Chapter Twenty- Chess and Tell

1.3K 64 4
                                    

Chapter Twenty

Chess and Tell


ILANG araw na silang nakakabalik ng New York City. Gaya ng inaasahan ay tuwang-tuwa silang pareho sa natanggap nilang reward mula sa latest nilang mission. Bagamat mami-miss ni Pro ang luma niyang motorsiklo, natutuwa naman siya sa bago.

Sa araw na iyon ay napag-usapan nila ni S na magkita sa diner na madalas nilang tambayan. Since suspended pa rin sila at kakatapos lang ng latest nilang misyon, nag-desisyon silang magpahinga na muna.

Napangisi si Pro nang makita ang isang flaming red na kotse sa labas ng diner. Kilala na niya agad ang may-ari. Sa tabi ng kotse niya ipinark ang kanyang motorsiklo. Nakita niya si S at agad na nilapitan. Ilang sandali pa ay kumakain na sila at nagke-kwentuhan.

Kung merong makakakita sa kanila, hindi talaga mag-iisip na mag-boyfriend sila o nagdi-date dahil dinaig pa niya ang siga sa porma niya. Nang makita nga siya ni S kanina ay ngumiwi ito. She was wearing her usual t-shirt, pants and boots.

"Hanggang ngayon, hirap akong paniwalaan na ikaw at 'yong nanalo sa pageant ay iisa," sabi nito habang nakatitig sa kanya.

"Eh de 'wag mong paniwalaan. Mahirap ba 'yon?"

Ngumiti ito. "Pero mas gusto ko na 'yang balot na balot ka kesa halos wala kang suot at pinagnanasaan ka ng mga lalaki."

"Kailan ka pa naging gentleman?" nakangisi niyang tanong bagamat lihim siyang natuwa sa sinabi nito.

"Ayokong binabastos ang kaibigan ko."

"Sabi mo eh," nagkibit-balikat siya. "Bakit ka nga pala nakipagkita sa akin?"

"May bago tayong raket."

Inigkasan niya ito ng kilay. "Ayoko na ng beauty pageant."

"Hindi pageant ang raket natin. Maghahanap tayo ng bahay na may malaking basement," anito. Nagulat siya. "Darating kasi ang Kuya F ko at kailangan niya ng matutuluyan. Kailangan na malaki raw at may malaking basement. Kailangan din 'yong malayo sa siyudad at 'di gaanong matao since may pagka-loner 'yon at naiinis sa maingay na kapit-bahay."

"Who's F?"

"Draco," bulong nito. She understood immediately. Kilala ang Contreras na may taglay na bansag na 'Draco'. Sa Europe raw iyon naglalagi pero kung tama si S, mukhang maninirahan na sa Amerika si Draco.

Magtatanong pa sana siya nang mag-ring ang kanyang cellphone. When she answered it, she found out na si Lear iyon. Matagal na niyang alam na nakabalik na ito ng New York. Hindi pa niya ito nakikita ulit after Lear and his father had a vacation pero madalas siya nitong tini-text sa mga nangyayari rito.

"Napatawag ka?" tanong niya.

"May problema ako. Pwede mo ba akong puntahan dito sa bahay?"

"May lalakarin kami ni S."

"Kasama mo si S?" there was happiness in his voice. "Punta kayo rito sa bahay please."

"I'll ask him first," aniya saka binalingan si S at sinabi ang pakay. Pumayag si S sa gusto ni Lear. They ended up going to Lear's house. Pinapasok naman sila agad ng butler. Dire-diretso sila sa library kung saan nila inabutan si Lear na nakaharap sa chess board nito. Mukhang naglalaro na naman ito ng chess nang mag-isa. Agad itong lumapit sa kanila at niyakap sila. He looked happy. Mukhang naging maayos ang bakasyon nito kasama ang daddy nito.

"Good to see you again!" natutuwa nitong sabi. "Are you dating already?"

"What?" nagkasabay pa sila ni S.

Symphonian Curse 5: Scorch PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon