Chapter Twenty-Two
Playboy
ILANG ARAW ng hindi mapakali si S dahil ilang araw na rin siyang hindi kinikibo ni Pro. Kasalukuyan silang nasa airport. Ilang minuto na lang at bibiyahe na sila papuntang Pilipinas. Excited na rin sana siya gaya ni Lear pero hindi niya magawa dahil kay Pro.
"Pro, galit ka pa rin ba sa akin? It's been five days," aniya.
"S, hindi ako galit sa'yo."
"Pero hindi naman 'yan ang ipinapakita mo."
"Ano ba ang gusto mong gawin ko? Ngumisi buong araw?" naiinis nitong tanong.
"See? Galit ka pa rin sa akin eh," sabi niya. Umismid si Pro. "Pro, hindi ko na gagawin ang mga ginawa ko noon. I'm trying to change lalo na ngayong alam ko na hindi ko basta-basta pwedeng ibigay ang puso ko dahil pwede akong magkamali."
"Hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin, S. Hindi mo kailangang i-consider ang mga ideas ko. I am sorry kung hinusgahan kita but really, you don't have to change dahil lang ayaw ko sa lifestyle mo. Kaibigan mo lang ako, hindi asawa."
Natahimik siya bigla. Bakit nasaktan siya sa sinabi nito? Kaibigan lang? Mula ng maging magkaibigan sila, he already considers her as important part of his life.
"Hindi ka na talaga galit sa akin?"
"Hindi."
"Okay," aniya but he can still feel the pain. Bakit gano'n? Daig pa niya ang nabasted gayong 'di naman niya nililigawan si Pro.
"Mr. Montero," daddy iyon ni Lear na lumapit sa kanya. Ito talaga ang personal na naghatid kay Lear sa airport.
"Yes, sir?"
"Take care of my son," anito.
"Makakaasa po kayo, Sir."
"Sabihan mo ako kung pabalik na kayo. Ako mismo ang susundo sa inyo," bilin pa nito. Tumango siya. Nakakatuwang isipin na malapit na ngayon sa isa't isa ang mag-ama. Alam niyang nag-aalala rin ito since mawawala ng ilang araw si Lear. Napakalayo ng Pilipinas sa Amerika kaya hindi niya ito masisisi.
Ilang sandali pa ay tumulak na sila patungong Pilipinas sakay ng eroplano.
MANILA, Philippines.
Nanhihikab pa ang asawa ng Kuya Elisha niya na si Faye habang pababa ng hagdan. Maaga kasi silang dumating at hindi sila nagpasabi na darating sa araw na iyon.
"Good morning, Ate Faye!" bati niya sa sister-in-law.
"S!" nawala yata ang antok nito nang makita siya. Agad siya nitong nilapitan at niyakap nang mahigpit. "Bakit 'di ka man lang nagpasabi na darating ka ngayon?"
"Surprise!" sabi niya. Faye laughed. "Ate, meet my friends. Eto si Pro, partner ko. Si Lear, makulit na bata at chess enthusiast."
Nakipagkamay si Faye sa mga kasama niya. "Wait, sigurado akong hindi pa kayo nakakakain. Maghahanda muna ako ng almusal natin."
"Pasensya na ate kung 'di kami nagpasabi ha?"
"It's okay," nakangiting sabi ni Faye. "Tiyak na matutuwa ang kuya mo."
Inutusan ni Faye ang isang kasambahay nito na ihatid sa guest room ang mga gamit nila.
After few minutes ay bumaba na rin ang Kuya Elisha niya at masaya siyang niyakap. Medyo napahaba ang tulog nito since day-off nito sa araw na iyon. Kasalukuyan silang nasa kusina; nagka-kape sila ni Pro samantalang umiinom ng gatas si Lear.
BINABASA MO ANG
Symphonian Curse 5: Scorch Phoenix
FantasySymphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the Contreras. To be a member of a mysterious family has an advantage, keeping a secret from his family...