Chapter Twenty-Seven
Scorch Phoenix
I AM the stupidest person in the world.
Kulang-kulang limampung beses na niyang nasasabi ang mga iyon sa kanyang sarili habang patungo sa apartment ni S. Nadagdagan ang kwenta niya nang malamang wala roon ang lalaki. Saan ito posibleng nagtungo?
Una niyang pinuntahan ang bahay ng mag-asawang Zee at Yñez. Ikwenento niya sa mga ito ang nangyari kanina with Queen Diamond. Zee was so serious while Yñez looked really worried. After the conversation, Zee called his other brother F to ask for help. Tinulungan siya ng mga ito na hanapin ni S. They did not scold or punish her for driving S away. Walang itinanong ang mga ito.
Pinuntahan nila ang mga lugar na madalas na puntahan ni S pero hindi nila ito nakita. Every hour ay kino-contact ni Zee si F para makibalita. Gumagawa ng sariling paghahanap ang huli. That was the first day of their search. On the next day, Zee and F weren't able to continue. Zee was sick. Nanghihina ito at namumutla nang puntahan niya sa bahay nito.
"Pro, puntahan mo si F. He phoned me earlier pero masyado siyang nanghihina para makipag-usap sa akin nang matagal," sabi ni Zee. Yñez was there, looking at her husband worriedly pero tila walang magawa.
"Sir, ayos lang po kayo?" tanong niya.
Zee smiled weakly. "If you would be S' wife in the future, get used to it. After all, you will be seeing him like this every month."
Hindi siya nakakibo pero naalala niya ang kwento ni S tungkol sa sumpa ng pamilya nito. Noon ay hindi niya pinaniwalaan ang kwentong iyon, ngayon ay naniniwala na siya. There's no way that Zee Philips will be joking about a monthly family illness. It was almost impossible but she's looking at the evidence. After talking to Zee, she immediately went to F's house. Naabutan niya si F sa sala. Mahina , namumutla at parang mahihimatay na yata.
"Mr. Harris, are you all right?" nag-aalala niyang tanong.
"You may think I'm dying but I'm not. I can manage my monthly illness even I'm alone. I just don't think S can handle his. It will be his first time. He will need you," anito habang nakahiga sa sofa at nakapikit.
"Nakita mo na siya?"
"Sorry kung nahirapan kayong hanapin siya kahapon. Nakapangako kasi akong hindi ko siya ibubuko," sagot nito. Alam pala nito kung nasaan si S. "I realized that I don't want him to be alone, like me," he bitterly said. "I usually tell him that his fashion sense is rubbish but I love the guy, seriously, just like the rest of my siblings, except that dictatorial witch, of course. She's messing everybody's life."
Gusto niya sanang sabihin na tinulungan siya ng 'dictatorial witch' pero 'di na lang siya kumibo. F opened his eyes and stared at her. Kinabahan siya dahil nag-iba ang mga mata nito. His eyes were yellowish-green and slitted, just like most of the reptiles.
"Malapit dito ay isang abandoned land. He told me it is safe. Puntahan mo siya roon."
"O-okay."
"Please don't mess this time," anito saka muling pumikit. Nagpasalamat siya rito saka umalis. Sakay ng motor ay pinuntahan niya ang tinutukoy na lugar ni F. Ang inakala niyang malapit ay hindi pala gano'n kalapit. Almost half hour ang layo ng lugar na iyon mula sa bahay ni F. Puro talahib ang unang bumulagta sa kanya.
"S? S, nandito ka ba?" sigaw niya saka naglakad sa talahiban. Hinanap niya ito. Hindi niya namalayang malayo na siya nang nalalakad. She was shouting S' name.
"S! S –Ahhhhhh!" sigaw niya nang wala na siyang naapakan pa. It was a cliff! Tuloy-tuloy na sana siya sa pagdausdos pababa kung hindi siya nakahawak sa matataas na talahib. Nagawa niyang iakyat ang sarili. Hinihingal siya nang makaupo sa ligtas na lugar. She discovered na napakalalim pala ng posible niyang hulugan. She almost died and if she did, she would have died alone.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 5: Scorch Phoenix
FantasíaSymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. To be a member of a mysterious family has an advantage, keeping a secret from his family...