Chapter Six- New Found Friend

1.2K 72 3
                                    

Chapter Six

New Found Friend


MAHIGIT isang linggo ring hindi nakita ni Pro si S Montero sa agency. Nang umalis si General-Manager Zee Philips para sa isang importanteng transaction, pati si S Montero ay nawala rin. Matagal na niyang alam na si Zee ang tumatayong guardian ni S pero pakiramdam niya ay may higit pang nag-uugnay sa mga ito. Hinala niya ay magkamag-anak ang dalawa.

Pero mas mabuti na ring wala ito dahil payapa ang buhay niya.

"Welcome back, Montero!"

Sumimangot si Pro. Mukhang tapos na ang mga mapayapang araw niya.

"Akala namin 'di ka na babalik," sabi ni Lois.

"Uy, ano 'yang dala mo?" usisa ng isa. Nagsimula na rin siyang umalis mula sa department. Siya na lang ang iiwas. Ayaw na niyang ma-badtrip.

"Chocolate ba 'yan? Para kanino?"

Papalabas na siya ng pinto nang marinig ang boses ni S.

"Ms. St. John!" tawag nito sa kanya. Natigilan siya. Siya ba talaga ang tinawag nito? Hindi niya ito nilingon pero lumapit ito sa kanya. "Can I talk to you for a moment?"

Nilingon niya ito at pinukol ng matatalim na titig. "Bakit?"

"Hey, para ka namang papatay niyan eh."

"Depende sa pakay mo," nagbabanta niyang sagot. Huminga muna ito ng malalim bago iniabot sa kanya ang paperbag na dala. Napakunot-noo siya. "Ano 'yan?"

"A peace offering." Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Seryoso ako. Maniwala ka naman. Peace, shall we?"

"You cannot be trusted, Montero."

"Sorry na. I'm very sorry about what happened a week ago. Sorry," mahinahon at puno ng senseridad na sabi nito. Ngayon niya pa lang ito narinig na nag-sorry sa kanya. Saan ito nagpunta at para itong nag-ibang tao?

"Ano'ng nakain mo, Montero?" ayaw niya pa ring maniwala.

"Strawberry cake."

"Niloloko mo ba ako?" singhal niya rito.

"Hindi. 'Yon ang dessert ko kanina," sagot nito saka nagkamot ng ulo. "Kunin mo na please. Peace na tayo."

Nagdududa man ay tinanggap niya ang paper bag. Ngumiti ito bigla kaya nagduda siya na may iniisip itong kalokohan sa kanya. Nang buksan niya ang paper bag ay natigilan siya nang makita ang laman no'n. Tumingin siya kay S na nakangiti pa rin.

"Di ba mahilig ka sa ganyan? Noong nasa training pa tayo, may ganyan ka na naiwala mo. Nagpatulong pa ako sa kapatid ko para bilhin 'yan. Maganda raw 'yang klase at hindi madaling masira."

"Tell me Montero, may taning na ba ang buhay mo?" hindi niya maiwasang mag-alala. He laughed. "Why are you doing this?"

"It was my fault so I'm saying sorry. That's all. Peace na ba tayo?"

Kahit nagtataka ay tumango na lamang siya. His smile became wider. Nakipagkamay si S sa kanya. Nahihiwagaan talaga siya sa ikinikilos nito.


SA PAGDAAN ng mga araw ay hindi lang si Pro ang nakapansin na may kakaiba kay S. Pati ang iba nilang kasamahan ay naninibago rin dito. Masayahin pa rin naman ito pero nabawasan na ang pagiging maloko.

Isang araw, nagkayayaan ang mga taga-opisina na magpunta ng bar. Ayaw niya sana pero pinilit siya ni Lois. Nakita niyang sumama rin si S pero ng dumating sila sa bar ay nanatili ito sa counter at mag-isang uminom. Nagkakasayahan na ang lahat pero nasa isang sulok lang si S at 'di nakiki-join.

Symphonian Curse 5: Scorch PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon