Chapter Twenty-Four - To Love and Being Unloved

1.4K 68 17
                                    

Chapter Twenty-Four

To Love and Being Unloved


ILANG araw na silang nakakabalik sa New York City matapos ang isang linggong bakasyon sa Pilipinas. Out of more than thirty games, Lear finally beat Elisha once. They saw how Lear used all the chess strategies he knew just to defeat Elisha pero talagang magaling ang lalaki at hindi rin talaga nagpatalo. Lagpas isang oras ang bawat laban ng mga ito at nagpapahinga lang kapag meal time o magto-toilet. Gumugol sila ng apat na araw para lang sa chess match. Ang natirang mga araw ay iginugol nila sa pamamasyal kasama ang mga kapatid ni S. Lear was satisfied with his game because he tried his best. He was thankful to Elisha for the match.

Dahil sa kakabiyahe ay marami siyang mga pagkain na inabutan na ng expiration date kaya matapos mag-general cleaning ay nagpunta siya ng grocery store. Habang busy sa pamimili ay nakita niya si S na may tulak-tulak na walang lamang cart.

Mula ng dumating sila sa New York ay ngayon niya pa ito nakita ulit. Matapos silang maghiwalay ng landas sa airport ay ni hindi ito tumawag sa kanya o nagyayang gumimik o mag-road trip. Masayang-masaya ito sa Pilipinas kasama ang pamilya nito at okay naman sila pero matapos iyon ay parang walang nangyari. Sa lalim ng iniisip nito ay ni hindi nito napansin ang paglapit niya. Nagulat tuloy ito.

"Pro! Ano'ng ginagawa mo rito?" para itong nakakita ng multo.

"Obvious ba? Namimili. Ikaw yata ang walang ginagawa," taas ang kaliwang kilay na sabi niya sabay sulyap sa walang laman na push cart.

"Ah, wala pa akong maisip na bibilhin eh," anito saka nagkamot ng batok. Nagtaka siya saka tinitigan ito nang maigi. May stubbles ito at medyo magulo ang may kahabaang buhok.

Parati naman itong clean shaved noon at maayos tingnan kahit paano.

"Ayos ka lang?" usisa niya rito.

"Medyo napuyat lang ako kagabi," anito saka tipid na ngumiti.

"Sabi mo eh," aniya saka akmang aalis.

"Aalis ka na?" tanong nito.

"Obviously." Gusto niya talagang makausap ito nang matagal pero pinigil niya ang sarili. Kailangan niyang bigyan ng bounderies ang sarili niya. Hindi pa rin nawawala ang lihim niyang pagtingin sa binata kaya kahit mahirap ay gugustuhin na rin niyang huwag muna itong makita.

"Pwedeng sumama?"

"What?" nagulat siya.

"Wala kasi akong ginagawa eh," alanganin nitong sabi.

"Bakit 'di ka mamasyal? O maghanap ng babae," nakasimangot niyang suhestiyon. Napansin niya ang biglang pagtiim ng bagang ni S.

"I'm talking to a woman now," pamemelosopo nito.

"Except me," mariin niyang sagot. Para itong nasindak pero hindi kumibo. Kakaiba talaga ang ikinikilos nito. "May problema ka ba?"

"Wala. Bored lang talaga ako."

"Like I said, maghanap ka ng pagkakaabalahan mo," aniya saka ito tinalikuran at iniwan. Hindi naman siya nito pinigilan. Malayo na siya kay S nang makatanggap ng text mula kay Blake. Nagtaka siya dahil hindi mahilig sa text ang guardian niya at wala siyang maisip na dahilan para i-text siya nito. Ilang buwan na silang hindi nagkakausap o nagkikita mula ng ma-suspended siya. Nang basahin niya ang text ay lalo siyang nagtaka.

Search for Montero. Don't leave him alone.

Muli niyang binalingan si S na nasa kinatatayuan pa rin nito at malayo ang tingin. Meron talaga siyang nararamdamang hindi maganda. Sa huli, nagdesisyon siyang balikan ang lalaki.

Symphonian Curse 5: Scorch PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon