Chapter 26. Coincidence?

9.4K 59 16
                                        

Chapter 26. Coincidence?

We don’t need to rush things. If something’s meant to be, it will happen. In the right time, with the right person and for a best reason.

-- anonymous

[Ella’s POV]

“Himala, bakit mo dala yung kotse mo ngayon?”

“Uhm … wala lang naman.”

“Weh? Kilala kita. Di ka gagawa ng isang bagay na walang dahilan.”

Pagkatapos kong sabihin yun, nagbago yung expression niya pero ngumiti din agad. Ano meron dun sa sinabi koooo? >_<

“Osige. Para matahimik ka na. Nalaman ko rin kasi na hinahatid at sinusundo ka rin ni Ian nung wala ako at nakakotse kayo. Baka lang kasi ikumpara mo ko sa kanya.”

Sabi na nga ba may lahing detective itong si Kristoff e. Lahat alam na niya. O siya na. Ako nga di ko alam kung anong mga ginawa niya sa LA e. Alangan namang bumuntot siya ng bumuntot sa daddy niya?

Kinurot ko yung pisngi niya.

“Kristoff naman, ikaw best friend ko no! Tsaka magkaiba naman kayo ni Christian e. Ikaw, sobrang dami mo ng nagawa para sa’kin.” ^______^

“Sige na nga. Nabola mo na ko e.”

“Bola ka diyan. Di ako nambobola no!”

//

“Hello girls! Miss me?”

“Ayun, bumalik na rin ang tunay na prinsipe ng kaibigan naming mahaba ang buhok.” sabi ni Shammy

“Hehe. Nagkaroon ba ng impostor?”

“Hmm. Actually di siya impostor na prinsipe, totoo siya, may iba nga lang siyang prinsesa.” sabi naman ni Reen

Oo na po. Alam ko naman e. Kailangang ipaalala? T_T

“Pero … alam mo ba Kristoff? Muntik na masungkit ng iba yan!” sabi naman ni Joyce

Akala ko ba ako kaibigan nitong mga ‘to? E bakit ata nilalaglag nila ko. Mga abortionist. >_<

“Talaga? Sino naman?”

“Ayun. Kita mo yung lalaking nagbabasa ng accounting book?” si Shammy

Si Enzo yung tinuturo nila. Sige na. Ako na nagtaksil. Ako na masama. E pero teka, hindi naman ah! Di ko naman boyfriend si Kristoff! Tama! Di ko siya boyfriend! No need to worry. ^-^

“Siya yun?”

“Yup” silang tatlo yan

“Mas gwapo naman ako”

“May bago palang bagyo no girls?” bigla kong tanong sa kanila

“Ha? Talaga?” tanong ni Reen

“Oo. Bagyong Kristoff. Lakas ng hangin nun e!”

Tawanan naman kaming lahat. Si Kristoff nakangiti lang.

“Sige girls. Pakibantayan na lang ulit. Papasok na ko. Baka namiss na ko ng mga classmate kong babae e.” ;)

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon