Chapter Nine
Defiance
BUONG buhay ni Pro ay sumunod siya sa mga rules, except this time. To grant a lonely child's request, heto at pumuslit sila mula sa mansiyon ng mga Bradley. Ang alam ng lahat ay nasa library lang silang tatlo at nagtatrabaho pero ang totoo ay nakapuslit na sila. Mariin ang bilin ni Lear sa butler na huwag silang iistorbohin sa library dahil may 'intense research' silang ginagawa. Lear locked the library from the inside para hindi nga mabuksan ng iba. May secret door mula sa library hanggang sa room ni Lear. Sa kwarto ng binatilyo sila lumabas.
They found a way to escape from the mansion's security. Madali lang para kay Lear na manipulahin ang mga security cameras. He can actually go out from his house without any help pero dahil ayaw naman nitong mapagalitan ng Daddy nito ay hindi talaga nito sinubukang tumakas, maliban ngayon.
They need to be back before lunch time, though. Sa oras kasing iyon ay sigurado silang mangungulit ang butler na maghatid ng pagkain. Hindi alam ni Pro kung paano nagawan ni S ng paraan para makapasok sila ng maaga sa oceanarium. Nagbubukas ang oceanarium ng alas-nuwebe pero alas-otso pa lang ay pinapasok na sila. Wala pang tao no'n. Nang tanungin niya si S patungkol doon ay nginisihan lang siya ng lalaki.
Lear's expression was priceless while watching the marine creatures swimming inside the huge glass aquarium. Para hindi makilala ay nakasuot ng bull cap at eyeglasses ang binatilyo. Pinagsuot din nila ito ng wig na kulay itim. Kahit papaano ay naramdaman ni Pro na may tama sa mga ginawa nila ni S. Hindi mapapalitan ng kahit na ano'ng kayamanan ang ngiti at tuwa sa mukha ng binatilyo habang pinapanood ang mga isda at iba pang marine animals.
"Can I take pictures?" tanong ni Lear sa kanila. S nodded. Kinunan nito ang mga kakaibang mga marine animals na nakikita gamit ang cellphone nito. Tahimik nila itong sinusundan ni S.
"Kukunan kita ng picture," volunteer ni S. Kinunan nito ng picture si Lear habang may malaking stingray na lumalangoy sa likuran nito. "Pro, sali ka." She joined and posed with Lear. "Maganda," S commented while looking at the picture.
"'Yong stingray o si Pro?" nanunuksong tanong ni Lear. Kumunot ang noo niya.
"Siyempre 'yong stingray," nakangising sagot ni S. Parang gusto niyang pag-untugin ang ulo ng dalawa. Siya kasi ang pinagkakatuwaan ng mga ito. Pero isasantabi na muna niya ang inis dahil masaya siyang makita si Lear na nag-e-enjoy. Madalas din itong ngumiti ngayon.
Alas-diyes nang mag-umpisa ang dolphin show. Nanood sila. Tuwang-tuwa si Lear and they made a selfie while watching. Pakana na naman ni S and selfie. Remembrance raw. Malapit ng mag-alas onse nang umalis sila sa oceanarium at bumibiyahe na pabalik ng mansiyon. Gustuhin man nila na magtagal ay hindi pwede.
"Makakabalik pa kaya ako doon?" tanong ni Lear habang nasa taxi sila.
"Oo naman," sagot ni S.
"Pero kailangan may consent na ng Daddy mo," paalala niya. Lear nodded. Huminto ang taxi ilang metro mula sa mansiyon. Kung saan sila dumaan kanina nang lumabas ay iyon din ang dinaanan nila pabalik sa loob. They went back to the library unseen. They were laughing when they were inside the library again. Hinubad ni Lear lahat ng disguises nito.
"That was... fun," natutuwa nitong sabi.
"What was fun?"
Lahat sila ay napabaling sa nagsalita. Kilala nila ni S ang lalaking nakaupo sa swivel chair ni Lear. Namutla si Lear habang nakatitig sa lalaking nakasuot ng business suit at seryosong nakatingin sa kanila. Mostly ay wala ito sa mansiyon pero sa lahat naman ng araw, bakit ngayon pa nito naisipang umuwi?
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 5: Scorch Phoenix
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. To be a member of a mysterious family has an advantage, keeping a secret from his family...