Chapter Seventeen
Suspicions
"ATE, wala kaming ginagawang masama," agad na sabi ni S. Pumagitna siya sa dalawang babae. Nasa likod niya si Pro samantalang pumasok ng silid ang ate niya. Kinakabahan siya kahit wala naman silang ginagawang masama ni Pro. Naka-Beast mode ito pero hindi ito sa kanya nakatitig kundi kay Pro na nasa likuran niya. Nahalata rin siguro ni Pro ang talim ng titig ng ate niya kaya wala itong imik.
"Totoo pala ang report sa akin na narito ka sa Paris at may kasamang babae," sabi ni Queen Diamond. Tunog kalmado ang boses nito pero ang itsura nito ay nagpipigil ng galit.
"Ate, we're on an undercover –"
"Imposible kayong manalo sa pageant kung hindi kayo gagamit ng connections," putol nito sa mga sasabihin niya sana. Alam nito ang motibo nila pero mukha pa rin itong galit. "Get out from this room, Ezra. Hindi ka pwedeng maabutan dito ng kahit na sino," utos nito saka tumalikod at umalis. Agad siyang sumunod sa ate niya. Naabutan niya ito sa lobby ng hotel. Hindi niya alam kung nasaan na ang mga bodyguards nito pero sigurado siyang nasa tabi-tabi lang sina Evan at Erwan.
"Ate, pasensya ka na –"
"I saw you protecting her," sabi nito saka siya hinarap. "Do you like that woman?"
"Hindi, Ate. Kaibigan ko lang po siya."
"May usapan tayo. Don't prevent nor deny love," paalala nito sa kanya.
"I know and I won't forget what you've said. I'll tell you when it happens. I promised, right?" sabi niya. Her face calmed.
"Icenberg International is a member of Symphonian Group of Companies. We have an influence in this pageant. Kung gugustuhin mo ay kaya mong i-exercise ang influence na iyon para manalo kayo sa pageant pero mukhang hindi mo 'yon balak gamitin."
"Hindi naman tayo pinalaking nakukuha agad ang gusto natin 'di ba? Si Kuya Eli, kino-kolekta niya ang mga heirlooms ng pamilya sa tamang paraan. Kung kaya niyang bilhin ay bibilhin niya. Kung kailangang paghirapan, paghihirapan niya."
"He is a great influence on you."
"Pinalaki kami ni Kuya na alam ang kahalagahan ng pagsisikap. I can still remember how he would go to work and still able to attend I and Star's stage play. He would also bake cake for our birthdays. He never missed an occasion."
"Something I haven't done," she said with bitterness.
"Malalaki na po kami pero hindi ibig sabihin ay hindi na namin kailangan ng mag-aalala sa amin. Hindi pa naman huli ang lahat." He just echoed Elisha's words.
"I doubt it."
"You're our sister."
"A sister you would never need. Good night, Ezra." Umalis na ito. Binalikan niya si Pro. Naabutan niya ang babae sa labas ng hotel room. They decided to spend time in the hotel's corridors talking.
"'Yon pala ang ate ninyo. She's scary," komento ni Pro.
"May kinatatakutan ka rin pala," nakangisi niyang sabi. Inigkasan siya ng kilay ni Pro. "Just kidding. Totoo namang scary siya lalo na para sa mga taong hindi siya gaanong kilala. Kahit 'yong iba kong mga kuya ay ilag sa kanya."
"Hindi kayo close?"
"Sad to say, lahat kami ay malayo ang loob kay Ate, maliban kina Kuya Eli at Kuya Zee. Malaki na ako nang makilala ko siya."
"Paano nangyari 'yon?"
"Ayon sa kwento, unang nagpunta sina Mama at Ate sa London nang mabalitaan nilang naaksidente si Papa. Buntis na si Mama no'n but of course, I'm sure hindi kami ni Star ang ipinagbubuntis niya," aniya. Walang komento si Pro kaya nagpatuloy siya. "Nalaman nila na namatay nga si Papa sa aksidente. Tanging sina Mama at Ate lang ang nasa London. Nasa Spain naman sina kuya. Dahil sa biglaang pagpanaw ni Papa, hindi naging maganda ang pagbubuntis ni Mama kaya nanatili siya sa London. Si Ate ang nag-alaga sa kanya roon hanggang sa manganak siya. Nang bumalik sila sa Spain ay kami na ni Star ang dala nila."
"So, paano kayo hindi naging close sa ate ninyo?"
"It happened after namatay si Mama. Mama suffered depression and few months after giving birth, she died too. Sabi ni Kuya Elisha, simula raw noon ay naging distant si Ate sa amin. Sabi naman ni Kuya Eli ay 'yon daw ang mga panahong nagbago si Ate. Nagtalo pa nga raw sila ni Ate. Dahil sa pagbabago niya at sa sunod-sunod na dagok sa pamilya, nagdesisyon si Kuya Eli na mag-migrate kami sa London without her. Since then, si Kuya Eli na ang nagtaguyod sa amin," kwento niya.
"Kailan niyo siya nakilala?"
"I was eight when I first saw her. Eight years silang hindi nagkausap ni Kuya Eli. Nagulat nga kami ni Star na meron pala kaming ate. Sina Kuya Elisha at Elijah naman ay konti lang ang naaalala tungkol sa kanya while my Kuya F doesn't remember her at all."
"So hindi rin pala ipinaalam sa inyo na may ate kayo?"
"Parang ganon na nga. Talking about her before seemed a taboo. Wala rin akong nakitang picture niya. Mukha kasing ginusto talaga nina Kuya na kalimutan siya. They used to be close to each other and Kuya Eli loves her so much," paliwanag niya.
"Pero nagawa ng kuya ninyo na ilayo kayo sa ate ninyo."
"Siguro dahil minsan ay napugto ni Ate ang pasensya ni Kuya Eli. Whatever the issues between them before ay ayaw ng pag-usapan ng mga kuya namin ngayon. I guess hindi naman talaga nawala ang pagmamahal ni Kuya Eli kay Ate kahit nagkaroon sila ng misunderstandings noon. I can still remember him telling me that a lady with a cold heart rules us even in absence. Sigurado akong si Ate ang tinutukoy niya."
"Kanina, 'yong tingin niya ay parang tingin ng isang taong aagawan ng importanteng bagay. It's as if she is telling me to back off."
"Gano'n talaga siya. 'Yong tatlo kong sisters-in-law ay higit pa sa nakamamatay na titig ang ibinigay niya. Akala kasi niya ay meron tayong sexual relationship at bawal 'yon sa amin," sabi niya. Pro looked unconvinced. "Seryoso!"
"Ano ang ibang alyas ng ate mo? I mean, King of Aces is Eli Aragon. Black Stag is Zee Philips. So, who is Queen Diamond?"
"Honestly? Hindi ko rin alam ang tunay niyang pangalan. Hindi 'yon nababanggit ng mga kuya ko. Ano nga kaya?" tanong din niya sa sarili. Napatanga si Pro. Wala rin talaga kasi siyang ideya kung ano ang tunay na pangalan ng ate niya.
NANG pumasok si Evan sa hotel room nila ay agad itong nag-report sa kanya. Inutusan niya itong matiyagan ang mga kilos nina S at ng partner nito.
"They're seemed friends, Mi' Lady. Wala akong napansing sweetness sa kanila. It's possible that they will end up together, though. Master S is good-looking while Miss St. John is also beautiful. But as of now, I don't think they love each other."
"S is protective of her."
"They're partners in this mission."
"And that lady... she likes Ezra," seryoso niyang sabi. Alam na alam niya kung paano tumingin ang isang babaeng may gusto sa isang lalaki. "She likes Ezra but she also despises him. I don't like her."
Kumunot ang noo ni Evan. "I don't understand, Mi' lady."
"I want you to know everything about her and when I say everything, I mean everything. Report to me immediately. Wala kang pagsasabihan na kahit na sino, ako lang. Maliwanag?"
Tumango ito. "Yes, Mi' Lady."
"Gusto kong makilala ng husto ang babaeng posibleng manakit kay Ezra. Sa dami ng mga nangyari sa makalipas na mga buwan, hindi na ako papayag na maging huli sa balita. Ako ang unang dapat makaalam at bago pa may mangyaring masama ay uunahan ko na ang kapalaran. I can't sit here and do nothing," matigas niyang sabi. Ang malusutan na naman ng isang babae ang kahuli-hulihang bagay na nanaisin niya.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 5: Scorch Phoenix
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. To be a member of a mysterious family has an advantage, keeping a secret from his family...