Chapter Twenty-Six- A Life Without S

1.3K 76 26
                                    

Chapter Twenty-Six

A Life Without S


SINO'NG may sabi na masaya ang umibig? Sasaksakin niya talaga.

She remembered Sari's words, that love is both joy and pain. Sana nga ang love niya ay may joy pero puro pain lang yata ang meron. Kapag naaalala niya ang pagmamakaawa ni S ay parang gusto na niyang isuko ang puso niya rito but the memories of her dad stopping her to do so. Hindi niya masisiguro na magiging faithful si S sa kanya. Kung sana may paraan 'di ba?

Nagsawa siya sa kakanood ng slasher films kaya tadtad ng mga patalim ang wall ng apartment. Ginawa niya iyong dart board at ang target niya ay ang nararamdaman niya para kay S. In short, she's stabbing and trying to kill her heart in an imaginary way. Mukhang malaki-laki ang babayaran niya sa landlady para sa pagpapaayos no'n.

Matapos niyang maibato ang huling set ng patalim sa collection niya ay nakaramdam siya ng kakaiba. Tumingin siya sa pinto. She can clearly see shadows behind the door at hindi pamilyar sa kanya ang footsteps na naririnig. Wala ibang nagtutungo sa apartment niya maliban minsan kay Blake o si S o ang landlady.

She heard three knocks on the door. Hinugot niya mula sa dingding ang dalawa sa pinakapaborito niyang punyal. Nabili niya pa ang mga iyon sa isang antique shop few years ago. Those were daggers forged a hundred years ago at according sa nagtinda ay pagmamay-ari raw iyon ng isang duke na obsessed sa black magic. Hindi niya alam kung totoo ang sinabi nito o sinabi lang nito iyon para bumili siya. The blades were one foot long, very sharp and pointed. Ang pinakamaganda sa mga daggers ay ang hawakan nito. The silver metal handles were wrapped by metal snakes that seemed to stare at her.

"Sino 'yan?" tanong niya. Walang sumagot kaya mas lalo siyang naghinala. Iniwan niyang bukas ang pinto kaya kung sakaling buksan nito iyon, sigurado siyang tatama sa noo nito ang unang dagger na ibabato niya. The door knob twisted and the door opened wide. She had the feeling na hindi friendly ang presence kaya walang pagdadalawang isip niyang ibinato ang isa sa mga punyal sa direksiyon ng pinto. Kinabahan siya nang makita ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng orange t-shirt na may print na CHB in bold letters at blue jeans na punit-punit sa tuhod. The guy has short, black hair and three piercings on his left ear. He was Hispanic. He has black, piercing eyes and handsome face. He was a fighter kung ang built ng katawan ang pagbabasehan at sigurado siyang hindi ito pang-karaniwang tao dahil hawak nito sa kaliwang kamay ang punyal na ibinato niya. He looked cunningly familiar also.

"Nice throw," anito. "Kung ordinaryo akong tao, malamang bumaon na ang punyal na ito sa noo ko. Good thing I'm not-so-ordinary." Natigilan siya nang maalala ang lalaki. Isa ito sa dalawang kasama ng ate ni S sa Paris!

The man stepped aside. Behind him was the fiercest woman she ever met. Maganda pero nakakatakot. Pakiramdam niya ay malaki ang atraso niya rito, which was true. Sa magkabilang gilid nito nakatayo ang dalawa pang lalaki. Ang isa na blue-eyed at nakasuot ng green na long-sleeved shirt ay ang kasama ng matangkad na lalaki sa Paris. Ang isa naman na ngayon niya lang nakita ay maganda ang mukha. Hispanic din ang features ng dalawa.

"Ano'ng kailangan mo sa akin?" tanong niya saka mahigpit na hinawakan ang punyal.

"Something not so important to you, I believe," malamig nitong sagot saka naglakad papasok ng apartment niya.

"Kung narito ka para siguraduhing lalayuan ko si S, nagawa ko na 'yon," aniya. Naalala niyang ayaw nito sa mga babaeng nai-involved sa mga kapatid nito.

"I know and thank you for the initiave. Unfortunately, hindi roon nagtatapos ang responsibilidad ko. More than that, I want to take away from you the things you don't deserve," mariin nitong sabi. Naguluhan siya sa sinabi nito. The woman smiled but it was a smile with evil intentions. "I want your memories of him."

Symphonian Curse 5: Scorch PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon