Dahil gumawa ka pa talaga ng account para lang mag-comment at mag-vote. At pinabasa mo pa kay R****. =_____="
Gusto mo atang sirain ang buhay ko. HAHAHAHA. Choooos! :)))
Tuparin mo ang sinabi mong ipopromote mo 'to. ;)) Thanks ems ems ems. >:)<
I Loved You First – 5 years after
*Sabriella Elizabeth Andrade-Elizalde
“Just continue with your vitamins, Mrs. Elizalde and Mrs. Tolosa for this month. And please please lessen the stress, Mrs. Elizalde, you know it is not good for you,” sabi ni Dr. Aquino sa’ming dalawa ni Vira. 7 months na ang nakakalipas simula ng i-conceive namin ni Vira ang second child namin pareho. Tsk. Mag-best friend talaga yung dalawang yun at pati na rin kaming dalawa. Sabay na sabay. =_____=
Tumango na lang ako kay doktora habang si Vira um-oo. Gustuhin man niyang maging masaya na healthy yung baby niya, nangingibabaw pa rin siguro yung pag-aalalang nararamdaman niya para sa’kin.
Lumabas na kami ng hospital. Nakita na namin pareho yung taong naghatid sa’min dito. Nakaupo siya sa isang bench and nakatingin siya kay Vira with a very worried expression. Vira’s face broke into a very radiant smile and that’s his cue to smile too. Hindi na lang ako tumingin sa mga susunod nilang expressions. Ayokong mainggit sa kanila.
“Hi baby, so how’s our baby?” Kristoff smiled at her pregnant wife.
“She’s responding well to the medicines, mukhang maiiwasan natin yung congenital heart disease niya.” Tinry kong i-tune out yung pinag-uusapan nila pero hindi ako nagtagumpay. Don’t get me wrong. Masaya ako para sa kanila pero mas malungkot ako sa state ng relationship namin ngayon ni Christian. T____T
“Sab, ikaw okay naman ba?” I forced myself not to cry dahil naisip ko na iba sana yung nagtatanong sa’kin niyan. Hindi ang best friend ko kundi ang asawa ko.
Tumango na lang ako. Natatakot ako na baka mapaiyak ako kapag nagsalita pa ko. Hindi na sumagot si Kristoff. Sinabi niya sa’kin nun na never siya mangingialam sa mga magiging problema namin ni Christian dahil dapat daw kami ang mag-solve nun dalawa.
“Upo ka muna dito, Sab. Ihahatid ko lang si Bea sa sasakyan ah,” pagpapaalam pa niya. Inalalayan niya ko sa pag-upo then naglakad na sila papuntang parking lot ni Vira. Hindi naman kalayuan yung sasakyan pero dahil medyo delikado yung pinagbubuntis ni Vira. Konting ingat na lang din sila. She needs exercise but not too much. Ako? Emotional problem ang akin. Mahirap solusyunan.
“Mama, where’s papa?” tanong sa’kin ni Beatrice that night. Nandito ulit silang dalawa ni Topher sa kwarto namin. Gabi-gabi nila kong pinupuntahan at yan ang palagi nilang tanong.
“He’s still at work,” I answered softly.
“Work again?” Topher asked unbelievingly. Kahit ako rin naman hindi naniniwala na nasa trabaho siya. Marami na ang nagbubulong sa’kin na palagi daw nilang nakikita si Christian na may kasamang babae sa isang restaurant malapit sa office during dinnertime. “We haven’t seen him for about a month now!” pag-angal pa niya. Ganun na katagal ang panloloko niya sa’kin. Hindi ko naman siya makompronta. Kapag uuwi, madaling araw na. Kapag aalis na, umagang-umaga. Makikita ko lang siya tuwing naalimpungatan ako kapag madaling araw. Tulog na tulog, mukhang pagod na pagod. At ako naman, I don’t have the heart to wake him up from his peaceful sleep. Mahal ko e.
BINABASA MO ANG
I Loved You First
Fiksyen RemajaIs there such a thing as second chances? Find out what will happen if your 1st love left you and his bestfriend was there to catch you. READ THE PROLOGUE. ^^v
