Chapter Twenty-One - Gifted and Cursed

1.3K 61 3
                                    

Chapter Twenty-One

Gifted and Cursed


MUKHANG pinaghandaan ni S ang magiging sagot nito. Nakakapagtaka nga lang dahil ang nais lang naman niyang malaman ay kung paano nito nalaman na ampon ito pero parang may presentation itong inihanda. S was holding a big sketch book and a pencil. Nasa sala sila ng bagong bahay ni F samantalang nasa studyroom sina F at Lear, busy sa paglalaro ng chess. Kahit bagong bili ay sinigurado ni S na okay ang buong bahay. Fully furnished na iyon lalo na ang basement na gusto ni F na gawin daw na fitness gym.

"S, simple lang naman 'yong tanong ko," aniya.

"Pero hindi gano'n ka-simple ang sagot sa tanong mo kaya makinig kang mabuti, Pro. Lahat ng sasabihin ko sa'yo ngayon ay pawang katotohanan. Hindi ako nagbibiro at kahit mamatay pa lahat ng mga agents ng Black Stag –"

"Ano?"

"I mean, kahit mamatay pa lahat ng daga at ipis sa mga bahay ng lahat ng agents ng Black Stag International, nangangako akong totoo lahat ang mga sasabihin ko."

"Nandamay ka pa ng mga daga at ipis," reklamo ni Pro.

"Kailangan lang talaga 'yon."

"Fine."

"Promise that you won't tell this to anyone," seryoso nitong sabi.

"I promise," aniya.

Nagsulat ito sa sketch book. He wrote the word 'SYMPHONIA'. "You're familiar with this name, right?"

"Yeah. Symphonia Group of Companies."

"Good. Maliban sa pangalan ito ng isang malawak na business empire, pangalan din ito ng isang angkan na nasa Spain," trivia nito. Gumuhit ito ng maraming arrows mula sa salitang Symphonia. Sa dulo ng mga arrows ay nagsulat ito ng mga salita. Alferez, del Rojo, Naranja at iba pa. Ang huling salita na isinulat nito ay ang pinakapamilyar. Contreras.

"Under this clan are families. Most of these families are in Spain but the Contreras is different. Legally, I am one of the eight famous Contreras in the world," he explained. "Here's the not-so-believable part of my story," he breathed hard. "Our clan is both gifted and cursed."

"Ha?" napatanga siya. Kanina ay parang okay pa ang usapan nila pero ngayon ay parang lumalayo na sila sa topic. "Gifted and cursed?"

S sighed. "I know you won't believe me."

"S, simple lang ang tanong ko –"

"Pero hindi nga ganon ka-simple ang sagot, Pro," nahihirapan nitong sabi. "Makinig ka, sa angkan namin, karamihan sa mga panganay na anak ay may kakayahan o kapangyarihang hindi likas sa mga ordinaryong tao. Isa ako sa mga iyon."

"Yon ang dahilan kaya marunong kang kumontrol at lumikha ng apoy?"

"Yes but you're not getting the point," anito. Sandali niyang inisip ang sinabi nito at ilang sandali pa ay tumitig siya sa lalaki.

"Karamihan sa panganay," aniya. Tumango ito na tila na-relieved. "Kaya mo nalamang adopted ka ay dahil meron kang kapangyarihang likas lang sa mga panganay sa angkan ninyo."

"Correct."

"Baka naman may exemptions."

Umiling ito. "It's either you have it or not. May iilang panganay na walang ganoong gift but for those who have it, we call ourselves 'First Borns' and yeah, I am a First Born, not the seventh. I am a Symphonian. It runs in the blood. But I am not a Contreras. Kapag nalaman ng mga kapatid ko na meron akong kakaibang kakayahan, iisipin nila agad na ampon nga ako at dahil kakambal ko Star, damay siya. Biologically ay kadugo ko sila pero hindi kapamilya."

Symphonian Curse 5: Scorch PhoenixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon