Chapter Seven
New Mission, New Partners
NANHIHIKAB si Pro habang papunta sa agents department. Pinapatawag siya ni Blake dahil may bago siyang misyon. Matagal siyang nakatulog kagabi dahil sa mga nalaman niya tungkol kay S. Ngayon, hindi na niya pwedeng tingnan si Mr. Philips bilang boss lang kundi bilang adoptive brother din si S. Dapat sanayin niya ang sarili na umaktong walang alam. Mahirap 'yon pero pagsisikapan niyang matutunan.
"Pro!"
Nilingon ni Pro ang tumawag sa kanya. It was S. Patakbo siyang nilapitan ng lalaki na mukhang nag-aalala. Hinihingal pa ito nang maabutan siya.
"Bakit?"
"What... did... I... tell you last night?" he asked her anxiously.
"You didn't remember?" paniniyak niya.
"I did but I'm not sure if I remembered it correctly," sagot nito. "Did I... Did I really..."
"Told me about you being an adopt –"
"I did!" parang naeeskandalo nitong sabad saka lumingon sa paligid at tinitiyak na may nakarinig. "Pro, I –"
"I promised that I will never tell anyone. Nakalimutan mo ba 'yon?"
Parang nakahinga ito ng maluwag. "Thanks."
"Hindi ka kinakabahan o diskumpiyado na baka ipagsabi ko ang sekreto mo?"
S smiled. "Hindi man tayo magkasundo noon, alam ko namang hindi ka gagawa ng below the belt na paraan para matalo ako."
"Really?"
"Yeah. I know I can trust you. Mataray ka at palaban pero hindi ka traidor. Diyan ako sigurado," confident nitong sagot. Hindi siya kumibo. Hindi niya alam na kilala pala talaga nito ang ugali niya. Kung iisipin nga naman, ilang taon din silang parang aso at pusa. Malamang pinag-aralan nitong mabuti ang ugali niya gaya ng pinag-aralan niya ang ugali nito.
"Saan ka nga pala pupunta?" tanong ni S.
"Kay Sir Blake."
"Papunta rin ako doon. Sabay na tayo."
Naglakad sila ng sabay. Tahimik lang siya samantalang binabati ni S ang kahit na sino na makasalubong nila na kilala nito. Ilang sandali pa ay nasa labas na sila ng opisina ni Blake.
"Mauna ka na. Ladies' first," nakangiti nitong sabi. 'Yon nga ang ginawa niya. Naabutan niya si Blake na may hawak na folder at mukhang siya ang hinihintay.
"Good morning, Sir."
"Good morning, St. John," bati nito sa kanya. Kapag apelido ang tawag nito sa kanya, ibig sabihin ay trabaho ang pakay ng kanyang mentor. "Buti at dumating ka na. Si Montero na lang ang hinihintay natin."
"Nasa labas siya," imporma niya kay Blake.
"Gano'n ba? Papasukin mo. Kayong dalawa ang gusto kong makausap," utos nito. Tumalima naman siya s utos ni Blake at pinapasok si S na nagtataka.
"Good morning, Sir," bati ni S.
"Good morning, Montero. I have a mission for you," sabi ni Blake saka siya sinulyapan. "Actually, to the both of you." Nagkatinginan sila ni S. Iyon ang unang beses na magsasama sila sa iisang misyon. Hindi sila kailanman pinag-partner dahil sa alitan nila. "Narinig ko mula sa ibang agents na wala na raw kayong alitan. So, you don't mind working with each other, right?" paniniyak ni Blake.
Pareho silang tumango.
"Good. I want you to protect a certain person. Despite his young age, he is high-profiled. He came from a rich family and recently, his family is receiving death and kidnapping threats. His father wants the Black Stag International its best agents to protect his only child."
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 5: Scorch Phoenix
FantasíaSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. To be a member of a mysterious family has an advantage, keeping a secret from his family...