Chapter 32. One last chance

8.9K 56 34
                                    

Happy happy birthday. Hoho. Hahabol ko na lang gift mo. Punta kayo dito, thank you kayo sa kanya kasi kung di dahil sa kanya, walang update ngayong araw, dito ako sa kanila ngayon e. Hahaha. XD

Tapos, tapos, may big news pa siyang sinabi na sobrang nagpasaya sa’kin. Hahaha. Love it! <3 Just in time for this update.

Add niyo ko sa fb, IamMulan Wattpad. Dun ako nagaannounce kung kailan ang update. ^_____^

Chapter 32. One last chance

Loving could be so confusing. But it is amazing to know that no matter how hard it is, loving someone is still the simplest reason why you’re happy.

[Ella’s POV]

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng ibigay ni Bianca yung invitation sa’kin which means bukas na yung party. Saturday night. Pupunta daw si Kristoff, sasamahan niya yung dad niya, business partners sila e, di makatanggi si tito sa daddy ni Christian.

“Di mo na talaga ipaglalaban babe?” tanong ni Shammy

“Oo nga. Sige ka. Once na malaman na ng press na magpapakasal na ang tagapagmana ng Elizalde group of companies, wala na tayong chance para lumaban.” sabi naman ni Joyce

“Bakit naman?” nakapagtataka naman kasi

“Di ba obvious? Syempre, pag naging kayo na ni Ian, magiging tingin sa’yo ng mga tao, mang-aagaw.”

“Ayy oo nga pala. Sorry naman.” Slow ako. >_<

“Pumunta ka na kasi, ipakita mo dun sa Bianca na yun na ikaw talaga ang mahal ni Ian.” sabi ni Shammy

“Paano yung baby?” T_T

“Teka nga, sinabi ba sa’yo ni Bianca na si Ian ang tatay nun?” Reen

“Not directly. Pero tignan niyo naman minamadali na talaga nila.”

“Basta, parang may mali kasi e … Pumunta ka na Ella, pag di mo na kaya, tsaka ka umalis.” si Reen pa rin

“Pupunta na yan! Pupunta na yan!” kantyaw naman ni Joyce

“Hooo! Palibhasa masaya ang lovelife mo!” balik ko ng pang-aasar kay Joyce, mukha kasi talagang nagkakamabutihan na sila ni Kevin Troy slash Jimmy Neutron. ^0^ Binelatan lang ako ni Joyce. Hehe. Para talagang bata ‘tong isang ‘to. ^-^

//

Hindi ako makapaniwala na nadala ako ng peer pressure. Nagtaxi na ko papunta kina Kristoff. Dapat susunduin niya ko e pero sabi ko mas madali kung sa kanila na lang, para di ko na rin pag intayin yung daddy niya. Nakakahiya naman kasi. >o< And isa pa, binabawasan ko na rin ang mga ‘best friend privileges’ ko. Hindi pa man nagdedesisyon si Kristoff, gagawa na rin ako ng paraan para medyo dumistansya siya. Sa harap na nga lang niya ko ng school iniintay e. Yun na rin kasi bago naming arrangement.

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon