Chapter Five
Scandal in Hussldren
NAYANIG ang buong pamilya Contreras nang mabalita sa buong mundo ang pagkakadawit ni F Harris sa pagkakadukot at muntik ng pagkamatay ni Princess Alxiara of Hussldren at sa nakababatang kapatid ng future queen nasi Lady Florence Hazelbrook. Dahil doon, lahat ng members ng misteryosong pamilya ay nagkita-kita sa Hussldren. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang primary suspect ay ang kilalang si Draco Contreras ng Symphonia Group of Companies.
Sa kabila ng sitwasyon ni F, alam ni S na kaya nilang sagipin at mapawalang-sala ang kuya nila. Buti na lang at tumutulong sa kanila ang mismong hari ng Hussldren na si Albert IV na matalik na kaibigan ni F. Ang hari ang nakatatandang kapatid ng prinsesa.
Kasama siya ng mga kuya niya na sina Zee at Elijah na pasukin ang pinagkulungan kay F nang palihim. May basbas iyon ng hari. Si Zee ang kumausap kay F pero naririnig nila ang usapan ng mga ito kahit nasa labas lang sila ni Elijah at siyang mga look outs.
"I tried to save the princess a day after the full moon. I was too weak –"
"Are you transforming already, F?" agad na tanong ni Zee. Hindi agad nakasagot ang Kuya F niya. "Tell me the truth. Don't you dare lie to me," Zee demanded.
"I've been transforming every full moon since I'm sixteen," pag-amin nito.
Nagkatinginan sila ni Elijah. Kahit noon pa ay masekreto na talaga si F pero walang nakapansin sa kanila na nagbabagong-anyo na ito. Magaling itong magtago ng sekreto at matagal na itong hindi nakatira kasama nila.
"Who's the lady?" Zee asked.
"The princess."
Lalo silang nagulat. Ang lagay pala ay matagal ng magkakilala ang prinsesa at ang kuya niya. Napilitang mag-kwento si F sa Kuya Zee nila. Matapos isalaysay ang mga pangyayari ay agad na silang umalis sa vicinity.
Sa utos ng hari ay hinanap nila ang tunay na culprit. Siya at si Zee ang gumawa no'n dahil linya iyon ng kanilang trabaho. For him, it was easy lalo na ang paaminin ang totoong kidnapper sa kasalanan nito. As for the mastermind of the kidnapping, ang hari na ang gumawa ng paraan para mapaamin ito gamit ang mga ibedensiyang nakalap nila. Bago pa nalitis si F, nakalabas na ito ng kulungan at malinis na ang pangalan.
Sa mga naganap, si Queen Diamond ang pinakinatakutan nila. Hindi nila ito pinakilos dahil alam nilang may destructive tendencies ito kapag ito ang pinakilos nila ukol sa issue.
"Paano na si Kuya F?" tanong niya. Kararating lang ni F sa hotel na tinutuluyan nila. Nagpasalamat ito sa ginawa nilang pagtulong pero halata sa mukha nito ang labis na lungkot dahil sa nangyari sa babaeng mahal nito. Kasalukuyan itong nasa hotel room nito.
"The princess is still comatose. Gising man ang prinsesa, imposibleng magkatuluyan sila. A royalty will only be married to another royalty, a nobleman or a productive citizen."
"Kuya F is a productive citizen!"
"Yeah pero sino lang ba ang may alam no'n? Tayo-tayo lang naman ang may alam. We cannot reveal it to the world, S. We live freely and without hassle because everything about our real lives are hidden to the public," paliwanag ni Elijah.
"The end na agad sila?" gulat niyang tanong. Walang sumagot sa tanong niya. Alam niyang nalulungkot din ang mga ito sa sinapit ni F pero walang magawa. Tumayo siya.
"Where are you going?" tanong ng kakambal niyang si Star.
"Magpapahangin lang," sagot niya saka lumabas ng hotel suite. He decided to go outside the hotel. Gabi na at medyo malamig ang panahon pero hindi siya nakakaramdam ng panlalamig. Kahit noon pa ay hindi problema sa kanya ang lamig. Maybe because his powers make him warm when it's cold. Hindi siya sigurado pero iyon ang teorya niya.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 5: Scorch Phoenix
FantasíaSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. To be a member of a mysterious family has an advantage, keeping a secret from his family...