorry. It was a give-and-take relationship, pag hindi kami magkasundo sa isang decision, we would lead to a compromise. Ganun naman dapat sa isang relationship. Always respect each other. Hindi kayo magkakaproblema pag ganun.

And about my best friend, a month after nung debut ko, binisita ako ni Kristoff sa bahay. Nagsosorry siya dun sa nangyari. I told him he was forgiven. Pati ako nagsorry na rin, yung kanta kasi nung birthday ko, di ko naman alam na ganun yung ipapatugtog, di naman daw masama yung intention ni mama dun, gusto lang daw niya iparating talaga kay Kristoff na meron pa daw better kaysa sa’kin, na someday makakahanap din siya ng taong kaya siyang mahalin ng buong-buo. Nung inexplain ko sa kanya yun, bigla ba namang tumahimik. Napatanong tuloy ako kung may dinadate na ba siya, kaso wala akong nakuhang matinong sagot. Parang may tinatago siya sa’kin. >0<

Sa buong dalawang taon nga, hindi kami nagkakasalubong sa university e. Siguro dahil na rin busy ako palagi sa pag-aaral. Ayos na rin naman kami, we often talk kapag may oras kami pareho. Pero hindi niya pa rin kayang makipagkita sa’kin pag kasama ko si Christian. Sana talaga makahanap na siya ng babaeng deserving sa kanya, yung mamahalin siya, higit pa sa pagmamahal na kaya niyang ibigay. Dahil yun ang kailangan ni Toff-Toff.

“It’s been already a year and a half kuya Ian, is ate Ella going to live with us now?” Sofia asked across the table. Siya ang katapat ko habang si Christian, si Sabrina. Head of the table si daddy tito. Hindi tito ang pangalan niya ah. Lagi kasi akong nagkakamali kapag tinatawag ko siya kaya daddy tito na lang daw para di ko na makalimutan. On her right side, si mommy Cindy, sa left, si mama Elle. Katabi ko si mama at si Christian. We’re here sa restaurant namin, the place was closed dahil nga celebration ng pagtatapos namin ng college.

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon