Chapter 21. Acquaintance party

10.7K 88 38
  • Dedicated kay Selle
                                    

She’s my truest friend. The one who knows the real me. :”>

Excited din siya sa update na ‘to. Tagal niya inabangan ah! Hahahah. XD

Warning: Madaming kanta sa chapter na ‘to. Hahaha. :))

Patawarin niyo rin ako sa napakaraming POV. ^^v

Chapter 21. Acquaintance party

Don’t attach yourself to anything that needs to go. Everything in this world is not permanent. You just have to enjoy and love it while you still have it.

-- GM nung friend ko

[Ella’s POV]

Friday na.

No classes for us today dahil nga dun sa acquaintance party sa college namin.

Tinanong ako ni mama kanina kung bakit daw tinawag na acquaintance party yun kung kailangan rin naman daw na may partner ka para makapasok.

Ang sagot ko naman sa kanya, kung ano man yung sinabi nung nag-explain about dun, di naman daw kasi necessarily na gusto mo talaga yung yayayain mo, para lang daw equal yung number nung boys sa girls, kahit daw kasi yung mga performers, equal numbers din daw yung boys at girls. Di ko rin alam kung bakit ganun, weird nung organizer. Pero kahit papano may logic rin naman.

After namin kumain ng breakfast, nagpaalam ako kay mama na pupunta muna ko sandali kay daddy, syempre yung hindi narinig ni Sabrina, baka kasi sumama siya. Pumayag naman siya, nagpapaint na daw kasi dun sa resto, tapos na yung construction nung kitchen and renovation nung nirentahan na lugar, masakit daw kasi sa ilong yung paint kaya di muna siya pupunta.

Pagdating ko dun, nilagay ko na yung tatlong bulaklak na dala ko, one for my lola, one for my lolo, and lastly para sa daddy ko.

“Daddy I miss you. Alam mo ba napakaespesyal ng araw na ‘to para sa’kin. Masosolo ko si Christian e. Di ko nga pala nasabi sa’yo na mahal na mahal ko yung lalaking yun kahit na sinaktan niya ko. Wala yung fiancée niya at wala rin si Kristoff. Sayang. Di mo nakilala yun, siya yung best friend ko. Pinakabest sa lahat. Ex-boyfriend ko nga pala siya. Hehe. Kung tatanungin mo kung mahal ko siya, siguro oo yung isasagot ko sa’yo pero dad, mas mahal ko si Christian e. Ewan ko ba ang lakas kasi talaga ata ng tama ko dun. Daddy, tanga ba ko para patuloy pa rin siyang mahalin kahit na alam kong di rin naman siya magiging akin? Hindi naman masama magmahal diba? Wala naman akong gagawin para paghiwalayin sila nung fiancée niya e. Kung saan naman kasi siya masaya, masaya na rin ako.”

Para akong tanga dito, wala naman akong kausap. Umiiyak pa.

“Hmm daddy, salamat sa pakikinig ah. It’s good to just let it all out. Alam ko naman na binabantayan mo pa rin ako e. I love you daddy.”

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon