Chapter Twenty-Five- Nightmares from the Past

1.3K 67 16
                                    

Chapter Twenty-Five

Nightmares from the Past


NANG MAGISING si Pro ay nasa isang mahabang couch siya. Hindi niya kwarto o sala ang lugar na iyon. Nasaan siya?

Aalis na sana siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking mahaba ang blonde na buhok at nakasuot ng damit na parang panahon pa yata ni Queen Elizabeth unang sumikat. The man was handsome but hurting. She reminded her of S' expression when she shooed him away. Hindi siya napansin ng lalaki. Deri-deritso ito sa piano na nakalagay 'di kalayuan sa kinalulugaran niya.

The door opened again and a lady with a Hispanic beautiful face wearing a Elizabethan era dress came in.

"Ganon ba talaga kahirap paniwalaan ang mga ipinahayag ko? Bakit ayaw mo akong ibigin, Jacob?" puno ng hinagpis na tanong ng babae. Natigilan si Pro at biglang naalala si S.

Pro, why? Why can't you love me?

"Maaaring mahal mo ako ngayon pero hindi magtatagal ay makakanahap ka rin ng iba at iiwan mo ako," mariin sabi ng lalaki pero halata sa mukha nito ang damdaming pilit na tinitikis. "Bata ka pa, Elaiza. Marami ka pang makikilalang higit pa sa akin." Tila narinig niya ang mga bagay na pumipigil sa kanya upang tuluyang palayain ang sarili at hayagang mahalin si S. Alam niya kasing hindi mananatili sa tabi niya si S. Makakakita ito ng higit pa sa kanya.

Yumakap si Elaiza kay Jacob. Ayaw mang aminin ng lalaki, may pagtingin din ito kay Elaiza. Ayaw lang talaga nitong sumugal at masaktan. Malamang nadala na ito sa pag-ibig.

"Hindi ako aalis, Jacob. Hindi kita iiwan. Mananatili ako sa piling mo."

"Elaiza..."

Kinabig ng babae si Jacob at maalab na hinalikan sa mga labi. Walang naging pagtutol ang lalaki, patunay na mahal nga nito ang babae. Walang ideya ang mga ito na naroon siya at nakamasid. She was as if a witness of an undying love.

Naramdaman niyang lumuluha na rin siya.


LUHAAN siya nang magising dahil sa naririnig na mga katok. Hindi niya namalayang nakatulog siya sa sala. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang kanyang panaginip pero tila ipinapaalala no'n ang mga bagay na kinatatakutan niyang gawin, ang sumugal at piliin ang dikta ng puso niya kahit masaktan. Buong buhay niya ay ngayon lang siya ulit natakot nang ganito katindi.

Narinig na naman niya ang katok. Binuksan niya ang pinto.

"You're worse than I expected," pambungad na sabi ni Blake sa kanya saka pumasok sa kanyang apartment. "Your kitchen is messy," puna nito saka kunot-noong tiningnan ang kutsilyo na nasa sahig pa rin. Ilang oras ng nakakaalis si S at hindi pa rin siya naglilinis.

Blake looked worried. "Ano ang nangyari sa inyo ni Montero?" tanong nito. Mukhang alam na nito ang nangyari sa kanila ni S.

"I don't want to talk about him, Sir."

"We should talk about him," seryoso nitong sabi. "Kung iniisip mong simpleng rejection lang ang ginawa mo, then you're wrong. You brought him his lifetime agony."

"Bakit parang ako pa ang mali?" puno ng hinanakit niyang tanong. "I am just protecting myself from a person who doesn't know how to be faithful!"

"Do you still love him?" bigla nitong tanong. Natigilan siya. Alam ni Blake kung gaano na katagal niyang pinipigilan ang sarili na mahalin si S. Mula noong teenagers pa sila, gusto na niya ang binata pero hindi niya matanggap ang pagiging womanizer nito. Naging defense mechanism niya ang madalas nilang pag-aaway. Sa ganoong paraan ay hindi niya masyadong naiisip o nararamdaman na gusto niya ito. Pilit niyang tinatabunan ng inis at galit ang lihim na pagtingin sa binata. Nagbago ang lahat nang maging magkaibigan sila.

Symphonian Curse 5: Scorch PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon