Mulan’s kadaldalan umiiral: Iaadd niyo ba kung sakaling gagawa ako ng account sa facebook? Sagutin niyo ko ah! ^_____^ Para may update agad, hehe. XD Syempre nakakainspire naman kasi kung gusto niyo kong maging friend sa fb diba?
Chapter 29. What are friends for?
You know life is worth the struggle when you look back on what you lost and realize that what you have now is way better.
-- anonymous
[Ella’s POV]
Nakatingin lang siya sa’min. Tila nag-iisip ng malalim.
“Oh, you look so cute together. Just like siblings!”
Teka-teka. Rewind and replay please? Parang nahirapan sa pag-sink in sa utak ko yung sinabi niya. Hindi siya galit? Hind talaga siya galit? Sigurado ba siya? Napatingin ako kay Christian, my confusion is mirrored on his face. E pano ba naman? Ang taray-taray kaya niyan ni Bianca. Remember nung first time kaming magkita? Sinigawan ako ng gaga. Pero bakit ganun ang naging reaction niya ngayon?
“Why are you both looking stunned? Any problems?”
“Ah … wa-wala, wala naman Bianca. Sige ah mauna na ko sa inyo, pupuntahan ko lang yung dalawang makulit dun.”
Naglakad na ko palayo sa kanila. Tama na ang pagiging masokista. Sila namang dalawa ang dahilan kung bakit parang wasak na wasak ang puso ko ngayon e.
Kumakain na yung dalawa nung dumating ako dun. Kanina pa nila ko inaalok na kumain pero wala talaga kong gana. T_T Bigla-biglang may daliri na hinagod yung noo ko.
“Sabi ng wag mong ikukunot yung noo mo, pumapanget ka. What’s the matter Sab?” umupo na si Kristoff
“Wala naman. Sige ah. Dito ka muna. Ako naman magpapalit.”
“Okay. Maggagabi na, baka malamigan ka pa. Sipunin ka sige.”
“Opo tay” binelatan ko nga. Tawa naman yung dalawang bata.
Pagpasok dun sa cottage, nagulat ako sa nakita ko, si Bianca nakayakap kay Christian. T_T Nung mapansin niyang dumating ako, bigla siyang kumalas sa pagkakayakap.
“Hi Ella!” Bakit parang nang-iinis yung tono niya? Kung ang motibo niya talaga ay inisin ako. Well, congratulations, nagawa niya. Naiinis ako na ewan.
“Hello” bati ko sa kanya. Tapos yumuko na ko at dumiretso dun sa kinalalagyan nung bag namin.
Habang kumukaha ako ng damit, naramdaman kong parang may tumitingin sa bawat galaw ko. Sorry ha? Sorry. Isa ba kong malaking istorbo? Edi kumuha kayo ng sarili niyong kwarto. Leshe. =___=” Nagbunga na nga yung kung ano mang ginawa nila dati e.
BINABASA MO ANG
I Loved You First
Teen FictionIs there such a thing as second chances? Find out what will happen if your 1st love left you and his bestfriend was there to catch you. READ THE PROLOGUE. ^^v
