Chapter Twenty-Nine- The Best Wedding Gift

1.5K 68 9
                                    

Chapter Twenty-Nine

The Best Wedding Gift


SA ISANG chapel sa New York City gaganapin ang kasal nina S at Pro. Thirty minutes before ang kasal, ang bride na lamang ang hinihintay. Sa lahat ng kasal ng mga Contreras, iyon pa lang ang hindi pribado. Kadalasang bisita ay kasamahan nina S at Pro sa Black Stag. Officially ay hindi na kabilang si S sa Black Stag pero hindi nawala ang koneksiyon nito sa kompanya lalo pa at naroon pa rin naman si Pro. Bagamat handa na ang lahat ay hindi mapakali si S.

Nag-beep ang cellphone niya. Tuwang-tuwa siya nang makitang nag-text ang ate niya at pinapalabas siya ng chapel. Nag-excuse siya sandali at agad na lumabas. Nagpunta siya sa bandang likuran ng chapel kung saan naroon ang kotse ng ate niya.

Bumaba ang tinted window sa backseat. He was glad to see her bago siya ikasal. After helping him a year ago ay hindi na niya ito nakita pa bagamat may mga pagkakataong nagkakausap sila sa phone. He missed her a lot. Nagmano siya rito.

"You look good and happy," sabi nito. He was wearing a white tuxedo with a hot, pink bow tie. "Congratulations."

"Thank you. Please stay and watch my wedding."

"I can't. May hinahabol akong flight," anito. Hindi na lamang siya nagpumilit dahil alam niya ang tunay nitong dahilan. "I'm just here to give you this," isang velvet box ang iniabot nito sa kanya. Tinanggap niya iyon. "You're doing good in the company. Keep it up."

"Magaling kasi ang mentor kong si Kuya F. Ate, pwedeng humingi ng wedding gift?"

"Ask anything as long as it is possible and not beyond by ability," sagot nito.

"The princess of Hussldren is already awake. Despite Kuya F's stubbornness, he still our brother and it hurts me seeing him alone. I want him to be happy. I believe you can do something about it and you love us more than we can think of," pakiusap niya. Sa loob ng maikling panahong pagsasanay niya kasama si F, nakita niya ang husay at galing nito sa negosyo pati na ang lungkot at paghihirap nito. His kind of discipline might be a bit harsh but S learned a lot from his bitter brother. He even chose F to be his best man.

"Consider it done."

"Oh thank you!" bulalas niya. Ilang sandali pa ay umalis na ito lulan ng kotse. Nagmamadali siyang bumalik sa chapel na masaya. He felt happier when he saw Pro's foster father Julian and his daughter Liz. The young lady was very beautiful. Ilang beses nila itong dinalaw ni Pro sa London and even invited them for the wedding. Liz was Pro's maid-of-honor.

"So this is the beautiful maid-of-honor," Star approached them. "You look beautiful on the gown I designed for you."

"You designed this?" namilog ang asul na mga mata ng dalagita. "Cool."

"Star, siya si Liz, sister ni Pro. Siya naman si Julian, dad ni Pro," pakilala niya sa mga bisita. "Julian, Liz, this is my twin-sister, Star."

Nag-handshake ang mga ito. Siya namang pagdaan ni Eli kanina pa kumukuha ng wedding footages. Ipinakilala na rin niya ang mga ito sa mga bisita ni Pro.

"What a beautiful young lady!" sabi ni Eli patungkol kay Liz. "May I know your name?"

"I'm Julianna Elizabeth Lark. You may call me Liz."

"Elizabeth. Liz. Beautiful name," nakangiting sabi ni Eli saka nakipagkamay sa dalagita. "Your name reminded me of a beautiful, strong maiden-queen."

"Queen Elizabeth I!"

"You got it!" natutuwang sabi ni Eli saka nagpakilala kay Julian. Halos magkasing-tangkad at magkaedad ang dalawang lalaki. "You raised a good daughter, Mr. Lark."

Symphonian Curse 5: Scorch PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon