Special Chapter. My one and only you

8.1K 48 37
                                    

Ate oh, si Joyce kumekerengkeng. Hahahaha. :)) Asarin mo nga! Ang sama kong kaibigan. Hahaha. :))

Special Chapter. My one and only you

I love you, these three words could change our lives forever, but for you, I will take that chance.
-- unknown

[Joyce’s POV]

“Miss ko na si Ella!” Biglang sumigaw si Shammy, magkakatabi kami, gumagawa ng homework sa Accounting.

“Ako rin. Miss ko na siya.” Sabi ko rin.

“Syempre ako rin.” Si Reen din daw.

“Kasi naman e, dapat dalawa kaming nahihirapan ngayon dito. Ngayon, wala na kong karamay.” Sabi ni Shammy. Loka talaga ‘to.

“Ayun oh, paturo ka rin kay Enzo.” Sabay tinuro ko pa si Enzo na nakikipagbiruan dun sa hallway sa barkada niya.

“Wag na lang. Baka masabunutan pa ko nung super insecure na girlfriend niyan.” Adik talaga ‘to si Shammy kahit kailan.

“Yiiee Joyce, ayan na yung prince charming mo sa labas oh.” Si Reen talaga, inasar na naman ako.

Tumingin na ko sa kanya. Kinawayan ko. Kapag kasi di ko ginawa yun, halos 30 minutes yang tatayo sa labas at makikipagtitigan sa’kin. Alam ko yun. Nangyari na sa’min e. Nung nagsabog ata yung nasa taas ng katorpehan, sinalo nito lahat. >0<

Sumenyas siya na lumapit daw ako. Like hello, lalaki dapat ang lumalapit! Naku, kung di ko lang talaga ---

“Sige diyan muna kayo. Tawag na ko e. Shammy, paturo ka na lang diyan kay Reen.”

“Kamusta?” Yan lagi una niyang tanong sa’kin pag nag-uusap kami. Hayy. Akala mo di magkatext kagabi.

“Eto, gumagawa kami ng homework sa Acco.”

“Gusto mo tulungan kita?”

“Wag na. Patapos na rin naman ako e. Wala kang klase?”

“Hmm. 10 minutes pa. Pumunta lang naman ako para yayain ka, pupunta kasi kami sa Tagaytay bukas nung family ko. Picnic and such. Pwede ka ba?”

Saturday bukas. Okay lang naman. Pero kailangan ko pa rin magpaalam.

“Sasama ka sa’kin sa bahay mamaya?”

“H-ha?”

Ayan na naman, inaatake na naman siya ng sakit niya. T0T

“Ipagpapalaam mo ko.”

“H-ha?”

“Wag kang mag-alala, kilala ka naman dun e.”

“H-ha? Pa-pano naman nangyari yun?”

“Nung hinatid mo ko nung acquaintance party, tinanong kung sino ka. Sabi ko friend ko, pero nung nagkaron ka ng lakas ng loob na tanungin ako kung pwede bang manligaw, sinabi ko na rin sa kanila yun. Gusto ka nga nilang makilala e. Sabi ko busy lang talaga tayo dito sa school.”

Psh. Nasabihan pa nga ako ng kuya ko ng ilusyunada nung sinabi ko yun e. Di naman daw talaga ‘to nanliligaw sa’kin.

“Si-sige. Samahan kita pauwi mamaya.”

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon