Chapter Nineteen
The Rewards
LONDON, ENGLAND.
The mission was a success pero balita sa buong France ang biglang paglaho ng winner na parang bula. After the pageant, hindi na ito muling nakita. Wala ring makapagturo kung nasaan na ito. Lumabas din ang mga haka-hakang na ang dinala nitong identity ay hindi talaga totoo. Iyon naman talaga ang plano sa simula pa lang. Isa lang talaga ang pakay nila, ang headdress.
Surprisingly, Estefania Icenberg didn't care about the truth. Para bang ayos lang dito ang lahat as long as wala na sa possession nito ang headdress at in-anunsyo pa nito na wala ng 'Venus' sa susunod na taon at kailanman. After a week, Estefania got divorced at ang tungkol na sa divorce ng babae ang naging headlines sa Paris.
"Sayang ang car," malungkot na sabi ni S habang nakaupo sila sa receiving room ng Sleepless Mansion. Nasa usapan na hindi nila iki-claim ang kotse at prize money since nagpapanggap lang naman sila. Matutunton lang sila kapag kinuha nila ang premyong iyon maliban sa headdress kaya hinayaan na lang nila.
"You can buy a car," aniya.
"Iba pa rin 'yon eh," angil nito. "Sayang!"
Hindi siya kumibo. She saw her reflection on a mirror in the room. Walang mag-iisip na siya ang contestant na nanalo sa Venus. Balik na sa dati ang ala-lalaki niyang damit. Noong sumali siya sa contest ay kinulayan niya ang buhok niya ng pula pero ngayon ay itim na ulit ang kanyang buhok at maikli na. Sabi ni Star ay bagay daw sa kanya.
"Ikaw pa talaga ang nasasayangan ha?" tanong niya.
"Ikaw ba hindi?"
"Ang mahalaga sa akin ay natapos ang misyon at nakuha natin ang headdress."
Sabay silang napatingin sa may pinto nang pumasok si Eli na malapad ang pagkakangiti. Kahawak-kamay nito si Debbie.
"Hello guys! Good to see you again," bati ni Eli. "Naitago na namin ang headdress sa isang safe na lugar at uumpisahan na iyong pag-aralan ni Debbie ko. Good job to both of you."
"Nice hair," sabi ni Debbie sa kanya.
"Thanks."
"So, pag-usapan natin ang reward ninyo," sabi ni Eli saka siya tiningnan. "We owe you a lot, Pro. Kung hindi sa napakagaling mong sagot sa Q and A, hindi natin makukuha ang headdress."
"Wala ka bang kinalaman sa pagkakapanalo niya, Kuya?" usisa ni S.
Kumunot ang noo ni Eli. "Wala. Honestly, isa sa mga plano ko ay i-bribe ang mga judges sakaling makita ko na mahihirapan si Pro na makapasok sa top five pero hindi na pala iyon kailangan kasi she was fated to win the pageant."
"The judges were pleased by your answer," dagdag pa ni Debbie.
"Luck," aniya.
"No. It's destiny," sabi ni Eli na nakangiti na ulit. "Pro, supposedly dapat may hundred thousand dollars kang panalo sa pageant pero di mo nakuha. As a payment and a reward, I'll double the prize for you."
Nanlaki ang kanyang mga mata. "Seriously?"
"Yes and you deserve it."
Pumalakpak si S. "Ang galing. Congrats!" bati nito sa kanya. "Eh ako kuya?"
"Nagpasok na ako ng pera sa account mo."
Nawala ang ngiti ni S. "Pera?"
"Bakit? May inaasahan ka pa ba? Si Pro naman ang pinakanaghirap sa misyon kaya sa kanya na ang mas malaking parte."
"Walang ibang ano?"
"Ano'ng ano? Ang gulo mo naman," sabi ni Eli sabay kuha sa sariling cellphone at may tiningnan. "S, may binili akong bagong kotse," nakangising sabi ni Eli sabay pakita ng picture sa kanila. It was a flaming red, brand new car from a famous car company. Sumimangot si S. "Ang cool nito 'di ba? Ito 'yong latest model nila and it's kinda expensive."
"Nagpapa-inggit," nanunulis ang nguso na bulong ni S. "Ang daya."
"Ano sa tingin mo, Pro? Maganda 'di ba?" tanong ni Eli sa kanya sabay kindat. Tumango siya kahit na nga ba nahihiwagaan. "Naipa-deliver ko na ito sa New York at sigurado akong matutuwa ng husto ang gagamit nito." Eli took something from his pocket and threw it to S. Nasalo agad iyon ni S. It was a key.
"What's this?" maang na tanong ni S.
"It's your prize."
"Seryoso?" paniniyak ni S. Nakangiting tumango si Eli. Tuwang-tuwa na niyakap ni S ang kuya nito. Alam ni Pro kung gaano ka-pinapangarap ni S ang isang kotse at nakuha na nito iyon. "The best ka talaga, Kuya! I love you!"
"Oo na."
Matapos yakapin si Eli ay siya naman ang napagbuntunan nito ng kaligayahan. He hugged her tight. "Ikaw ang swerte sa buhay ko!" and he kissed her on the cheek. Nagulat siya sa ginawa nito pati na sina Eli at Debbie pero masyadong masaya si S para intindihin ang gulat nila. Malakas niya itong sinapak sa balikat. "Aray naman!"
"Tumigil ka na," banta niya rito. Sa halip na tumigil ay ngumisi lang si S.
"Siya nga pala Pro, may sinabi si Zee sa akin," sabi ni Eli. "Sabi niya may motorsiklo ka raw na limang taon mo ng ginagamit. Ayos lang ba kung palitan ko 'yon?"
"Huh?" napatanga siya. Inabutan siya ng isang maliit na box ni Debbie. Nang buksan niya iyon ay nakita niyang susi ang laman. Then Eli showed her a picture of latest model of a motocycle and it was her dreamed big bike!
"Ayos lang ba 'yan as a bonus?" tanong ni Eli.
"It's more than I can ask for!" masaya niyang sabi. "Thank you, Mr. Aragon," tumayo siya at kinamayan ito. "Salamat po ng marami."
"You deserve it. Naipa-deliver ko na rin 'yan sa New York."
"Oh yeah!" tuwang-tuwa na sigaw ni S. Nang makaalis sina Eli at Debbie ay saka pa lang siya napasigaw nang malakas sa sobrang tuwa. Ito na yata ang pinakamalaking blessing na dumating sa kanya. Lahat ng pinagpaguran niya ay nasuklian.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 5: Scorch Phoenix
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. To be a member of a mysterious family has an advantage, keeping a secret from his family...