Chapter 34. Ain't he sweet or what?

9.1K 65 33
  • Dedicated kay HIM <3
                                    

Chapter 34. Ain’t he sweet or what?

Destiny is not a matter of chance. It is a matter of choice. It is not the thing to be waited for, it is a thing to be achieved.

-- anonymous

[Ella’s POV]

“Good morning penguin!” ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa’kin. Nakahiga rin siya sa kama ko.

“Good morning” I said groggily at him. Nakahiga pa rin kami.

“Labas na tayo, let’s eat!”

“Tara” Mukha pa rin akong zombie. Inaantok pa ko. Pumikit na lang uli ako. Pero teka … bakit andito ‘to sa kwarto ko? Napabangon tuloy ako bigla.

“Ano ginagawa mo ditoooooo?”

“Psh penguin, wag ka maingay.” Nakahiga pa rin siya at nakatingin sa’kin.

“Paano ka napunta dito? At bakit mo suot yang pajama ko? Sagoooot!”

“Nanghiram lang e. Buti nga nagkasya. Damot mo naman sa boyfriend mo.”

Panong di magkakasya yan, e sira ulo yung nagtahi nung pajama kong yan, sobra daw yung tela kaya sinobrahan niya rin yung isang pajama ko. Mukha nga akong tanga pag yan ang suot ko e. >_< Tsaka teka, boyfriend daw? Ayy oo nga pala Ella, ang shungerks mo, boyfriend mo na nga pala siya. >//////<

“Hahaha. Namumula girlfriend ko oh. Kinikilig sa’kin.” Tatawa-tawa pang sabi niya. May evil thought tuloy akong naisip. >:))))

“Bakit ang cuuuuuuuuute moooooo?” sabay pisil sa dalawang pisngi niya with matching super gigil

“Aray, aray Ella, mashakit! Bitawan moooo!”

Binitawan ko na, kawawa naman siya. Baka matanggal na pisngi niya. Hinimas-himas niya yung pisngi niya. Nakatingin lang ako sa kanya at tila nagpapaawa sa’kin.

“Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ko

“Wala. Akala mo kasi diyan, hindi ka nakakasakit.” Paawa boses niya. Haha.

“Awwww. Kawawa naman boyfriend ko. Saan ba masakit?”

“Dito oh” sabay turo sa pisngi niya

“Ano kailangan gawin para mawala yung sakit?”

“Kiss mo” he smirked

Sabi na nga ba e. Palagi kong napapanood ‘to. Alam ko na gagawin ko. Unti-unti akong lumapit sa kanya pero nakaamba rin yung kamay ko, sasampalin ko siya, pero mahina lang. Hoho. ^^v

Pero imbes na siya ang magulat sa’kin, ako ang nagulat sa ginawa niya.

E pano naman kasi, nung medyo malapit na ko, bigla siyang humarap at hinalikan ako sa labi. Ayy pusa naman talaga. Nakaisa na naman sa’kin ‘to. >_<

I Loved You FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon