Chapter Twenty-Eight- An Impromptu Marriage Proposal

1.4K 67 4
                                    

Chapter Twenty-Eight

An Impromptu Marriage Proposal


ILANG araw ng tapos ang full moon pero si F ay mukha pa ring may hangover. Binisita niya ang kuya niya at inabutan niya itong nakahiga sa sofa. For others, moving on is the best way to cure a broken heart but for them, there will be no moving on or healing from broke heart.

"Kuya, nakakain ka na?" tanong niya rito.

"No. Care to cook for me?"

"Sure." 'Yon nga ang ginawa niya. Nag-prepare siya ng brunch para rito. F took and bath and ate his meal. Gaya ng dati ay tahimik lang ito. "Kuya, isosoli ko lang 'yong mga damit na hiniram ko," aniya sabay pakita ng isang paper bag. "Pasensya na kung 'di ako nakapagpaalam."

"No biggie."

"Kuya, kailan ka babalik sa trabaho?" tanong niya.

"Bakit? Namumulubi na ba tayo?" tanong din nito. Umiling siya. "As long as naroon 'yong bruha at si Kuya Eli, everything will be fine."

"Pro and I are planning to get married next year."

"Why not marry her this year?"

"I'm not financially stable."

Umigkas ang kaliwa nitong kilay. Malamang mainis ito sa kanya kapag sinabi niyang kahawig nito si Queen Diamond. "A Contreras will never be financially unstable."

"I don't want to depend on our inherited wealth."

"So what do you have in mind?" F leaned on his chair.

"An agent's life is adventurous and great but if I would like a simple and peaceful family, hindi 'yon ang trabaho na gugustuhin ko. I am resigning from Black Stag International and if you would allow me, I would like to apply in Symphonia Group of Companies."

Ilang segundo siya nitong tinitigan na tila tinitiyak kung seryoso siya o hinihintay na ideklara niyang joke lang ang kanyang mga sinabi but no, he wasn't joking.

"You're serious," puna nito.

"I am. Pro will be staying in Black Stag but not as an agent but as a trainor. Pinakiusapan ko si Kuya Zee tungkol doon at pumayag siya. I also told him about my plan to work in SGC and he advised that I should have a mentor. Somebody who is knowledgeable about the company."

"And who's that knowledgeable person?"

"You."

"What?" nagulat ito.

"Kuya, alam mo ang pasikot-sikot sa kompanya. Ikaw lang din ang narito sa New York at wala masyadong ginagawa. Naisip ko na pwede nating gawing bonding time ang trabaho. Para naman 'di ka mag-isa rito parati," paliwanag niya. Truth was, gusto niyang may gawin ito habang hinihintay na magising ang prinsesa nito. Somehow, hindi pa rin siya sumusuko sa ideyang makakasama nito ang babaeng pinakamamahal.

"Hindi ako magiging mapagbigay sa'yo," babala nito.

Ngumiti siya. "I love challenges."

"So, kung ikakasal kayo, posibleng magka-cancel na naman ng kasal niya si Kuya Eli," nakasimangot nitong sabi. Naipaalam na niya ang balita kay Eli. Natuwa naman ang kuya nila pero isa sa mga unang sinabi nito ay ang pagka-cancel ng sariling kasal to make way for their wedding next year. He told F the news. "Sabi ko na nga ba eh."

"Sabi ko sa kanya na pwede naman niyang ituloy ang kasal nila this year pero nagpumilit siya eh. Mauna na lang daw muna ako, o ikaw, o si Star."

"Asa pa siyang ikakasal ako."

Symphonian Curse 5: Scorch PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon