Chapter Sixteen- The Pre-Pageant

1.1K 59 8
                                    

Chapter Sixteen

The Pre-Pageant


MARAMING training na pinagdaanan si Pro mula sa kakambal ni S. Muntik na siyang sumuko dahil hindi niya halos kinaya ang pagsusuot ng high heels pero pinapaalala parati ni Star sa kanya kung ano ang goal nila.

"You're doing this because of duty. I am committed to teach you what you should do and what you should become when you join the pageant. Don't waste our time and effort."

Inakala ni Pro noon na isang rich, spoiled brat si Star pero nagkamali siya nang husto. Determinado itong tao at istrikta. Fashionista ito at medyo childish kapag hindi nila training pero kapag oras ng ensayo ay para itong strict teacher. Si Star din ang kasa-kasama niya noong mag-screening para sa pageant. Through Star, nagawa niyang ma-overcome ang hiya. Isa rin siya sa mga napiling candidates. Dahil sa pagkakapasok siya sa pageant ay mas lalo niyang pinag-igihan ang kanyang trainings. Si S naman ay sinasamahan sila sa mga pinupuntahan nila. Ito ang driver, chaperone at taga-buhat ng mga gamit niya.

After few weeks in Paris, Pro was officially in the pageant together with twenty-four candidates. Few days before the pageant night, lahat ng kandidata ay kinailangang sumailalam sa pre-pageant competitions such as the talent and sports wear. Napaghandaan na nila iyon and so far, maayos niyang nagagampanan ang undercover niya bilang isa sa mga candidates ng Venus. May mga photoshoots din siyang pinuntahan and S was with her in those times pero naka-undercover din ito bilang P.A. niya. Allowed lang na magsama ng isang tao ang kada-candidates.

Doon din napatunayan ni Pro na kahit hindi gustuhin ni S ay nakaka-attract talaga ito ng mga babae. Most of the time ay tahimik lang ito sa isang tabi pero napapansin pa rin talaga ito ng mga babae lalo na ng ibang mga kandidata.

"That man is so hot!" komento ni Natasha, isa sa mga kandidata. Katatapos lang ng photoshoot nila para sa online votings at karamihan sa kanila ay nasa dressing room para makapagpalit ng damit.

"You mean Proserfina's personal assistant?" tanong ni Gertrude saka tumingin sa kanya. Proserfina Shieldon ang pangalan niya roon. Tumango si Natasha. Ang ibang mga kandidata na nakakapansin din pala kay S ay naki-usyoso at tinanong siya tungkol sa kanyang P.A. kuno.

"He's gay," aniya.

"What?" bulalas ng iba. Others were speechless and disappointed.

"Yes. Sorry ladies. He likes men," sabi niya. 'Yon lang ang naisip niyang paraan para hindi na pagka-interesan ng mga babae si S. Ewan ba at naiinis siya sa interes na ipinapakita ng mga ito sa partner niya kahit na nga ba hindi naman pinapansin ni S ang mga ito. Focused kasi sa mission si S kaya madalas itong seryoso ngayon.

Nauna na siyang lumabas sa dressing room matapos magbihis. Iyon na ang huli nilang activity kaya makakabalik na sila sa hotel na kasalukuyang tinitirahan ng mga kandidata. Nasalubong niya si S. Dala nito ang mga gamit niya.

"O, bakit parang wala ka sa mood?" tanong nito.

"Wala."

Dumaan ang ilang mga kandidata sa tabi nila at tumingin kay S. "Ano ang problema ng mga iyon?" nagtataka nitong tanong.

"Pagod lang siguro. Let's go." Hinding-hindi niya sasabihin dito na ipinagkalat niyang bakla ito. Baka magalit pa ito sa kanya.


NAPASANDAL si S sa headboard ng kama habang nakatingin sa online voting status ng mga Venus candidates. Nangunguna sa votings online si Megan Xalvia, ang roommate ni Pro. Pro is in the sixth place. Posible pang mabago ang status dahil may ilang araw pa bago ang pageant night. Ina-update niya rin sina Eli at Debbie sa mga nangyayari sa pageant while paminsan-minsan ay nakikibalita si Star sa kanila.

Symphonian Curse 5: Scorch PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon