Prologue
"GOODBYE, Daddy," sambit niya habang nakatingin sa natutulog na ama. She is not his real daughter but he loves her like his own. Ganoon din ang damdamin niya para sa taong hindi siya pinakitaan ng kasamaan at kinupkop siya na parang tunay na anak.
Tahimik siyang lumabas sa bahay. Aalis siya ng bahay na iyon para hanapin ang kanyang tadhana. Hindi siya nakatitiyak kung ano ay ang buhay na naghihintay sa kanya pero kailangan niyang magpakatatag. Sarili na lang niya ang maaasahan niya.
Ang siyudad ng London ay maganda at progresibo pero sa isang gaya niyang palaboy-laboy ay hindi iyon totoo. Hindi siya kabilang sa karangyaan ng nasabing kilalang siyudad. Mula ng umalis siya sa kanila ay ilang beses na siyang natulog sa mga parks. Madalas siyang magutom. Ang konting pera na dala niya ay ubos na. Pero sa kabila no'n ay wala siyang planong bumalik sa dating tinitirahan. Hindi na siya pwede roon. Kalabisan na siya.
Sa gabing iyon ay sa isang park na naman siya matutulog. Dalangin niya ay sana walang magpaalis sa kanya roon. Humanap siya ng may kadilimang lugar at doon nahiga. Bago pa man siya makatulog ay may sipol na siyang narinig. Agad siyang bumangon nang makitang may pulis na patungo sa kanya. Nagmamadali siyang tumakbo. Kung saan-saan siya sumuot para lang makaiwas sa humahabol sa kanya.
May nakita siyang itim na kotse na naka-park malapit sa isang convenience store. Nang subukan niyang buksan ang pinto sa backseat ay laking tuwa niya na bumukas iyon. Pumasok siya roon at nagtago. Ilang sandali pa ay nakita niyang dumaan ang mga pulis na humahabol sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag. Humiga siya sa backseat. Napagod siya ng husto sa pagtakbo. Wala siyang balak na magtagal doon pero hinila siya ng antok kaya nakatulog siya.
Bigla siyang nagmulat nang marinig ang pagkabuhay ng makina ng kotse. Tiningnan niya ang driver. Aalis na ang kotse tapos naroon pa siya! Hindi siya pwedeng manatili roon.
"Sandali lang po!" sigaw niya na ikinagulat ng driver. Lumingon ito sa kanya.
"Sino ka? Bakit ka nandiyan?" gulat na gulat nitong tanong. Napansin agad niya na iba ang accent nito. Hindi ito tunog British.
"Eh kasi... basta, bababa na po ako," at nagmamadali siyang lumabas ng kotse. Lakad-takbo ang ginawa niya para makalayo sa kotse pero napansin niyang sinusundan siya nito. Bigla siyang kinabahana dahil baka sindikato ito at nangunguha ng mga bata para gawing sex worker o drug mule. Tumakbo siya ng mabilis pero inabutan pa rin siya nito.
"Hey wait!" sigaw ng driver. Mabilis itong nakababa sa kotse at nahabol siya. Nahawakan siya nito sa balikat kaya nagpumiglas siya. "Just wait, okay?" may inilabas itong kung ano mula sa bulsa at ipinakita sa kanya. Natigilan siya. "I'm not a bad guy."
Nakasaad sa ID na ipinakita nito na hindi ito masamang tao. Sa katunayan, ang nakalagay doon ay member ito ng US Army. Amerikano ito. "Sundalo po kayo?"
"Yes pero balak ko ng mag-retire pagkabalik ko ng US. May security and detective agency ang kaibigan kong retired army rin at balak kong magtrabaho sa kanya. Ano, may mapupuntahan ka ba?" tanong nito. Umiling siya. "Gusto mo ng trabaho? Kailangan daw ng magagaling at mabibilis na employee eh. Baka gusto mo lang naman."
"Thirteen lang po ako. Ano naman po ang magiging trabaho ng kagaya ko?"
"Agent." Parang gusto niyang matawa sa sinabi nito pero bakit nga ba hindi? Mukhang adventurous ang trabahong inaalok nito. "Don't worry. I'll train you myself. Ano nga pala ang pangalan mo?"
"Pro – Pro St. John."
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 5: Scorch Phoenix
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. To be a member of a mysterious family has an advantage, keeping a secret from his family...